Bumilis ang tibok ng puso ko sabay ng pagpikit ng mga mata.
Tumikhim ang aking ina.
Ina naman oh!
“Ehem,” peke ang kaniyang pag-ubo, “I am so happy to the both of you… time to shivoo!” Masayang anunsyo ni mommy sa'ming lahat.
I opened my eyes. Tumambad sa'kin ang nanghihinayang na mukha ng lalaki.
Ganoon din naman ang naramdaman ko. Morning kiss sana ‘yun ah. Ina talaga.
Nauna nang pumasok ang apat naming mga kaibigan sa kusina na may nanunuksong mga ngiti.
“Halika na nga,” panghihinayang parin ang nangibabaw sa boses ko. Shit ganoon na ba ako kasabik sa halik?
Hinatak ko na ang aking nobyo papunta sa kusina. Hinapit niya ang kaliwang bewang ko and he then chuckled sweetly.
“Later,” he whispered.
Kinurot ko ang tagiliran niya.
Nakaupo na kaming lahat sa hapagkainan. Lahat ay nagsimulang kumain.
“Mom and Dad wants us to have dinner po sa bahay,” Grey said looking at me and to my Mom.
I smiled. This isn’t the first time he said that. Madalas din kaming nagkakaroon ng dinner with them. Our parents did get along.
Everybody knows our relationship even at school. Sanay na ang lahat na makita kami sa publiko. Sanay na rin kami ni Grey sa mga hindi maiiwasang mapanghusgang tao.
Mula sa maliliit at malalaking pagtatalo ay lagi naming pinag-uusapan agad upang solusyunan. Kapag parehas kaming mailap ay hinahayaan nalang muna namin ang mga sarili na magpalamig bago mag-usap. At the end of every arguments we had, lagi namang nauuwi sa pasensyahan o tawanan.
Ngumiti ng malawak ang aking ina.
“Ay oo nga pala. Tumawag na mama mo sa'kin tungkol diyan. I told her na I can't come tonight. I need to attend sa event ng NGO's mamaya.”
“Next time,” dagdag niya saka ngumiti ulit. “Mag-enjoy kayo mamaya ni Jess. Mag-ingat sa pagda-drive Gabriel ah,” bilin ni Mommy.
“Yes po tita,” malambing na tugon ng nobyo ko.
I had the most appetizing dinner tonight. Tonight was exceptional compare to the previous lavish meal I had in this house. Tita Alhena and tito Gary were always warm. Sinisigurado nilang palagi akong komportable kapag narito ako sa kanilang pamamahay.
I never imagined having this kind of treatment from the parents of the love of my life. I thought it was impossible, akala ko sa mga pelikula o nobela lang ito nagaganap pero 'heto ako at tinatamasa ko ang mainit na pagtanggap nila sa akin, sa relasyon namin ng kanilang nag-iisang anak.
Naiwan akong mag-isa sa lanai, nagpaalam saglit si Grey na maliligo muna para maghanda sa pupuntahan namin. Inimbitahan kami ni Peter na pumunta sa kanilang bahay dahil kaarawan ng kapatid niya. Sinabi pa nito na selebrasyon narin namin iyon para sa nalalapit na pagtatapos sa Senior High dahil maging ang ibang kaklase namin at ibang batch mates ay dadalo dahil sa imbitasyon ni Peter.
The thought of flocking the event by the grade 12 students of the supposedly birthday celebration of her sister annoys me. Kung kapatid ko lang siya ay sigurado akong masasampal ko siya ng buong lakas.
But I couldn’t do anything dahil sumang-ayon naman ang karamihan. Kasama ang mga sisteret ko eh.
“Jess, halika samahan mo ako sa mag-asawa na ibigay ‘to,” pag-anyaya ni mama Elise, ang kasambahay nila Grey.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 16
Start from the beginning
