Chapter 62 Ganda

16 2 14
                                    

ISANG maliwanag na gabi dahil sa naguumapaw na liwanag ng buwan. May mga musikerong nagtutugtug ng kani-kanilang violin. Nandoon sina Crisotomo Ibarra at Fidel at kadarating lamang ni Donya Victorina at Don Tiburcio sa nasabing pagtitipon.

"Hay muchas gracias kapitana Tiya." Ani Donya Victorina at nakipagbeso kay Kapitana hawak hawak niya ang kaniyang pamaypay.

"Buenas noches Donya Victorina, Don Tiburcio mag si upo po tayo." Ani Kapitana at inilahad pa ang kaniyang kamay.

"Gracias. Hahahaha!" Ani Donya Victorina ng may ibinulong siya kay Don Tiburcio habang papalakad sila patungong upuan.
Translation: (Salamat.)

"Amigos, se ven hermosos hoy!" Ani Iday isa sa mga kaibigan ni Klay.
Translation: (Mga kaibigan, ang gaganda niyo ngayon!)

"¡Bienvenidos a todos! Que estés cómodo. por favor." Ani Kapitana habang nagpapaypay.
Translation: (Maligayang pagdating sa inyong lahat! Nawa'y maging komportable kayo. Pakiusap.)

"Gracias. Tu casa es hermosa." Ani ng isang babae.
Translation: (Salamat. Ang ganda ng bahay ninyo.)

"Gracias. Bien, te dejo por ahora." Ani Kapitana na tumawa at umalis at tumawa si Donya Victorina at Don Tiburcio ng nagtitinginan.
Translation: (Salamat. Sige, maiwan ko muna kayo.)

"Hindi na ako makapaghintay na makita ang dalawang Maria Clara. Ang isa'y magniningning at ang isa nama'y may teliling." Ani Victoria at tumawa silang apat na magkakaibigan habang nagpapaypay at napa lip bit pa si Fidel habang tumitingin sa mga kaibigan ni Maria Clara.

"Kayo talaga mga amigas nariyan lamang si Crisostomo. Bueno, Buenas noches." Ani Iday at umalis.
Translation: (Magandang gabi.)

"Hay! Hay amigo hindi pa man nagsisimula ang hapunan ay ah busog na ang mga babae sa kakasulyap sa akin." Ani Fidel at nagtatawanan ang mga kaibigan ni Maria Clara at nagbubulungan habang pasulyap sulyap kay Fidel at nagpapaypay.

"Ubas?" Ani Alperes ng kuhain niya ang parang tobacco sa isang katulong sa hindi kalayuan kung nasaan sila Crisostomo Ibarra at Fidel.

"Gracias." Ani ng isa ring opisyales.
Translation: (Salamat.)

"Nariyan na pala ang Alperes. Darating din kaya ang kura? May surpresa pa naman ako sa kaniya." Ani Ibarra.

"Perdí el apetito, amigo mío. Ang paksa ko ay ang mga kababaihan. Pinuksa mo naman ako ng tanong tungkol sa prayle." Ani Fidel.
Translation: (Nawalan ako ng gana, kaibigan.)

"Hehe bueno ano ba ang iyong tipo ng babae? Nandirito ba?"

"Iyan magandang katanungan amigo. Ano nga ba? Marahil ay iyong hindi pinagkasundo sa akin. Marahil ay iyong hindi taga rito."

"Tila ang kilala nating Maria Clara ang pinagbabangga mo."

"Hmmm. Si Binibining Klay? Malaking pagkakamali amigo. No. Hehe." Ani Fidel na pangitngiti pa hawak ang kaniyang tobacco.

"Dumating na sina Maria Clara. ¡Eso es todo! Hehe." Ani Iday na galing sa labas at sinabihan sina niya ang kaniyang mga kaibigan sa hindi kalayuan habang papunta doon at narinig ito nina Crisostomo Ibarra at Fidel.
Translation: (Ito na!)

"Crisostomo!" Ani Tiya Isabel na kakadating lang.

"Tiya! Buenas noches." Ani Ibarra.
Translation: (Magandang gabi.)

"Buenas noches. Ven aquí, amigo." Ani Donya Victorina habang nagpapaypay at ngumiti rin si Donya Consolacion.
Translation: (Magandang gabi. Halika dito, kaibigan.)

"Buenas Noches." Ani Tiya Isabel.

"Siéntate. Hahaha!" Ani Donya Victorina at inilahad niya pa ang kaniyang kamay at mariing nahila niya si Tiya Isabel kaya muntik na silang matumba ngunit nakabawi rin naman at nakaupo rin sila.
Translation: (Maupo ka.)

"Hahaha!" Ani Donya Consolacion ng makita niya ang kaganapan nila Donya Victorina at Tiya Isabel at napaismid na lang si Donya Victorina at dumating na nga si Maria Clara habang nagpapaypay at ayos ayos ang kaniyang pananamit at namangha si Crisostomo Ibarra sa kagandahang taglay ng kaniyang irog parang siya na ang pinakaswerte na lalaki dahil nobya niya ang napakagandang dilag na nasa harapan niya.

"Buenas noches." Ani Maria Clara.
Translation: (Magandang gabi.)

"Buenas tardes mi amor." Ani Ibarra at tumabi si Maria Clara sa kaniya at dumating na rin si Klay at napamangha sila lahat pati na rin si Crisostomo Ibarra na napalingon pa kay Fidel na parang natutulala na dahil sa kaniyang natunghayang Klay na inayusan at naka pusod ang buhok pati si Victorina ay napadilat dahil kay Klay at nagbulubulungan ang iba pang kaibigan ni Maria Clara at ngumiti si Klay kina Crisostomo Ibarra, Maria Clara at Fidel.
Translation: (Magandang gabi, Mahal ko.)

"Aray!" Ani Klay at natapilok siya bigla.

"Hahahaha! Ahahaha!" Tawa ni Donya Victorina at nakinuod na rin ang iba pang mga bisita sa kaganapan.

"Hahahaha!" Pekeng tawa ni Donya Consolacion pinaparinggan si Donya Victorina.

"Ha!"

"Lupa, lamunin mo na ako." Ani Klay na napapikit pa ng mata.

"Ms. Klay! Nasaktan ka ba?" Ani Ibarra at umupo para tulungan si Klay.

"Pasensiya na po. Nakakahiya." Ani Klay na tinggap ang kamay ni Crisostomo Ibarra upang makatayo siya at napatayo silang dalawa.

"Ako man ang nakasuot sa napakahabang damit paniguradong ako'y matatapilok din."

"Hehehe!"

"Ayos ka ba lamang katokayo?"

"Oo pasensiya na senyorita."

"Binibining Klay! Kung hindi ka nadapa hindi pa kita makikilala. Mayroon ka pa lang tinatagong ganda." Ani Fidel na naglakad pa talaga sa likuran nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara para mapalapit kay Klay.

"Hoy! Kailanman hindi ko tinago iyong ganda ko noh! Maka ano ka diyan! Bakit tsaka pa ako dati?"

"Tsaka? Hindi ko mawari ang iyong sinasabi? Ngunit ang totoo niyan ay ah...ang buong akala ko talaga'y ka uri ka namin."

"Iyon nga ang layunin Fidel. Ang maging kaisa siya sa amin." Ani Maria Clara.

"Tila hindi na kita namukhaan kanina." Ani Ibarra at ngumiti lang si Klay.

"Nagustuhan mo ba ang kaniyang ayos, irog ko?"

"Oo napakaganda niya!" Ani Ibarra at parang nagselos si Maria Clara at napatingin sa kanilang gawi ang mga kaibigan ni Maria Clara at napatitig si Fidel kay Klay.

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon