Chapter 136 Wangis

6 1 0
                                    

"BINIBINING Klay? Ano ang kaniyang wangis? Ang kaniyang taas? Maaari mo bang ilarawan sa akin ngayon din?" Ani Fidel.

"Maganda siyang dalaga! Payat, mababa at maputi. Wari ko nga'y mayro'n siyang dugong..." Ani Hernando.

"Sangley!"

"Oo, oo tama! Teka, kung gayon kilala niyo ang dalagang ito?"

"Fidel naiisip mo ba ang taong naiisip ko?" Ani Elias.

"Kailanman ay hindi ko malilimutan ang babaeng iyon. Fernando saan dinala ng guwardiya sibil si binibining Klay. Samahan mo kami. Elias por pabor tulangan mo ako." Ani Fidel.

"Oo kasama. Hindi kita iiwan. Mga kasama ihanda niyo na ang inyong mga armas." Ani Elias at hinawakan sa balikat si Fidel at binigyan ito ng armas.

"Sasagipin natin ang babaeng pinaka...matagal ko ng hinihintay. Fernando tayo na. Mga kasama bilisan niyo..."

"Tayo na." Ani Elias at umalis na sila ng kaniyang mga kasamahan at kumuha ang iba ng mga armas sa kahon.

NAGLALAKAD sina Elias at Fidel sa kagubatan kasama ng kanilang mga kasamahan.

"Shhh! May paparating! Magtago!" Ani Elias at nagtago sila dahil may mag guwardiya sibil na paparating.

BUMARIL si Elias ng mga guwardiya sibil na paparating sa kanila.

BINARIL rin ni Fidel ang isa pang guwardiya sibil.

"FIDEL higit na mas marami sila kaysa sa atin. Kaya ako'y mag-uutos na umurong na tayo." Ani Elias.

"Tiyak kong masusundan nila tayo doon." Ani Fidel.

"MAY kailangan ka pang iligtas 'di ba?" Ani Elias na nakahawak sa balikat ni Fidel at napatango ito at sabay silang nagpaputok ng armas patungo sa mga guwardiya sibil.

"PATULOY kaming makikipagpalitan ni Pito ng ilang sandali upang magkaroon na tayo ng pagkakataon para makatakas. Ha! At sa inyong pagbabalik kung sakaling wala na kami sa aming lungga mag-iiwan ako ng sulat sa punong bayabas para alam mo kung nasaan kami." Ani Elias at nagpaputok naman ng armas si Lucia.

"Isa kang magiting na pinuno at may malasakit sa kapwa. Salamat kaibigan." Ani Fidel.

"Dasal ko nawa'y matagpuan mo at mailigtas mo ang iyong iniibig. Hanggang sa muli nating pagkabuhay kaibigan. Bumilang ka hanggang tatlo at doon ka umalis." Ani Elias na hinawakan pa sa balikat si Fidel at nagpaputok uli ng armas si Lucia patungo sa mga guwardiya sibil.

"Salamat." Ani Fidel at umalis at patuloy na nagbarilan ang mga guwardiya sibil at ang mga tulisanes.

"MALAPIT na dito ang kalye Hernando." Ani Fidel ng naglalakad.

"Kinalulungkot ko ngunit hindi tayo maaaring dumaan sa kalye madali tayong makikita ng mga rumurondang guwardiya sibil." Ani Hernando na naglalakad din.

"Dito tayo dadaan may nakatago tayong puno't halaman kaya hindi agad tayo mapapansin."

"Kung hindi kaya't mas makakabuti kung magpahinga na muna tayo. Bukas na lamang natin ituloy itong lakad na 'to." Ani Hernando at huminto sila ni Fidel sa paglalakad at hinubad ni Hernando ang kaniyang sumbrero.

"Ah, Hernando paano ako magpapahinga kung si binibining Klay nga talaga ang iyong nakilala at nakakulong siya ngayon. At dahil kilalang kilala ko ang kaniyang ugali ay mas lalo lamang akong maliligalig. Baka... baka napa-away na 'yon sa mga guwardiya sibil lalo na't walang pinipili ang kaniyang bibig. Kaya Hernando samantalahin na natin ang dilim upang makarating agad tayo sa bayan at sa kwartel. Tayo na." Ani Fidel at naunang maglakad.

"Ho!" Ani Hernando at isinuot uli ang sumbrero at sumunod kay Fidel.

-ssiella

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now