Chapter 104 Marites

12 2 4
                                    

"TAMA na po. Huwag na po kayong mag isip ng negative toxic lang iyan eh. Think positive sir. Hinga! Malalim na hinga. Kalma! Palagi mong iisipin na ikaw si Don Crisostomo Ibarra. Kaya mo ito. Kaya niyo ni Maria Clara ito. Malalagpasan niyo rin ito sir. Fight!" Ani Klay ng nakangiti at naglakad ng kaunti si Crisostomo Ibarra at inilabas ang kaniyang panyo at napaiyak na lamang habang nakatalikod kay Klay na umiiyak na rin at si Fidel na nakangiting kakadating lang sa hindi kalayuan ay napawi rin ang ngiti sa kaniyang nasaksihang tagpo at napasimangot na lang.

"MAS mainam na magpahinga na lamang si Crisostomo sa kaniyang silid." Ani Fidel habang naglalakad sila ni Klay sa hallway ng bahay ni Crisostomo Ibarra.

"Pinilit ko pa kasi. Ang gusto ko lang naman makabawi sana siya. Tsaka para magkita na rin sila ni katokayo." Ani Klay.

"Binibining Klay! Kahit ipilit mo man kapasyahan pa rin ni Crisostomo na magtungo sa pagtitipon. At kakambal na roon ang hindi inaasahang pangyayari. At ngayon nasasadlak siya sa isang malaking suliranin. Paano na kaya ang mga indiong nais niyang tulungan?" Ani Fidel at napahinto sila sa paglalakad at nagkaharapan at napa tss naman si Klay.

"Ito ang oras ng kaniyang pangangailangan. He needs our help and support!"

"May sinabi ba akong hindi ko siya tutulungan. Binibining Klay napakabilis mong bumitaw ng hatol lalo na pag si Crisostomo ang pinag-uusapan. Ako ay ang kaniyang kaibigan at iyong ang dahilan kung bakit nais ko siyang tulungan. Eh ikaw saan nanggagaling ang malasakit mo kay Crisostomo?" Ani Fidel at napataas naman ang kilay ni Klay.

"Eh sa pagiging kaibigan niya rin. Ha! Mabuti siyang tao. Mayroon siyang malasakit sa kaniyang kapwa lalong lalo na sa mga taong tinatawag mong Indio."

"Ha! Totoo! Totoo ang iyong mga sinasabi Binibini. Subalit Binibining Klay ah... higit pa roon ang aking nakikita sa iyong mga mata tuwing pinagmamasdan mo si Crisostomo."

"Stalker yarn! Ano lahat ba ng ginagawa ko minomonitor mo? Ano ka human CCTV?"

"Paumanhin Binibining Klay ngunit hindi ko mawari ang inyong sinasabi. Tila ikaw ay nasaktan sa aking mga sinabi. Ang nais ko lang naman ay ah... pangalagaan ang iyong dangal bilang isang babae."

"Inaano ka ng dangal ko? OA mo ma concern ah!" Ani Klay na napalaki ang mata.

"Dahil hindi katanggap tanggap para sa isang babaeng kagaya mo na magkaroon ng pagnanasa sa isang lalaking mayroon ng ipinagkasundong kasal."

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon