Chapter 52 Kasabwat

38 2 16
                                    

"HMMM...Hmmm... Anong ginagawa niyo dito? Anong...anong ibig sabihin nito? Anong ibig sabihin nito? Sandali sandali! Ha..." Ani Sisa na nagpupumiglas ng dakpin siya ng dalawang lalaki kasama nina Crisostomo Ibarra at Fidel na kakadating lang at napaiyak na lang si Klay.

"Aling Sisa sila ay mula sa Hospital De San Diego. At nandito sila para tulungang gamutin ang iyong pag iisip." Ani Ibarra.

"Ha ha kasabwat ka dito? Kasabwat ka dito ha? Traydor ka! Binihisan mo ako. Ginamot mo ang mga sugat ko pero mas pinarami mo pa. Akala ko kakampi kita! Katulad ka rin nila." Ani Sisa na umiiyak na sumisigaw kay Klay.

"Ate Sisa." Ani Klay na napaupo na.

"Naging tau-tauhan ka lang. Bakit?"

"Ate Sisa, Ate Sisa maniwala ka sa akin para din ito sayo para gumaling ka kaagad."

"Ah pakawalan niyo ako! Hindi! Hahanapin ko mga anak ko. Hahanapin ko mga anak ko! Hindi! Ibalik niyo sila." Ani Sisa na napahiga na habang hawak hawak ng dalawang lalaki.

"Kuya ano ba! Itayo niyo si Sisa."

"Ah! Ah! Ah! Ano! Aray!" Ani Sisa dahil kinaladkad lang siya ng dalawang lalaki palayo.

"Ingatan niyo nasasaktan na eh!"

"Ah hindi!" Ani Sisa at sumunod si Fidel at Mang Adong sa kanila.

"Nasaktan ko si Ate Sisa. Maling mali. Maling mali." Ani Klay na napaupo sa silya.

"Huwag mong sabihin iyan Ms. Klay. Alam mong hindi iyan totoo. Masakit man ngunit ito ang makakabuti para sa lahat." Ani Ibarra na napaupo na rin sa silya.

-ssiella

Mestiza de SangleyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora