“Come on,” nag-unat lang ng kamay ang kasama ko at bumaba na sa higaan. Kumuha siya ng white t-shirt sa damitan ko at mabilis na sinuot.

Hakab na hakab ang katawan niya sa puting shirt dahil sa akin ang damit na iyon na medyo maliit talaga kung ikukumpara sa dapat na size para sa matipuno niyang katawan.

“Tangina,” bumaba narin ako sa kama.

“Watch your mouth.”

“They just saw us!”

His forehead creased. “And?”

“Nakakahiya!” Matigas pero pabulong kong reklamo.

“We're lovers.”

“Kahit na.”

Binihisan niya ako kagabi, pinunasan ang katawan at lahat ng pag-aasikaso pero hindi niya man lang naisip i-lock yung pinto! Tapos kung maka-react siya ngayon ay parang wala lang sakanya na nahuli kaming ganito ang eksena.

Bakit ba kasi ang aga ni Mommy and bakit nandito sina tita?

Sinuot ko ang shorts ko habang sinisipat ang sarili sa salamin. Lumabas ang repleksyon ni Grey sa salamin at hinagkan ako mula sa likod. Parehas kaming nakatitig sa salamin at minamasdan ang mga sarili.

“Good morning,” he kissed the upper side of my head while looking at me in the massive mirror.

I smiled at him from the reflection. Pagkatapos ay hinarap ko na siya. “Baba na tayo,” I said.

“Walang morning kiss?”

“Tumigil ka,” pinigilan ko ang sariling hindi mangamatis dahil sa kalandian ng nobyo ko.

Lumabas na ako at sumunod siya. Sabay kaming bumababa sa hagdanan para alalayan ako.

“Ang ganda nito,” my Mom said excitedly while pointing something on her phone to tita Alhena.

“This is cute too,” sagot naman ni tita Alhena saka may ipinakita kay Mommy sa cellphone niya.

Tuluyan kaming nakapasok sa dining area kung saan inilalapag na ni tito Gary ang mga pinggan at almusal. Grey went directly to the sink to gargle. I followed him. Nang matapos siya sumunod akong naghugas ng kamay at nagmumog.

Grey pulled a seat for me and he sat beside me. Ang mga ginang ay huminto na sa kung anumang ginagawa nila sa kanilang mga devices.

“Let’s eat.” Umupo narin si tito Gary.

Nagsimula na kaming kumain. Banayad ang temperatura kahit hindi nakabukas ang airconditioner. Nakabukas lang ang magarang ceiling fan at ang mga bintana kaya nakakapasok ang hangin. Sumisilip ang liwanag mula sa labas na nagbibigay ng malamyos na akap sa amin.

“So, I should start by congratulating the both of you…graduating with academic excellence and now both of you just got accepted to University of Filipinas,” anunsyo ni tita Alhena.

I gasped. I forgot! The release of the list for the qualified students to enter UOF was last night. It was released last night! I gazed at my boyfriend and a huge smile plastered on his lips. ‘Ni hindi namin nakita ang list dahil…

Busy kami kagabi!

Pumalakpak naman ang aking Ina at sinundan iyon ni tita Alhena. Ngiti ang iginawad ni tito sa'min. Nasagot ang tanong ko kung bakit sila nandito.

“And hindi lang ‘yan,” buong atensyon ni tita ay nasa kanyang anak, “you are qualified to take your dream program at Colegio De Maharlika!” Her proudness was priceless.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now