Chapter 127 Ali

10 1 0
                                    

"ALAM kong galit ka at 'yan din ang naramdaman ko matapos kung basahin ang 'Noli'." Ani Mr. Torres.

"Sir! He! Din? Naramdaman mo din? Hahaha! Kayo po binasa niyo lang ako naranasan ko. Nabuhay ako sa mundong 'to, naka-usap ko sila nalaman ko iyong struggles nila lahat. Nakilala ko sila. Minahal ko sila. Sir magkaibang-magkaiba 'yon." Ani Klay na umiiyak.

"Klay! Klay!" Ani Fidel na naghahanap kay Klay.

"Hindi lamang naman ikaw ang naapektuhan ng nobela."

FLASHBACK...

"Dinggin niyo kami! Dinggin niyo kami! Dinggin niyo kami! Dinggin niyo kami! Dinggin niyo kami! Dinggin niyo kami!" Ani ng lahat pati nina Klay, Fidel, Elias at ang batang mag-aaral at nandoon si Mr. Torres sa likod ni Elias na nakatingin sa pangyayari.

END OF FLASHBACK...

"Daang taon na ang nakalipas. Ang nobela ang nagpasiklab ng rebolusyon para mapatalsik sa bayan ang mga dayuhang Espanyol na sumakop sa atin mahigit tatlong daang taon. At kung ano man ang naramdaman mo dito? Kung ano mang aral o pagmamahal ang naituro sayo ng 'Noli'? Sana madala mo 'yan sa mundo natin at makatulong sayo sa pagiging mabuti at mapagmahal na pilipino." Ani Mr. Torres.

"Bakit ganiyan kayo magsalita? Parang nag-rarap-up na kayo ng klase." Ani Klay.

"Hmmm! I'm sorry! I'm sorry! Tapos na ang klase. Uwian na Ms. Infantes. Uuwi na tayo."

"Ha!"

"Babalik na tayo sa mundo natin. Dito na natatapos ang kwento. At ang papel na ginampanan mo sa nobela."

"Ha!" Ani Klay at nakita na rin ni Fidel si Klay sa hindi kalayuan.

"Ito na ang dulo ng kwento."

"Hindi! Ha! Hindi pwedeng mangyari 'yon. Sir ang dami pang lost threads."

"Dito na tinatapos ni Rizal ang kwento." Ani Mr. Torres at may kinuha sa bulsa ang isang lumang orasan na kwentas.

"Ha!"

"Any moment now."

"Ta-taympers! Taympers! Ha! Ang dami pa pong mga katanungan. 'Asan ba talaga si Ibarra. Buhay pa ba siya? Si Maria Clara? Anong mangyayari kay Maria Clara? Magkakabalikan pa ba silang dalawa? Si Basilio! Si Basilio anong magiging kapalaran niya? Ha! Matutuloy ba ang pag-aalsa ng taong-bayan o forever na lang tayong magpapasakop. Si Fidel?" Ani Klay na napataas pa ng dalawang kamay malapit sa mukha niya at nakinig lang si Fidel sa hindi kalayuan.

"Masasagot siguro ang lahat ng katanungan mo sa 'El Filibusterismo'."

"Ha! Sige! Ha! Sige sir dalhin mo na ako sa 'El Fili' ngayon na."

"Ah! Di maari hanggang dito ka lang sa 'Noli'. Hanggang dito lang sa 'Noli' ang ilalagi mo." Ani Mr. Torres na itinaas ang kamay para sa pagtutol.

"Ha! Sir ang unfair mo naman eh! Ang bitin-bitin naman eh!"

"Oh eh siguro maiengganyo ka na ngayon na basahin ang lahat ng nobela ni Rizal. Pati ng mga iba pang literatura ng ating bayan."

"Sir sabahin niyo na lang sa akin. Please kahit kunting crams, kunting spoiler just give me something here. Ha! Ha! Magiging happy ending ba ang 'El Fili'?"

"Oras na para umuwi Ms. Maria Clara Infantes."

"¿Qué es esto?" Ani Fidel sa hindi kalayuan.
Translation: (Ano 'to?)

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now