Chapter 107 Pakasalan

10 1 0
                                    

"BATID kong ikinagulat mo ang aking pagsisiwalat ng akin na loob. Lo siento, señorita Klay. Pero maniwala ka sa akin hindi ko rin ito inaasahan. Hindi ko inaasahang iibigin kita ngunit iyon ang katotohanan Binibining Klay." Ani Fidel at napanganga lang sa gulat si Klay.
Translation: (Paumanhin, binibining Klay.)

"Nakakaloka! Ang gusto ko lang naman ay matulungan ang mga bida sa nobelang ito pero bakit parang nakakaroon ako ng sarili kong love story. Hmmm." Ani Klay ng pabulong at nagsalita ng pabebe sa huling linyang sinalita at naduling rin na tila kinikilig.

"Binibining Klay tila kinakausap mo uli ang iyong sarili."

"Hmmm... sir Fidel hindi tayo pwede. Okay! Imposibleng maging tayo. Kung alam mo lang magkaiba ang mundo natin."

"Batid ko... batid kong tila langit ako at ikaw ay lupa." Ani Fidel na inimwestra pa ang kamay sa pagpapaliwanag.

"Hmmm."

"Ngunit Binibining Klay hindi na mahalaga iyon ang mahalaga ay ibig kitang pakasalan."

"Ha! Sandali! Kasal agad? Hahaha samantalang dati kulang na lang magsakalan tayong dalawa." Ani Klay na nagulat pa at napahawak sa kaniyang noo.

"Totoo iyan at hindi rin naman kita iniibig dati sapagkat ikaw ay nakakayamot na babae. Kaya ikinagulat ko na lamang isang araw na napagtanto ko na... na binihag mo na aking puso binibini." Ani Fidel na parang nayayamot na sa kakapaliwanag.

"Hoy bakit ka galit sa akin?"

"At bakit ako hindi magagalit sayo? Ngayon tila... tila ayaw mo sa akin. Hindi mo ba napagtanto binibini? Na napakapalad mo na iniibig kita."

"Hmmm."

"Aba! Kung ibang babae ang aking sinuyo malamang ay nagpapakasal agad iyon sa akin."

"Hoy, Fidel! Huwag mo ako matulad tulad sa iba ha! Hiniling ko ba na umibig ka sa akin? Ano utang na loob ko pa sayo? Hello! Hindi ako masisilaw sa yaman at stature mo sa buhay. Dahil daig mo pa ang pamaypay sa pagiging mahangin. Diyos ko men! Ang taas ng ego mo oh kasing height ko. Ngayon kung gusto mo ang babaeng easy to get at gusto magpakasal agad sayo oh edi go! Ha! Feelingero ka eh!" Ani Klay na inimwestra ang kamay kung anong height lang siya.

"Napakadali ngang maghanap ng dalaga sapagkat ikaw... ikaw ay isang malaking kalamidad. You unfiery opinionated and bullheaded woman. Ang mga katangian na magdudulot lamang sa akin ng gulo o kahihiyan o iyo... iyong hukay."

"Anong sabi mo..." Ani Klay at akmang sasampalin si Fidel ngunit pinigilan siya nito sa paghawak sa kaniyang braso at nagkatitigan sila na parang bumagal ang oras sa pagitan nilang dalawa at sa kanila lang dalawa nakatutok ang sitwasyon na tila matagal na nagkakatitigan habang paikot-ikot sa bagal ng oras na kanilang nararamdaman na parang slowmo ang lahat ng pangyayari.

"Ngunit ang hindi mo magagandang katangiang ito ay ang mga katangian ring inibig ko sayo. Totoo iyon na napakadaling maghanap ng babaeng magpapakasal kaagad sa akin ngunit hindi nila... hindi nila mapapantayan ang iyong talino at lakas ng loob. And that is why I want to marry you. Binibining Klay hindi ako susuko hanggang hindi ko napapatunayan na karapat dapat din akong mahalin mo. Hanggang sa muli Binibining Klay. Babu!" Ani Fidel at binitawan ang braso ni Klay at napayuko upang magbigay galang at umalis.

"Anyari? Ha! Ho! Ho! Iyon pala iyong cheese. Ha!" Ani Klay na napapaypay sa sarili gamit ang kamay at pigil ang ngiting nakatingin sa dinadaanan ni Fidel paalis.

ABALA ang mga tao sa kanilang panininda.

"Senyor Fidel! ¡Buenas tardes!" Ani Victoria ng makita si Fidel na naglalakad at nilampasan siya at tumingin rin kalaunan sa kaniya.
Translation: (Magandang hapon!)

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now