It was July 28th last year when we became official. Wala ng rason para pahabain pa ang panliligaw niya. I knew what my answer would be from the very start.
Today is our 8th monthsary. I told him not to invest time on this day dahil alam kong pareho kaming abala sa nalalapit na pagtatapos sa SHS.
“So you planned this?” Kunwari naiinip kong tanong but deep inside kulang nalang ay mabutas ang dibdib ko sa lakas ng pagtibok ng nasa loob dahil sa nag-uumapaw na kasiyahan.
Binasa niya ang kaniyang mapupulang mga labi. Huminga siya ng malalim. “Yes–with a minimal help,” nakangisi niyang tinuro ang mga tumulong sakanya.
Dumukot siya sa kaniyang bulsa at inilabas ang maliit na parisukat na kahon. He opened the box and gracefully grabbed the thing inside it.
Halos malaglag ang panga ko ng makita ang hawak niyang silver bracelet. It was plain but very elegant. Para saan yan?
“Jess,” kinuha niya ang mga hawak kong bulaklak at tsokolate at inilapag iyon sa malapit na lamesa, “h-hindi man normal para sa iba ang pagmamahalan natin, p-pero para sakin… loving you is the greatest feeling a-and one of the normal thing that my system wants to do,” his voice is a bit cracking because of being emotional.
Naramdaman ko ang pagdaloy ng mainit na likido sa aking mga pisngi.
Pinunasan iyon ni Grey gamit ang kaniyang hinlalaki. “W-will you b-be my…love of my life?”
Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko at nagbusangot saka ko hinampas ang kaniyang matipunong braso.
Buwan-buwan niya ginagawa ito. Palagi niyang tinatanong iyan na akala mo nanliligaw parin siya at gusto niyang marinig muli ang sagot ko na ‘Oo’.
“Yes… be my husband Grey,” he then chuckled with teary eyes. So did I. My tears were unstoppable.
Pumalakpak ang mga kasama namin sa bahay. May kasama nga pala kami.
No words can describe how happy I am. I couldn’t believe this is really happening.
Isinuot na ni Grey ang eleganteng bracelet sa'king pupulsuhan. Saktong-sakto iyon sa aking kamay.
Tuluyan nang kumawala ang tubig sa kaniyang mata. “Just trust me Jess, I will protect you and court you everyday. Sabay nating haharapin ang mga pinangangambahan mo. Pero hindi ako papayag na masisira ang relasyon natin dahil sa kanilang panghuhusga,” I hugged him after he said all of that. “I love you,” he whispered.
“You better mean it because I won't give this bracelet back,” biro ko habang nakapulupot ang mga kamay sa kanyang leeg.
“I mean it.” He assured.
“Just t-tell me kapag may napupusuan ka nang babae,” kumunot ang noo ng kaharap ko, “hindi ako magagalit–·”
“Stop there please,” his eyes were pleading, “I heard that line from you so many times and I don’t want to hear that again from now on.” That got me.
His voice was a little sad and his eyes were also compatible to his voice.
Tumango ako. Why am I being like this though? Maybe I just want to be prepared to the inevitable and I want him to tell me if in case that would happen.
Magsisinungaling ako kapag sinabi kong nawala ang mga takot at pangamba ko. Nabawasan lang iyon pero ang iba ay nanatili sa sistema ko. Siguro normal lang ito.
Bumaba ang kaniyang mga mata sa'king labi. Dumako rin ang tingin ko sa kaniyang nagnanasang mga labi.
Lumalapit ang mukha ni Grey palapit sa'kin.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 16
Start from the beginning
