Chapter 12 Kastila

80 5 8
                                    

"Halika ka na! Tumahimik ka! Tumigil ka na!" Ani Mario habang hawak hawak si Klay.

"Aray!" Ani Klay na nagpupumilit kumawala kay Mario.

"Halika ka na!"

"Bitawan mo ako walang hiya ka!"

"Sumama ka na sa akin!"

"Aray!"

"Ba't ba ayaw mo sumunod?"

"Huhu!"

"Halika sabi!"

"Tumigil kayo! Kilala ko sila." Ani Lucia na kakarating lang.

"Ah!" Ani Klay na umiiyak nang bitawan siya ni Mario dahil sa pagdating ni Lucia.

"Wala ka ng dapat ikatakot binibini. Wala nang sasalbahi pa sa iyo."

FLASHBACK...

"...Iyan ang ginagawa sa isang babae na parang kalapating mababa ang lipad! ...¡Vuelve aquí! ¡Detenlo! ¡Agárralo! He terminado con él. Kayo ng bahala sa kaniya." Ani Padre Damaso at tatakas sana ang babaeng nakaluhod habang umiiuak pero napigilan ito ng dalawang guwardiya sibil hinawakan nila ito sa maaaring pagtakbo nito at nakasaksi si Klay nito na naaawa na.
Translation: (...Bumalik ka dito! Pigilan niyo siya! Sunggaban niyo siya! Tapos na ako sa kanya.)

...

"Magandang umaga po ate!" Ani Klay.

"Buen día también, chino mestizo. (Magandang araw rin po, mestiza de sangley.) Binigyan niyo po ako ng pag asa sa inyong pagdalaw sa akin." Ani Lucia sa mahina na boses at napangiti si Klay.
Translation: (Magandang araw rin po, mestisang Intsik.)

...

"Pakawalan na po ba siya agad?" Ani Klay nang ibigay niya ang kaniyang hikaw sa guwardiya sibil.

"Si." Ani guwardiya sibil.

"Salamat po." Ani Klay at nginitian si Lucia na naiiyak sa kulungan.

END OF FLASHBACK...

"Ate?" Ani Klay.

"Ako nga kaibigan." Ani Lucia.

"Huhu." Ani Klay na naiyak pa rin.

"Huwag niyo silang galawin! Hindi tayo masasamang tao na gaya ng mga Kastila kaya nararapat parusahan lalo na't manghahalay ng babae at walang laban."

"Lucia! Paano mo sila nakilala?" Ani ng lalaking tulisan na parang pinuno nila.

"Naging mabuti sila sa akin. Siya! At ang ginoong iyan! Sila ang tumulong sa akin upang makalabas ako sa piitan." Ani Lucia na tinutukoy si Klay at Crisostomo Ibarra.

"Kung ganoon ako'y nagpapasalamat sa kabutihang nagawa niyo sa aking kapatid. At humingi ako ng paumanhin sa masamang asal ng aking kasama." Ani ng lalaking kapatid ni Lucia at napalingon naman si Klay kay Mario.

"Kami ang dapat magpasalamat sa inyo. Lalo na't dumating ang iyong kapatid para iligtas ang aming kasama." Ani Ibarra.

"Salamat ate!" Ani Klay na napataas pa ng kamay habang papalapit kay Lucia ng nakatingin sa kapatid nito at niyakap niya si Lucia.

"Ako ang dapat magpasalamat sa inyong kabutihan." Ani Lucia at kumawala sa yakap at hinawakan ang kamay ni Klay na umiiyak pa rin.

"Lucia tayo na! Pagkat tayo pa ay maabutan ng guwardiya sibil." Ani kapatid ni Lucia.

"Hanggang sa muli kaibigan." Ani Lucia at napatango si Klay na umiiyak pa rin at tumango na rin ang kapatid ni Lucia kay Crisostomo Ibarra at sila'y lumisan na.

"Susmaryosep!" Ani Ibarra nang lumapit si Klay sa kaniya at tinapik niya na lang ang likod ni Klay.

"Ang buong akala ko talaga'y iyon na ang katapusan natin!" Ani Fidel at tinapik lang din siya ni Crisostomo Ibarra sa kaniyang balikat at napangiti na lang si Klay kay Crisostomo Ibarra.

-ssiella

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now