Chapter 143 Alagad

9 1 0
                                    

"KUNG makapagsalita ka ay parang hindi tayo magkakaibigan dati." Ani Fidel.

"Marami na ang nagbago amigo. Wala na ang taong nakilala niyo noon. Patay na si Ibarra. Matagal na siyang patay. Kaya ano pa't binubuhay niyo siya? Para muli siyang patayin?" Ani Simoun.

"Hayaan mo man lang kaming tulungan ka." Ani Klay.

"Tulungan? Nais niyo akong bigyan ng ayuda? Bueno, binibini at ginoo tulungan niyo akong baguhin ang lahat ng ito. Dahil pagbabago ang aking hangad. Ang paghihimagsik ng bayang ito." Ani Simoun at napatango naman si Klay.

"Himagsikan? Maaaring kaisa tayo kung gayon. Ngunit ano bang plano mo?" Ani Elias.

"Ginagamit ko ngayon ang aking kapangyarihan upang udyukin ang mga mananakop. Para mas lalo kayong pahirapan mga indio. At kung tatangkilikin ninyo ako mga kaibigan ay aking ipalalaganap ang pandarahas, pagnanakaw at pagpatay sa mga puting mananakop at guwardiya sibil ng sa gayon ay malaman ninyo kung sino ang totoo ninyong mga kaaway."

"Sandali lamang, hindi ba't noon pa lamang ay naranasan na 'to ng ating mga kababayan. At ang lagay ngayon ay nais mong palubhain?" Ani Fidel.

"Hindi ba't ito'y matagal mo ng hangad Elias? ¿No lo entiendes? Para mas lalong mabulok ang mabahong bangkay na matagal ng nabubulok na sistemang ito. Para mas lalong manggigil ang mga tao. Mamuo at sumabog ang galit sa dibdib ng mga indio. At maghiganti sa mga laon laang nagpapahirap sa kanila. Hanggang lahat sila ay magsipag-alsa."
Translation: (Hindi mo ba naiintindihan?)

"Ha!" Ani Klay.

"At 'yon ba sa tingin mo ang kailangan mangyari upang maging matagumpay ang rebolusyon sa ating bayan? Ha? Kaibigan? Ikaw ba'y nagtratrabaho na sa korporasyon? Nais mong pahirapan ang mga inosenteng tao?" Ani Elias.

"Wala akong kinikilingan. Ito lamang ang naisip kong paraan. Para magkaroon ng tunay na rebolusyon." Ani Simoun.

"Ngunit hindi mo ba naisip na sa binabalak mong 'yan ay maraming tao ang maaaring madamay. Mga bata, matanda, lalaki, babae. 'Yon ba ang nais mo?" Ani Fidel.

"Elias, hindi ba't ito'y matagal mo ng minimithi? Batid kong alam nating dalawa kung ano ang kailangan ng bayan na ito. Kailangan natin ng radikal na pagbabago. Kailangan natin ng mga armas, eksplosibo, mga kayamanan, koneksyon sa mga mahihirap at mayaman at makapangyarihan ng sa gayon ay makamit natin ang isang bagong sambayanan. Ang bagong Las Islas Filipinas."

"Rebolusyon nga ang nais natin pareho ngunit nakasalalay ang hangad naming pagbabago para sa pag-asa, dangal at kalayaan. Habang ikaw ay nanggagaling sa paghihirap ng mga tao upang maging desperado ito at mapaghiganti tulad mo!" Ani Elias na tumayo pa.

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now