Chapter 16 Nauuyam

48 3 5
                                    

PINAGBUKSAN ng pintuan sina Crisostomo Ibarra, Fidel at Klay ni Mang Adong.

"Senyor! Pasensiya na po kayo senyor. Hindi na po ako nakapaglinis ng bahay." Ani Mang Adong at pumasok na si Crisostomo Ibarra sumunod na rin si Fidel na napatingin pa kay Klay hinubad nila ang kani kanilang sumbrero upang ibigay kay Mang Adong ito pati na rin ang kani kanilang tungkod at si Klay na nanatiling nasa labas ng bahay upang tignan ang kabuuan ng paligid at umakyat na si Crisostomo Ibarra sa hagdan kasunod si Fidel napahawak pa si Crisostomo Ibarra sa may hagdan na may alikabok pati na rin sa mesa at binuksan ni Mang Adong ang bintana.

"Nauunawaan ko iyon Mang Adong at wala kayong dapat ipagalala lalo na't nandito na ako. Hindi ko hahayaang mapahamak kayo." Ani Ibarra nasa likod niya pa rin si Fidel.

"Salamat senyor!" Ani Mang Adong at tinanguan siya ni Crisostomo Ibarra.

"Ahm amigo! Mauna na ako. Magkita na lang tayo muli." Ani Fidel.

"Adiós amigo." Ani Ibarra.
Translation: (Paalam, kaibigan.)

"Adiós amigo. Mang Adong!" Ani Fidel at kakaakyat lang ni Klay sa hagdan.
Translation: (Paalam, kaibigan.)

"Sige po senyorito."

"Ahm...Binibining Klay! Nagpaalam na ako kay Ibarra. Ikaw na ang bahala sa inyong senyor."

"Sige sir Fidel."

"Batid kong nauuyam ka pa sa akin ngayon at ganoon din naman ang nararamdaman ko sayo. Ha! Ngunit wala ng ibang maaasahan ang aking kaibigan kung hindi tayong dalawa at si Maria Clara. Kaya Binibining Klay kung ano man ang kagulohang mangyari puntahan mo na lamang ako sa aking company. Sa Maglipol Empresso Commercial doon sa isang gusali bago dumating sa simbahan." Ani Fidel na tumingin pa kay Crisostomo Ibarra na nakaupo sa upuan ng nakapikit ang mata at napatango rin si Klay.

"Okay po. Babu!"

"Babu? Pangalawang beses mo na ibinigkas iyan sa akin. Ano bang ibig sabihin ng...babu?" Ani Fidel na nalilito.

"Goodbye!" Ani Klay at iminwestra pa ang kamay papalabas para pauwiin si Fidel na nalilito pa rin at nagpaikot pa ng mata si Klay.

-ssiella

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now