“Yan ba ang ikinakatakot mo?” Seryoso niyang tanong.
Pumreno ang nag-aalangan kong mga paa. Hinarap ko siya. He looks tired and desperate.
“Gusto kita at gusto mo ako,” nanggilid ang luha ko.
Bahagya akong tumingala upang pigilin iyon, “pero magsasayang lang tayo ng oras… dahil sa huli… alam kong b-babae ang para sayo. At ayokong mag-aksaya ng panahon, masasaktan lang tayo pareho,” garalgal kong litanya dahil sa pagiging emosyonal.
“Why don’t you give me a chance?” Lumapit siya sa'kin. “I am willing to sacrifice, do anything and get hurt...j-just to have you,” he said firmly.
Hindi parin humuhupa ang paghingal niya tulad ko.
“I’m sorry ple–·” pinutol niya ang sinasabi ko.
“Please, g-give me a chance…,” he held my hand and squeezed it softly, “kung nangangamba ka sa sasabihin ng iba… m-mas mangamba ka sa sarili mo kung ituturing mo ang iyong sarili na iba ka sakanila.”
I don’t understand what he just said. “W-what?”
“Wag mong ituring ang sarili mo na iba ka, karapatan mo ‘ring magmahal ng malaya at wala rin silang magagawa kundi tanggapin tayo,” humigpit ang pagkakahawak ni Grey sa'king mga nanlalambot na kamay matapos magpakawala ng mga salitang sumaksak sa puso ko.
Hindi ko kayang lokohin ang nararamdaman ko kahit pilit ko man itong pigilan at itanggi.
Hanggang kailan ko mapipigil ito? Hanggang kailan ko kayang tiisin na wag siyang gustohin? Hanggang saan ako dadalhin ng sariling ulap kung patuloy kong iipunin ang bigat hanggang sa bumuhos ang ulan mula sa maitim kong ulap at lumagapak sa lupa.
I am already in loved with him. I never knew how it feels to be in love until I get to know him pero mayroong parte sa akin na nagsasabing hindi pwede.
Hindi pwede dahil alam kong masasaktan ako. Hindi pwede sapagkat alam kong ako parin ang talo sa huli.
Ako ang talo sa huli. Hindi pa man ako nandoon pero dama ko na ang sakit.
Sapat na sa'kin ang maransan ang ganitong pakiramdam. Sa mga bagay na ipinaranas sa akin ni Grey sa musmos na edad, sapat na iyon para patunayan na maaari akong mahalin sa kabila ng malupit na lipunan.
“Please…,” pinapatakan niya ng maliliit na halik ang pagod kong kamay. His eyes were blubbering.
Mapipigilan ko ba talaga? Hindi ba talaga pwede? O baka takot lang ako. Takot sa lipunan, sa mga malupit na nilalang o takot sa sarili na tuluyang mahulog at takot sa ideyang magwakas ang pag-ibig kapag ito'y nasimulan.
Marahil takot sa mga pangakong pwedeng mabali at takot na takot na kapag nangyari iyon ay ilalayo ako ng tadhana sa taong minamahal ko.
But now I am going to take the risk. I'm not going to stop myself from falling in love with someone who can love me the way I do. I know its risky but he's right.
May karapatan akong magmahal ng malaya kahit sino pa ito. Hindi ko maaaring ipagkait sa sarili ang magmahal at mahalin.
At baka sakaling totoo ang mga sinabi niya, na he's willing to sacrifice and do anything. Baka sakaling kaya niya akong mahalin hanggang dulo ano pa man ang sabihin ng ibang tao.
Siguro, nilalamon lang ako ng takot.
“Just give me a chance…” pagsusumao na niya. Pinisil pisil niya ang kamay kong hindi parin niya pinapakawalan.
I cleared my throat and looked at him eye to eye. This time I'm going to do what I fear the most.
Nagdaan sa kaniyang mapupungay na mga mata ang lungot at kaunting pananabik habang hinihintay ang pagbuka ng aking nangangatal na bibig.
“Y-yes Grey,” determinado kong saad, kumawala na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Napamulagat siya sa sinabi ko. Hindi siya nakapagsalita agad.
Binawi ko ang aking mga kamay mula sakanya at buong puso ko siyang hinagkan.
Ngayon ko lang sasabihin ‘to sa sarili ko, ‘ang swerte ko para maranasan ang ganitong pag-ibig.’
Unti-unting lumuwag ang yakap at naramdaman ko ang pagdapo ng malambot niyang labi sa'king noo. At siya na ngayon ang yumakap sa'kin.
I placed my chin on his shoulder. I felt safe and loved.
“Thank you Jess, I will now officially court you at sisiguraduhin kong makukuha kita at papawiin ko ang iyong mga pangamba.”
***
Follow/Vote
I know this is a short one but believe me, wala na akong maisip na dapat ibawas o idagdag sa kabanata na ito.
Sapat ang lahat para sa akin upang ipahayag ni Jess ang kaniyang mga pinangangambahan sa pagpasok sa larangan ng pag-ibig.
Abangan natin kung saan dadalhin ng tadhana ang pagsakay ni Jess at Grey sa agos ng pag-ibig.
Maraming Salamat!
YOU ARE READING
The Parallel Red Strings
General Fiction"Lahat ng iyon, hindi lang dahil sa isang laro." According to the theory of Red String, the two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of place, time, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle but never br...
CHAPTER 15
Start from the beginning
