Ken and Peter with roses on their left hands. They handed the roses to me.
“Ano ba ‘to?” Hindi ko na mapigilan ang mapatanong sa apat.
Iniangat ko pa ang apat na pirasong rosas. Imbes na sumagot sabay-sabay silang may itinuro sa kusina. Nakakunot noo kong nilingon ang kanilang itinuturo.
Then I saw her. My mom, wearing a genuine smile. A smile that never fails to make my heart lighter. The smile that will always fire my soul to strive for life.
She was and will always be my life.
Ako na mismo ang naglakad papunta sa'king ina upang dambahin ito ng mahigpit na yakap. It took a few minutes ng siya na mismo ang kumalas sa yakap.
“Mommy hindi ko pa naman birthday ah,” napangiti siya sa sinabi ko, “at gumastos kapa talaga,” natatawa narin ako.
To be honest this is so sweet and romantic. I never thought my mom would do this stuff. But she doesn’t need to do this. I know how much she loves me, our family. Everything I have right now is because of her and my Dad.
“Take this.” Iniaabot niya sa'kin ang isa pang pulang rosas.
Napataas ang dalawa kong kilay saka kinuha ang bulaklak. “I’m happy for you,” mangiyak-ngiyak siya.
“Para saan ito ‘mmy? Bahagya kong iwinagayway ang hawak na mga bulaklak.
Ngumuso siya. Pointing a direction.
“huh?” takang-taka na ako.
She continues pointing a direction using her lips. Fine! Here we go again!
Another pakulo?!
Kahit tamad na tamad na ako inikot ko ang ulo ko pati ang katawan tungo sa direksyong itinuturo ng aking ina.
Umarangkada ang nababaliw kong puso sa nakita.
Ang lahat ng bagay ay tila naglaho dahil sa kaniyang presensya. Nakakapangilabot. Nakakabaliw. I wet my lower lip while watching him stepping down the stairs.
Malalamyos na hakbang ang ginawa niya pababa sa hagdanan ng hindi inaalis ang titig sa'kin.
Our eyes transfixed as if we're in a staring contest. Sa mga oras na ito tanging puso't isip at ang aking mga mata ang gumagana.
I stood froze while he's walking manly towards my spot.
He was so handsome. Grey is wearing a gray polo sleeves that were tucked in his black pants. Hakab ang matitipuno niyang braso sa sleeves ng polo at bakas din ang ebidensiya ng paglalagi niya sa gym mula sa kanyang dibdib tungo sa mga hita niyang maskulado.
So siya yung kumakatok ng pagkalakas-lakas at siya rin yung sumisitsit. Siya rin kaya ang nagpakana nito?
He handed me a bouquet of red roses and a chocolate that was in a heart shape container. “Good morning,” napakalambing na pagbati ng aking nobyo.
Grey courted me for almost four months. Matapos ko siyang bigyan ng permiso na ligawan ako sa kalagitnaan ng kalsada isang taon na ang nakararaan, hindi ko lubos akalain na seryoso talaga siya.
Mga panahong balot na balot ako ng takot at pangamba. Maraming agam-agam kung dapat ko bang isiwalat din ang tunay na nararamdaman sa lalaki. Looking back, I must say I did the right thing.
Ang sarap sa pakiramdam na hinayaan kong maging maputi ang ulap at kunin ang oportunidad na lumikha ng magandang hugis sa paghulma ng pag-ibig. Hindi ko hinayaang mamuo ang tubig na maaaring magpadilim sa malambot na ulap at pagragasa ng ulan patungo sa kalupaan at gumawa ng putik.
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 16
Start from the beginning
