Chapter 135 Pangalan

10 1 0
                                    

MALALIM ang gabi sa kagubatan.

"Ah! Hmmm! Hmmm! Ha! Ah! Ha! Ha!" Ani ng kutsero ni Klay na may dalang sako at nilagay ito sa lupa at sumipol.

"Magandang gabi sayo! 'Yan na ba 'yong mga pagkain?" Ani Fidel na kakarating lang na may dala pang sulo ng apoy kasama ang dalawa pang lalaki.

"'Andito na lahat."

"Ginabi ka yata masyado. Akala namin ay ah... hindi ka na darating."

"Ha! Tss! Paumanhin kaibigan! Kanina'y may naisabay akong dalaga papunta rito sa Laguna. Naawa naman ako kaya sinabay ko na at baka mapahamak pa sa iba. Eh 'yon lamang naharang kami ng guwardiya sibil at 'yon hinuli nila ang babae dahil wala itong dalang sedula."

"At ano ang nangyari sa dalaga? At saan siya dinala?"

"Kinulong nila. Kaawa-awang dalaga babae na pa naman."

"Taga San Diego rin siya?" Ani Fidel at hinubad ng kutsero ang kaniyang sumbrero.

"Oo iyon ang narinig ko."

"Baka kakilala ko. Ano ang kaniyang pangalan?"

"Alam mo maaaring ngang kilala mo 'tong kababayan mo ang sabi niya'y mayro'n daw siyang mayamang kamag-anak na na nakatira doon sa San Diego."

"Kilala ko ang lahat ng pamilya sa San Diego. Ngunit sinong pamilya at ano nga ang kaniyang pangalan?"

"Tigil!" Ani ng guwardiya sibil sa 'di kalayuan.

"Ha! Ha! Halina. Halina kayo! Dalian niyo!" Ani Fidel at umalis na sila ng kasamahan niya.

"Babalikan ko na lamang kayo. Magkita na lang tayo ulit. Mag-ingat kayo!" Ani ng kutsero at umalis din.

"GREGORIO para sa iyo ito. Porita para sa iyo ito at ibigay mo ito kay Lucia sa kaniyang pagbabalik. Mga kasama ibaba niyo na ang inyong mga bolo at sanayin ang sarili sa riple (rifle)." Ani Elias na kinuha ang takip na tela sa kahon at kumuha ng mga armas at ibinigay ito sa kaniyang mga kasamahan at may siga ng apoy sa 'di kalayuan.

"Bakit ko bibitawan kung maari ko na mang gamitin pareho." Ani Porita at nagtawanan ang iba pang taong nandoon.

"Hahaha!"

"Arnulfo..." Ani Elias at nagbigay uli ng armas.

"Hernando nasundan ka ba rito?" Ani Fidel na naglakad pa ng kaunti.

"Hindi. Pinuno magandang gabi po." Ani Hernando na kutsero ni Klay at kakarating lang nito at hinubad ang sumbrero para magbigay galang.

"Magandang gabi para sa iyo ito." Ani Elias na siyang pinuno at nagbigay ng armas kay Hernando.

"Salamat po." Ani Hernando at tinanggap ang armas at isinuit uli ang sumbrero.

"Bueno Hernando, mayro'n ka bang bagay na hindi nasasagot sa akin? Sino nga ulit itong ah... babaeng kababayan ko na hinuli ng guwardiya sibil?" Ani Fidel na hinawakan pa ang balikat ni Fernando.

"Eh ang sabi niya pinsan daw niya si Maria Clara De Los Santos Y Alba kilala niyo ba 'yon?" Ani Hernando at nag ensayo sa kaniyang armas na tila may tinatamaan.

"Si Maria Clara na ngayon isa ng mongha sa monasterio ng Sta. Clara. Sino ba na mang hindi nakakilala sa mabuting madre." Ani Elias.

"Ngunit hindi ko alam na may pinsan siya 'kamo. Sino itong pinsan na ito? Ano... ang kaniyang pangalan?"

"Siya raw si binibining Klay." Ani Hernando at napanganga na lang si Fidel habang tumingin kay Elias.

-ssiella

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now