Chapter 114 Paglalaruan

6 1 0
                                    

MARAMI ang mga taong nagtitinda sa pamilihan.

"Nasaan na kaya si Aling Sisa? Dito ko lamang siya nakita kanina." Ani Fidel.

"Fidel anong petsa na? Bakit may parol na?" Ani Klay ng makakita ng parol na itinitinda.

"Isang buwan na Binibining Klay. Ilang araw na lang ay pasko na."

"Ha! Ha! Magpapasko na rin kaya sa amin? Ha! Kawawa naman kung wala pa ako doon." Ani Klay ng pabulong habang naglalakad sila ni Fidel.

"Ano ang iyong iniisip Binibining Klay?"

"Wala. Halika na tapusin na natin ang kung ano man ang misyon ko dito ng maka-uwi na ako."

"Maka-uwi? Eh saan ka naman uuwi? Sa ibang panahon ba? Sa hinaharap na inimbento mo upang ako'y paglaruan at pagtawanan." Ani Fidel at natigil sila sa paglalakad ni Klay.

"Sabi ko na nga ba hindi ka rin maniniwala."

"Paano ko rin paniniwalaan ang kabalbalan ng isang dalagang batid na ako ay kayang paikotin sapagkat siya ay inibig ko na."

"Sandali bakit galit ka na naman? Ginusto ko bang maramdaman mo iyan?"

"Kung ganoon ay huwag mo akong... huwag mo akong paglalaruan Binibining Klay."

"Hindi kita pinaglalaruan! Hay! Kung ayaw mong maniwala okay fine! Babu!" Ani Klay na pinagkrus na inikaway ang mga kamay.

"Sandali Binibining Klay ang sabi ko huwag mo akong paglalaruan. Kung nais mo akong pahirapan sa pagsuyo sayo tatanggapin ko iyon. O kaya kung nais mo akong utusan na ipagsibak kayo ng kahoy o ipag-igib kayo ng tubig sa batis sa balon gagawin ko iyon. Binibining Klay lahat gagawin ko para sayo. Huwag mo naman akong gawing sinto sinto."

"Okay. Sorry."

"Ah halika ka na at ah... itutuloy na natin ang paghahanap kay... kay Aling Sisa." Ani Fidel ng sabay sila ni Klay na napatingin sa paligid kong mayroon bang nakakinig sa kanila at naglakad na si Fidel.

"Gwapo pala siya pag galit. Ha! Oh! Maria Clara Infantes huwag kang bibigay ha! Huwag kang ma-fafall. Huwag kang mababaliw. Hmmm. Hmmm." Ani Klay ng pabulong at napahawak pa sa ulo at tila pekeng naiiyak.

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now