Chapter 134 Sedula

5 1 0
                                    

"TSK! Tsk! Yah! Heyah!" Ani Fidel ng paandarin ang kanilang karwahe siya kasi ang nagmamaneho sa kabayo habang si Elias naman ang nakasakay at paalis na sila at si Klay ay nakatingin lang sa kanila at hindi niya ito nakikilala dahil paalis na ito at matataas na ang mga buhok nito.

INAAYOS nina Fidel at Elias ang takip ng kanilang armas.

"Ho! Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung sino ang nag regalo sa atin ng mga armas." Ani Fidel.

"Sa dami ng nakakaranas ng kalupitan ng mga dayuhan. Asahan nating maraming magbibigay tulong sa atin." Anu Elias.

"Kasama lamang natin si Crisostomo ay tiyak kung siya ang may pinakamalaking ng kalakaran."

"Kung nasaan man siya tiyak ko nakalimutan na niya tayo. Mas mabuti pang isipin na patay na talaga siya."

"Nalintikan na may mga buwetre." Ani Fidel ng makita nag tatlong guwardiya sibil na papalapit sa kanila.

"Buenas tardes, caballeros." Ani ng guwardiya sibil.
Translation: (Magandang hapon mga ginoo.)

"Ano ang aming maipaglilingkod sa inyo?"

"Kailangan namin tignan ang lahat ng pumapasok at lumalabas sa lugar na 'to. May natagpuang dalawang patay na guwardiya sibil malapit dito kaninang umaga. At sa aming palagay pinaslang sila ng mga tulisan." Ani ng guwardiya sibil at kinuha ng isa pang guwardiya sibil ang takip na tela sa mga armas.

"Senyor para po sa inyo 'to. Kami po ng aking nakakabatang kapatid ay nagmamadali pagkat kailangan namin abutan ang aming inang may sakit. Kaya sa kasamaang palad naiwan namin ang aming sedula. Paumanhin po." Ani Elias na may dalang supot na ang laman ay pera at kinuha ito ng isa pang guwardiya sibil at tumango.

"Tayo na!" Ani ng guwardiya sibil at umalis sila at sumakay na nga si Fidel sa kanilang karwahe at magmaneho at tinakpan ulit ni Elias ng tela ang kahon na may armas at sa gilid nila ay may babaeng nagtitinda ng saging.

"BINIBINI pasensiya na po at kung kinakailangan pa nating makipagpalitan ng kalesa at lusutan natin ang bayan." Ani ng kutsero na sinasakyan ni Klay.

"Wala pong kaso 'yon. Pero matanong ko lang bakit kailangan niyo makipagpalit doon sa isang kutsero?" Ani Klay.

"Pampalito sa kalaban."

"Saan?"

"Ah! Wala po."

"Ah manong uso pa rin ba ang tulisanes sa panahon ngayon?"

Mestiza de SangleyМесто, где живут истории. Откройте их для себя