Chapter 26 Weird

49 3 1
                                    

"NAKIKITA mo ba ito?" Ani Maria Clara hawak ang kaniyang pamaypay kasama ang kaniyang mga kaibigan sa gilid ng ilog.

"Hmmm." Ani Nene.

"Ang abaniko. Ang abaniko ang nagmimistulang tinig ng mga dalaga sapagkat sa pamamagitan nito ay maipapahayag natin sa isang binata ang mga bagay na hinding hindi maaaring sabihin sa mga lalaki lalo na't hindi pa natin sila kabiyak." Ani Maria Clara habang nakasilip na man si Klay sa hindi kalayuan at napakuha sa kaniyang abaniko na nakasabit sa kaniyang damit.

"Kung kaya Nene. Ilabas mo ang iyong abaniko ng ikaw ay matuto." Ani Victoria at nagtawanan silang lahat at napahawak si Klay sa kaniyang abaniko.

"Bueno, kung hindi mo natitipuhan ang iyong manliligaw isang paraan upang maibigay ito sa kaniya na wala siyang maaasahan." Ani ng isang kaibigan ni Maria Clara na katabi ni Nene at lima sila lahat.

"Hmmm."

"Magpaypay ka lang ng mabagal upang iparating sa lalaki na siya ay walang ano mang halaga sa iyo ng hindi nasasaktan ang kaniyang kalooban. Parang ganito." Ani Maria Clara at nagpaypay sila lahat ng mabagal habang si Klay ay nakikigaya rin.

"Tama ba?" Ani Nene.

"Hmmm." Ani Victoria.

"Ay taray! Gusto ko iyan! Magawa nga kay sir Fidel. Oh next!" Ani Klay na nagpaypay ng mabagal sa hindi kalayuan at napamwestra pa sa kaniyang daliri na gusto niya iyon.

"At kung gusto mo naman ang isang lalaki agad mong itiklop ang iyong pamaypay kapay siya ay iyong kaharap." Ani ng isa pang kaibigan ni Maria Clara na katabi niya at nag sitiklopan sila ng abaniko nahuli pa si Nene at natawa silang lahat at pati na rin si Klay ganoon din ang ginawa.

"At kung iniibig mo naman ang isang lalaki. Heto lang ang kailangan mong gawin. Magpaypay ka lamang ng mabilis habang sumusulyap sa kaniyang mga mata ng nakatingin sa baba. Parang ganito." Ani Maria Clara at ginawa niya nga iyon kasabay ang kaniyang mga kaibigan.

"Ah! 'I like you baby' ang arte hehe. 'Iniibig kita' ayieee hehe..." Ani Klay at ginaya ang ginawa nila Maria Clara at ng kaniyang mga kaibigan na nagtatawanan pa rin at natawa rin siya at kinikilig pa sa kaniyang ginagawa hanggang may naalala siya.

FLASHBACK...

"Buenas Dias!" Ani Fidel kay Klay na napayuko lang at namaypay ng mabilis dahil naiinitan at tumitig rin siya kay Fidel.

...sinisimangutan lang niya si Fidel habang nakatitig dito at nagpaypay ng mabilis ng kindatan siya ni Fidel...

...

...si Klay ay napahawak sa kaniyang leeg upang punasan ang kaniyang pawis at kinuha ang pamaypay at nagpaypay ng mabilis habang nakatingin kay Crisostomo Ibarra na nagulat sa ginawa ni Klay dahil alam niya ang ibig sabihin ng pagpaypay ng mabilis ngunit walang kaalam alam si Klay....

"Ms. Klay batid mong ako'y may nobya na."

"...Ano naman ngayon?..."

END OF FLASHBACK...

"Oh my gosh! Kaya pala ang weird ng reaction sa akin ni Sir Ibarra at Fidel. Ha! Hay nakakaloka!" Ani Klay na napatili pa kaya narinig siya nina Maria Clara at ng kaniyang mga kaibigan at napahinto sila sa kanilang mga ginagawa.

"Sino iyan? Sinabing sino iyan?" Ani Maria Clara at napatayo na silang lahat ng kaniyang mga kaibigan habang si Klay ay nakatago pa rin.

"Talaga bang hindi ka magpapakita at magpapakilala. Ginagalit tayo ng tao na ito." Ani Victoria.

"Humanda ka kung sino ka man!" Ani ng isang kaibigan ni Maria Clara na katabi niya kanina.

"Huh! Bakit?" Ani Klay ng mahina.

"Mga amigas, ihanda niyo ang inyong mga sarili tila mapapaaway tayo. Sugod mga amigas!" Ani ng isa pang kaibigan ni Maria Clara na katabi na niya kasi katabi ito Nene kanina at napasigaw pa ito.

"Hay ayaw ko! Hmmm." Ani Klay at tumakbo papalayo at napalakad naman ng kaunti sila Maria Clara at ng kaniyang mga kaibigan.

"Sino itong babaeng nanunubok sa atin?" Ani Victoria.

"Aba'y malay ko." Ani ng kaibigan ni Maria Clara na katabi niya kanina at napatanaw na lang rin si Maria Clara kung saan sila nakarinig ng tinig.

-ssiella

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now