Chapter 35 Alaala

35 4 8
                                    

"ANG galing mo sir! So sinasabi niyo all this time na may ibang paraan para makauwi ako sa atin." Ani Klay na pumalakpak pa.

"Hahayaan mo ba akong magpaliwanag o hindi?" Ani Mr. Torres.

"Okay fine. Papaano po?"

"Pagdating ng ikatlong gabi magkakaroon ng pambihirang eclipse o buwan ng dugo."

"Blood moon?"

"Pagsapit ng hating gabi kailangan pumunta ka sa tore ng simbahan. Doon mo maririnig ang tunog ng kampana at ikaw lang ang makakarinig." Ani Mr. Torres na napaturo pa.

"Ako lang?"

"Ah...taga ibang mundo rin. At ang tunog ng kampana ang mag-uuwi sayo sa atin. Pero tandaan mo kailangan nandoon ka sa tore dahil nandoon ang portal na mag-uuwi sayo."

"Ano namang paandar iyan sir ang challenging naman! Aakyat ba talaga ako sa tore at may pa portal ka pa! Hindi ba pwedeng dalian na lang natin? Hindi ba pwedeng katulad noong dati makakatulog ako tapos paggising ko nakauwi na ako sa amin."

"Eh iyon lang ang alam ko na pasikot sikot at ah...kunting malulusutan sa mundong ito. Pero katulad mo wala rin akong kapangyarihan para baguhin pa ang kapalaran nila."

"Pero sure shot na ito sir ah...kapag sinunod ko lahat ang sinabi mo makakauwi na ako sa amin ng walang balikan?"

"Wala ng balikan! Wala ng cuts o hidden charges."

FLASHBACK...

Sina Crisostomo Ibarra, Klay at Fidel ay naglalakbay pa rin patungong San Diego.

...

Ginamot ni Klay ang sugat ni Crispin gamit ang bulak at hinipan ito kasama ang kapatid niyang si Basilio.

...

...Ani Maria Clara habang nakasilip na man si Klay sa hindi kalayuan at napakuha sa kaniyang abaniko na nakasabit sa kaniyang damit.

...

Hinawakan ang kamay at pisngi ni Klay ni Sisa ng nakangiti.

...

SI Mang Adong ay nagplaplantsa ng damit gamit ang prinsa de corona ang nagsisilbi niya lang ilaw ay lampara at kandila. Inayos niya sa pagkakalagay ang puting long sleeve at ni plantsa ito gamit ang prinsa de corona....

...Ani Fidel at napayuko pa kay Klay para makita ang mukha nito kasi nakatagilid ito.

END OF FLASHBACK...

"Bakit mukhang biglang nagaalangan ka?" Ani Mr. Torres.

"Naninigurado lang po." Ani Klay.

"Pwede ka ng maka-uwi. Maka-uwi ka na sa mundo natin ng hindi tinatapos ang kwento. Okay ka lang Ms. Infantes? Makaka-uwi ka na kung gusto mo. Iyon nga lang mabibitin ka nga lang dahil hindi mo na masusubaybayan ang magiging kapalaran nila." Ani Mr. Torres at iminwestra pa ang kamay para pauwiin si Klay.

"Hindi sige game na! So sa ikatlong hating gabi magkakaroon ng blood moon tapos may maririnig akong tunog ng kampana sa simbahan. Ako lang ang makakarinig tama? Tapos aakyat ako sa tore at nandoon iyong portal pauwi sa atin. Okay copy! Hmmm...maaasahan niyo po ako doon. Hmmm...tapos na ako sa sakit ng mundong ito. Ha...uuwi na ako." Ani Klay na tumango pa.

VISION...

May blood moon. Tapos titingala si Klay sa baba para makita ang kampana ng simbahan at siya'y aakyat.

END OF VISION...

-ssiella

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now