Chapter 23 Mano

55 3 17
                                    

"HMMM." Ani Padre Salvi na uubo ubo.

"Padre! Aquí tienes, padre. Por favor." Ani Maria Clara at nagmano kay Padre Salvi at papalakad si Klay doon ngunit huminto siya dahil nandoon si Maria Clara.
Translation: (Mano po, Padre.)

"Padre!" Ani Tiya Isabel at nagmano rin kay Padre Salvi at magmamano na nga sana si Crisostomo Ibarra ngunit binalewala lang ito ni Padre Salvi kaya alinlangan binawi ni Crisostomo Ibarra ang kaniya kamay habang si Klay ay nakamasid sa kanila sa may kanto malapit lang sa kinaroroonan nila.

"Padre! Akala ko ho ba ay hindi na kayo galit. Nakikiusap ho ako sa inyo na patawarin niyo na ho si Crisostomo." Ani Maria Clara at napalayo na lang ng kaunti si Crisostomo Ibarra at isinuot ang kaniyang sumbrero.

"Ang hirap mo naman tiisin Maria Clara. Bueno! Pinagbibigyan na kita dahil may awa ang Diyos at ako'y mapagpatawad. Hmmm. At hindi ako magtatanim ng kahit anong poot." Ani Padre Salvi.

"Muchas gracias, Padre Salvi. Sana'y kalimutan na lang natin ang nakaraan." Ani Ibarra at nagmano na nga kay Padre Salvi na nakatingin lang kay Maria Clara habang si Klay na nagmamasid pa rin.
Translation: (Maraming salamat, Padre Salvi.)

"Hmmm.Hmmm." Ani Padre Salvi na uubo ubo.

"Padre may kailangan pa ho ako sanang ipakiusap sa inyo ngunit maaari ho bang makaharap kayo ng tayo lamang." Ani Maria Clara.

". Por supuesto. Pumasok kayo ng iyong Tiya sa aking opisina. Kayo lamang dalawa. Hmmm. Hmmm. Vamos. Hmmm. Hmmm." Ani Padre Salvi at umalis na patungo sa loob ng simbahan.
Translation: (Oo. Siyempre. -Halika na.)

"Maria! Pinagsisihan ko na na sinabi ko pa ito sayo." Ani Ibarra

"May mga lilinawin lang ako sa kura." Ani Maria Clara at dumating na rin si Fidel pero nanatili lang ito malayo layo sa kanila.

"Maria Clara hindi mo na ito kailangang gawin para sa akin."

"Ginagawa ko lamang ito para sa mga bata. Magtatanong lang naman ako. Wala namang masama doon at hindi ko kinakailangan ang iyong permiso. Lo siento. Tiya!" Ani Maria Clara at naglakad na patungo sa loob ng simbahan kasama si Tiya Isabel.
Translation: (Paumanhin.)

"Amigo, ano ang sadya nila sa kura?" Ani Fidel na lumakad palapit kay Crisostomo Ibarra.

"Saka ko na lamang sasabihin sa iyo." Ani Ibarra.

-ssiella

Mestiza de SangleyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora