Chapter 60 Fake News

23 3 8
                                    

"BINIBINING Klay! Binibining Klay, hoy!" Ani Fidel sa natutulalang Klay.

"Hindi naman kasi sa lahat ng oras kaya kong saluhin ang mga biro mo Fidel." Ani Klay.

"I'm sorry. Bakit ba napakainit ng ulo mo ngayon? Kanina lamang ay nahagip ng aking mga mata ang iyong pagluha sa harana ni Crisostomo."

"Hmmm. Hindi ah!" Tanggi ni Klay.

"Binibining Klay hindi ako bulag. Nakita ko. Ako nga ang iyong tapatin. Nahuhulog na ba ang iyong loob sa aking kaibigan?"

"Iyang bibig mo ha. Pasmado. Hindi fake news iyan." Ani Klay na tinuro pa si Fidel.

"Fake news?"

"Fake news. Ibig sabihin hindi totoo."

"Ngunit hindi naman nakakapagtaka sapagkat kayo ay palaging magkasama."

"Push pa talaga? Hindi nga sir Fidel. Wala akong gusto kay sir Ibarra. Okay! Klaro! Siguro hmmm naiyak ako kasi ang ganda noong pagkakakanta niya. Ang romantic noong ginawa niya. Na appreaciate ko lang iyong ginawa niya kasi doon sa pinanggalingan ko wala ng ganoong klaseng lalaki. Lahat ng lalaki sa amin mapanakit."

FLASHBACK...

"Ma! Ma! Ano ba!..." Ani Klay habang pinagtanggol niya ang kaniyang ina at inalis ang kamay ng step dad niya na akma na namang dadantay sa ina niya.

...

"Hindi ko mahal ang mama mo." Ani Robin ama ni Klay.

"Po?" Ani Klay.

"Lasing kami, alam mo na iyon pareho kaming nagkamali, pero ang importante tinanggap ka namin"

END OF FLASHBACK...

"Mapanakit? Paano iyon Binibining Klay? Ikaw ba ay iniwan at sinaktan ng iyong nobyo?" Ani Fidel na napangiti pa.

"Wala nga akong panahon sa mga ganiyan diba?" Ani Klay.

"Ah sa wakas at ah...mayroon naman pala tayong pagkakatulad. Maging ako ay wala ng oras sa pag-ibig. Sakit lamang iyan sa ulo. Maligaya na ako. Malaya at walang anu mang obligasiyon sa sino mang babae hehe." Ani Fidel na tumaas pa ang kilay.

"Tinanong ko ba!"

"Ano kamo?"

"Ha! Wala! Sabi ko gabi na oh. Uwi na ako." Ani Klay at tumayo na.

"Ah sandali sandali binibini. Ah ikaw ay nag-iisa, ihatid na kita." Ani Fidel na tumayo na rin.

"Aaahh... Hindi na. Kaya ko mag-isa. Hindi ko kailangan ng escort pauwi. Hindi naman ako katulad ng mga babae dito paduday at alagain. Sige na. Babu!" Ani Klay at naglakad paalis.

"Hay Binibining Klay, ikaw ay naiiba. Hmmm." Ani Fidel sa sarili.

-ssiella

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now