My heart was beating so fast with all of the news I heard. Grey and I took the exam for a full scholarship in UOF and we're qualified! He'd take his pre-law there which is BS Political Science. I'd pursue BS Psychology. I couldn’t help but to be proud for the both of us.
“I’ll stick to Filipinas, ma,” tukoy ni Grey sa University of Filipinas.
“What? Gabriel, I know you wanted to take Legal Management as your pre-law at nanggaling mismo sayo na that program would provide a great foundation once you are in Law School na,” tita insisted.
Right. Grey was open about that to me. Sinabi niya rin sa'kin iyon. Walang ganoong programa sa UOF at sa pagkakaalam ko ay mga pribadong unibersidad lamang ang nagbibigay ng ganitong programa at isa na ang Colegio De Maharlika, ang pinaka pretihiyosong unibersidad sa bansa. Hindi ko maintindihan ang lalaki na parang nag-iba ang ihip ng hangin na inaayawan na niya ito.
“Grey, sabi mo rin sa'kin yan, Colegio De Maharlika is the most prestigious university and they offer Legal Management,” segunda ko kay tita.
He looked at me and his brows moved suggestively and right at that moment I got the context of his impulsive decision making. Hell no! Ayoko mag-assume pero iyon lang ang naiisip kong rason! He wanted to take BS Polsci instead dahil magkakasama kaming dalawa sa university.
Dapat niyang tanggapin iyon. That'd be a great opportunity for him and knowing him, he could ace the program. He's smart and dedicated. Alam kong iyon din ang gusto niya para sa preparasyon niya sa pag-aabogasiya.
“Whatever your decision we're here to support you, Gabriel,” tito Gary gave his son a reassuring nod.
“And Legal Management is what you wanted from the very start,” it wasn’t a question from tita Alhena. She just reminded her son.
“Ma…”
Hindi ko alam kung ano dapat ang tamang maramdaman. Hindi ko maikakaila na masaya ako dahil iniisip niya ako at kaya niya pipiliin ang kursong pangalawa sa listahan niya dahil nandoon naman ako, malapit kami sa isa't-isa kung sakali. Pero hindi ko maatim ang panghihinayang sa oportunidad na masasayang. Legal Management was his first choice!
“What is your reason, Gabriel?” Uminom si tita ng tubig. Tapos na kaming lahat kumain pero nasa hapag-kainan kami nanatili para pag-usapan ang mahalagang bagay.
Naramdaman ko ang paggalaw ni Grey. “I’d probably enjoy Political Science, ma,” he said casually.
He was lying. Sigurado ako roon. I just looked at him at sinusubukang basahin ang ekspresyon niya. Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha ni tita marahil kagayo ko, hindi kinagat ang rason ng anak niya.
“Jess will support you no matter what,” when tita Alhena said that I knew the ticking bomb exploded already.
Grey held my hand under the table. My automatic response was to shrugged off his hand that made him stiff a bit. Ramdam ko ang nanunusok niyang tingin sa gilid ko dahil sa gulat.
I hated it. He was compromising a lot of things in our relationship. He sacrificed a lot kahit pa noong hindi pa kami opisyal. Sa mga simpleng pag-aalaga niya, mga matatamis niyang salita at pag-aruga noong nanliligaw siya at lahat ng iyon ay hindi nagbago ng maging kami. Dumoble pa ang effort niya.
I can't stand the idea that I was becoming the reason why he needed to adjust. He needed to be much stronger to defend me and our relationship to the society. At hindi ko hahayaang isa rin ako sa magiging rason para hadlangan ang pangarap niya. This was just too much!
“We'll talk about this later,” pagbasag ni tito sa maikling katahimikan.
“Oo nga naman Gab, Maharlika would be a strong training ground for you,” sang-ayon ni Mommy kay tita at sa nilalaman ng isip ko.
After that breakfast hindi ko gaanong pinansin ang mga simpleng panunuyo ni Grey. Ayokong pumutok na naman ang loob ko kapag hindi ko nakontrol ang sarili. Magtatalo na naman kami kagaya ng nangyari kagabi. Bukod roon ay baka rumupok ako at hayaan siyang piliin ang UOF kaysa kunin ang pinapangarap niyang kurso. I was happy with the idea that we would be on the same university but not until I heard the news that he was qualified to Maharlika. Pangarap niya ‘yun!
Inabala ko ang sarili sa pag-aayos ng mga requirements sa nalalapit na graduation. Tinulungan ako ni Mommy na i-organisa narin ang mga ka-kailanganing ipasa sa UOF. She was hands on. She did not ask anything about the sleep I shared with my boyfriend maging ang inasal ko kaninang umaga. I was grateful for that. Hindi ko alam ang mga isasagot sakanya kung sakaling mag-usisa siya. Napansin rin siguro niya kung ano ang sitwasyon.
My phone rung when I was about to type a message for Grey. I wanted to apologize to him dahil sinumpong na naman ako kanina. Tinigil ko muna ang pagtipa ng mensahe at sinagot ang tawag.
“Good evening, tita,” I greeted her.
“Jess have you eaten na?” She asked with a tone of a Mom. Kawangis ng tono kapag tinatanong din ako ni Mommy kung kumain na ako. Trademark ‘ata talaga ng mga nanay ‘yan.
“Yes tita, kayo po ba?”
“Kumain na kami nila Gabriel,” she cleared her throat on the other line. Umupo ako sa kama mula sa pagkakahiga. “Sorry sa istorbo pero I-uhm…Jess, please convince Gabriel to take Legal Management.”
She sounded shy. Tita was a kindhearted person and a loving wife and a caring mother. Kaya hindi ko magawang magtampo kahit na narinig ko ang mga nakakatakot niyang prediksyon.
“Pangarap niya ‘yun. I never doubted his intelligence alam kong gagalingan niya rin sa Filipinas pero…pangarap niya ang kursong sinasayang niya ngayon,” a short paused on the other line. “Pilitin mo siya Jess, alam kong…makikinig din siya sayo.”
Great thing she didn’t mention na isa ako a rason kaya ganito ang desisyon ng anak niya kahit pa alam kong alam niya rin ang rason. Or she said it to me indirectly ngayon lang. It was better this way kung ganoon.
“Sige po,” tumango ako kahit hindi niya ako nakikita.
Our call indeed with an agreement.
Naghilamos muli ako kahit nagawa ko na iyon kanina pa. Gusto ko lang mahimasmasan sa mga agam-agam na nabubuhay sa dibdib ko. Naipadala ko na ang mensahe ko kay Grey at tumawag naman siya agad. We had a few chitchats.
Kahit may tanikalang sumasakal sa leeg ko nagawa kong isingit kanina sa usapan namin ni Grey ang pamimilit ko sakanya na ituloy ang nais niyang kurso. It was not a smooth transition but I was able to convince him. Hindi ako nahirapan dahil una sa lahat pangarap niya iyon. Alam kong kompirmasyon lang mula sa akin ang hinihintay niya.
Marahil hindi niya gustong isipin ko na magkakalayo kami dahil sa ibang unibersidad siya tutuloy. Marahil iniisip niyang mas masaya kapag panatag kaming malapit sa isa't-isa.
At some point I wanted to be selfish. Gusto kong sabihin na gustong-gusto ko na makita siya araw-araw kaya sa UOF nalang siya magpatuloy. At some point, gusto ko rin ang ideya niya na mas gagaan ang buhay namin sa kolehiyo kapag magkasama kami.
Ngunit sino ba naman ako para itali ang pakpak niya? He can do anything kahit malayo ako sakanya. Maging ang nanay niya alam iyon kaya wala akong karapatang ipagkait ang oportunidad na nakalahad.
“This is a puppy love Gary. Apat na taon pa ang gugugulin ni Gabriel sa kolehiyo then he will proceed to Law School and that is another four years.”
“ You think hindi siya makakakilala ng iba? Ng babae?”
“You know what I am talking about Gary, pinagdaanan natin ang mga bagay na iyan. We had exes before na akala natin sila na ang makakatuluyan pero masyadong malayo sa katotohanan.”
My mind races again. It was non-stop.
Isinubsob ko ang ulo sa unan at pinilit ang sariling matulog sa pag-aakalang sa pag-pikit ng mata ay siyang paglimot ng katotohanang maaaring mangyari pero…hindi ko magawang kumbinsihin ang sarili.
***
Follow/Vote
have a good one ahead, see youuu on the next chap!!
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 18
Start from the beginning
