Chapter 65 Eskwela

15 2 6
                                    

NAGTATAWANAN ang mga kalalakihan sa hapagkainan at narinig ito ni Klay na tila naguguluhan kung bakit pawang mga lalaki lang ang nandoon.

"Hindi maiitatanggi na nakakakilabot ang ginawa ng mga bata kanina Crisostomo ¡Asombroso!" Ani Alperes.
Translation: (Nakamamangha!)

"¡Asombroso!" Ani Don Filipo.
Translation: (Kahanga-hanga!)

"Ganiyan din ang naramdaman ko ng nakilala ko si Tala, Don Filipo. Akalain niyo bang sumisilip lamang siya sa kumbento para siya ay matuto." Ani Ibarra.

"Patunay lamang na gutom sa kaalaman ang ilan sa mga Indio hehe." Ani Alperes.

"Totoong mga iyan kaya napakaganda ng plano ng aking kaibigan sa kaniyang eskwela." Ani Fidel na inilahad pa ang kaniyang kamay.

"Ngunit pati mga Indio lalo na ang mga babaeng maralita! Sa eskwela? Nakikinita ko na magwawala ang kura! Haha!" Ani Alperes at may ilang natatawa rin at narinig ito ni Klay sa may sala ang tawanan ng mga kalalakihan.

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon