Magiliw ang itsura ng matanda habang nakatingin sa'kin. Kagaya ng lahat ng tao dito, mainit ang pag-trato niya sa'kin.
Nakapanlalambot ng puso na tunay na kapamilya ang turing ng pamilya sa matanda. Mama pa ang tawag nila sa kanilang kasambahay. Kaya kita rin kung paano kamahal ni mama Elise ang pagbibigay serbisyo sa pamilya ng mga Gil.
Tumayo ako sa marmol na kinauupuan. “Ano po ‘yan mama Elise?” Tanong ko sa pag-anyaya niya habang sinisipat ko ang hawak niyang babasaging mangkok.
“Ahh yung macaroni salad na dala mo, nasarapan si Alhena at nagpapadala sa office room niya,” nagagalak parin ang boses niya.
That made my cheeks red as ripe tomatoes. My Mom really makes the best macaroni salad, nakakataba ng puso na nagustuhan nila ang pinadala ni Mommy.
“Sure ma, akin na po ako na magbibitbit,” iminuwestra ko na ang mga kamay para kunin ang mangkok na medyo mabigat dahil sa kapal nito.
Nakaawang ang pintuan ng office room ni tita kaya bahagya ko na sanang sisipain ang pinto para tuluyang buksan iyon ng magsalita si tita. Nasa likod ko lang si mama Elise na hinihintay na buksan ko na ang pinto.
Hindi ko alam bakit dahan-dahan kong binaba ang isang paa para hindi buksan ang nakaawang na pinto ng silid.
“Oh no, I'm fine with whatever they have at this moment. Kampante ako sa paniniwala ko. This is a puppy love Gary. Apat na taon pa ang gugugulin ni Gabriel sa kolehiyo then he will proceed to Law School and that is another four years,” tumawa ang ginang ng bahagya, “ You think hindi siya makakakilala ng iba? Ng babae?” She chuckled.
Isang metaporang matalas na sibat ang bumaon sa dibdib ko. My hands started to tremble.
“You know what I am talking about Gary, pinagdaanan natin ang mga bagay na iyan. We had exes before na akala natin sila na ang makakatuluyan pero masyadong malayo sa katotohanan.”
“Grey and Jess are too young, kaya kampante ako, Gary.”
“ I know,” sang-ayon ni tito Gary. “But let’s support them for now, let them be Alhena. Wag ka nang manghimasok at tumutol.”
“I’m not Gary you know that, I like Jess but–·”
Kahit nanginginig ang kalamnan ko at paglalabo ng mga mata dahil sa nagbabadyang luha, nagawa ko paring iabot ang mangkok kay mama Elise ng hindi lumilikha ng ingay. Nakuha naman ng kasambahay ang nais kong iparating. Maging siya ay gulat sa mga narinig mula sa amo.
Umalis na ako sa tapat ng office room at bumalik sa lanai. Sapat na ang mga narinig ko at sapat na yung sakit para dagdagan pa kapag nanatili ako upang makinig sa mga katotohanang sinasabi ng mag-asawa.
Totoo lahat ng sinabi ni tita Alhena. Naiiyak ako pero hindi ko mahanap ang galit sa puso ko. Paano ko mararamdaman ang galit kung bukal sa kalooban nila ang pagtanggap sa akin simula noong unang ipinakilala ako ni Grey sakanila. Papaano mamumuo ang pagkamuhi ko sa ginang kung kaibigan niya ang Mommy ko. Saan ko kukunin ang sama ng loob gayong gusto nila ako. Paano ko sila masisisi kung bukas lang ang isip nila sa mga posibilidad na maaring mangyari at iyon naman ay pawang katotohanan.
Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa.
“Jess,” bakas sa boses ng lalaki ang saya.
Mariin akong napapikit at bahagyang tumingala para mapawi ang luha na dadausdos. Hindi ko mabilang kung ilang malalalim na paghinga ang nagawa bago ko hinarap si Grey habang nakaupo parin ako sa marmol.
Nakatayo na siya sa harapan ko at ng magtama ang paningin namin nakita kong bumagsak ang nakakurba niyang mga labi.
“Hey what happened?” Lumuhod siya sa harapan ko para mapantayan ang mukha ko. “Y-you look s-sad, tell me what's bothering you,” he held my hand and worry were visible on his fresh face.
Nasa harapan ko ang lalaking hiniling ko. Ang rason kung bakit araw-gabi sa malambot na ulap nakapatong ang ulo ko. Paano ko sasabihin sakanya na parehas kami ng pananaw ng nanay niya. Tinulungan niya akong pawiin ang mga pangamba na iyon pero sa isang iglap nanumbalik lahat.
“Are you tired? Magpahinga nalang tayo, Peter and your friends would understand naman,” hindi niya parin binibitawan ang kamay ko.
“Umupo ka nga dito,” I patted the space beside me. “I am fine, Grey.” Nabilib ako sa sarili na hindi ako nangatal.
Sinunod niya ako at umupo siya sa tabi ng hindi pinapakawalan ang kamay ko.
His eyes shone bright when I gave him a sweet smile. It glistened so bright that the night sky would be ashamed that an object like my boyfriend's eyes were not up there to cast a beautiful light.
“You sure?”
“Yes, I-I am just genuinely happy my love,” binawi ko ang kamay ko mula sakanya at ng kumawala iyon dumapo iyon sa magkabilang pisngi niya na malambot.
Ang mga salitang pinakawalan ni tita at tito ay may katotohanan pero habang ganito ang mahal ko, habang patuloy niyang ipinararamdam ang mga pinangako niya ay mananatiling kasinungalingan ang lahat ng prediksyon nila. Mahal ako ng anak nila at hindi ako kayang lokohin.
Hinaplos ko ang magkabilang pisngi niya at pinakatitigan ang malamlam niyang mata.
Pinulupot niya ang kaniyang mga kamay sa magkabilang baywang ko at marahang lumapit para salubungin ako ng mainit na halik.
When our lips met each other, I felt the butterflies in my stomach and the goosebumps were running around from my nape down to my spine. The sensation was driving me crazy.
Pinutol ko ang halik. “They’re waiting na,” tukoy ko sa mga bisitang naghihintay na siguro.
I felt the warmth of his breath when he chuckled as he was just inches away from my face.
“They can wait,” he whispered while looking at my wet lips.
“Stop,” I was not able to hold back the tiny laugh.
“Isa pa.”
Bago pa ako tumutol ay nahuli na niya muli ang labi ko.
Sa Isang mapusok na halik ay ibinaba kong muli ang itim na pangamba na watawat para ipagpunyagi ang puting bandera ng pagmamahalan na kasing tingkad ng ulap na masisilayan sa magandang kalangitan.
If the dark clouds will be visible
Remember my love was pure
Remember I risked it all
Pain of wishes undone I will never endure
If rain pours as dense as diamonds
Remember wounds shall be the frontline
As capable to rhyme
Pain shall vanish in divine time
If what ifs comes true
Souls shall steer for cure
Remember if cure cannot be lured
Uplift love to leave everything to him even pieces were unsure
***
Follow/Vote
Trust
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 16
Start from the beginning
