Chapter 145 Kamay

8 1 0
                                    

MALIWANAG ang buwan sa kalangitan.

"Ha! Hmmm! Ha! Klay bakit kasi hindi mo na download 'yong online version. Ha! O eh edi ngayon wala kang reference. Asa ka pang may data dito." Ani Klay ng pagbukas niya ng libro na 'El Filibusterismo' ay wala na itong sulat at napahawak rin siya sa cellphone niya.

"Klay paanong biglang nabura?" Ani Fidel.

"Deleted! Erased! Canceled! Ni wala pa nga 'yong ending oh! Ha! Ang sabi ni Basilio babalik lang daw sa nakasulat kung nangyari na. Ha! Ah! Nakakaloka 'tong libro ni Mr. Torres. Teka so kung... kung hindi pa nagaganap pwede pang mapigilan." Ani Klay na napahawak pa sa ulo at maging sa buhok niya.

"At ah... pwede pang magbago."

"Oo kasi si... si Elias nga patay na sa 'Noli' eh. Oh pero dito buhay siya 'di ba? Ibig sabihin naaalter na natin ang narrative. At maaaring hindi mangyari 'yong nabasa ko noon. Haha! Ha!"

"At si Simoun ano ang maaaring mangyari sa kaniya?"

"Posibleng magbago pa ang isip niya. Tama! Ah haha sana magbago isip niya."

"O hindi kaya may bago siyang pinaplano. Maaaring mabago nga natin ang kaniyang gagawin ngunit mababago pa kaya ang kaniyang isipan at damdamin. Lalo na't hindi siya naging matagumpay sa paghimok kay Basilio hindi ba?" Ani Fidel na umupo katapat sa inuupuan ni Klay.

"KLAY! Klay hindi ka maaaring magtungo sa kwartel. Kagagaling mo lang do'n hindi ba?" Ani Fidel na hinahabol si Klay na tumatakbo.

"Kailangan kong puntahan si Basilio." Ani Klay at huminto sila ni Fidel sa may mga taong nagtitinda.

"Nais mo bang maaresto't makulong muli? Pagtapos ng pagsagip ko sayo."

"He! Ha! Ha! Nabasa ko na nga ang buong libro pero may na miss pa rin ako. He! Kung napigilan ko sana 'yon walang dahilan para madamay at makulong si Basilio. Huhu! Ha! Ang daming pagkakataon na mabago ko 'yong kwento pero hindi pa rin sapat. Hmmm! Tinanggap ko na nga na wala akong mahihit na character development kay Simoun eh. He! Pero dito man lang kay Basilio sana may magawa ako. Ha! Ha! Ha!" Ani Klay na tuminging pa sa libro habang umiiyak at pinahid niya rin ang kaniyang luha.

"Klay naiintindihan ko. Ngunit huwag ka sanang padalos dalos. Lagi at laging may ibang paraan."

"Ha! Ha! Ha! Ha! Hmmm!"

"Pag-usapan natin, anong maaari nating gawin. Ano ba ang susunod na mangyayari sa libro?" Ani Fidel na hinawakan ang isang kamay ni Klay.

"Hmmm! He! Ha! Wala ng nakasulat eh. Hmmm! Pero pagkatapos makulong ni Basilio. Ha! Si Juli. Fidel may mangyaring masama kay Juli." Ani Klay ng tiningnan ang libro ng 'El Filibusterismo' pero wala na itong sulat at nagkatinginan sila ni Fidel.

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon