Chapter 19 Bangkay

66 3 4
                                    

"TANGGALIN mo ang iyong kamay sa aking balikat." Ani Padre Salvi habang hawak hawak pa rin ni Crisostomo Ibarra ang kaniyang damit.

"Paumanhin po Padre ngunit sagutin niyo muna ang aking mga katanungan. Ano't ginawa niyo ito sa kaniyang libingan at bangkay." Ani Ibarra at may tatlong lalaki na nakakita sa kaganapan ay napa sign of the krus na lang.

"Amigo, no hagas esto. Huwag kang mag-ipon ng kaaway dito." Ani Fidel at hinawakan niya pa sa balikat si Crisostomo Ibarra habang si Klay ay nakatayo lang sa likod na nag aalala.
Translation: (Kaibigan, huwag mong gawin ito.)

"Ngunit wala akong ginagawang masama Fidel. Nagtatanong lamang ako sa kaniya. Uulitin ko ang tanong ko Padre, anong kasamaan ang ginawa ng inyong kabanal banalan sa aking ama?"

"Nagkakamali ka, wala akong ginawa." Ani Padre Salvi.

"Wala? Anong wala? Samantalang nawawala ang kaniyang mga salapi sa sementeryo at sinasabing pinaanod sa ilog ang kaniyang bangkay. Anong kasalanan ang maaaring magawa ng isang tao upang ituring niyo siyang mas mababa pa sa hayop."

"Nagkakamali ka! Hindi ako. Hindi ako ang nag-utos."

"Kung gayon sino?"

"Ang pinalitan ko si Padre Damaso. Siya ang nagnais na lapastanganin ang bangkay ng patay." Ani Padre Salvi at nagulat din si Klay pati na si Crisostomo Ibarra.

-ssiella

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now