Chapter 118 Dinggin

2 1 0
                                    

"DALHIN agad ito sa pondahan at ah... batid niyong mas marami tayong benta tuwing pasko at simbang gabi." Ani Fidel sa kaniyang mga tauhan at umalis ang dalawang trabahador bitbit ang kani-kanilang lampara.

"Ha ah! Sir Fidel! Ha! Ha! Ha!" Ani Klay na tumatakbo para makapunta kay Fidel.

"Binibining Klay! Tila sinasamantala mo ang misa de galyo upang bisitahin ako ng ganitong oras."

"Sir Fidel masyado ng maraming ganap at kailangan ko ang tulong mo." Ani Klay na napawasiwas pa sa kaniyang kamay.

"Ngunit ah... bakit ka nag-iisa dito?"

"Nawawala si Ate Sisa tapos si sir Ibarra hinuli ng mga guwardiya sibil at ng Alperes."

"Ng Alperes?"

"He!" Ani Klay na napahawak pa sa ulo.

"Imposible Binibining Klay!"

"Bago pa nga 'yon nag-away pa si Elias at si sir Ibarra. Naku sir Fidel ang dami dami na talagang nangyayari hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pag-aayos nito."

"Kung gano'n ay magtungo na tayo ng kwartel upang malaman kung ano ang lagay ni Crisostomo."

"Kwartel? O sige sige! Halika na." Ani Klay at kinuha ni Fidel ang kaniyang sumbrero at tungkod at sila'y umalis ng patakbo.

"HAY! Ha! Ay! Grabe! Sa panahon niyo ba nauso ang pagiging blockbuster ng simbang gabi?" Ani Klay ng huminto sa paglalakad at makita ang napakaraming tao na papasok sa simbahan.

"Tila hindi ko nabubuo ang siyam na misa de galyo ngayong pasko." Ani Fidel.

"Uso na ba rito iyong matutupad ang mga kahilingan mo 'pag nakompleto mo ang simbang gabi?"

"Nakasanayan ko lamang na ipagpatuloy ang tradisyon ng aming pamilya kahit ngayon na ulila na ako. Ngunit mas mahalaga pa rin na matulungan natin ang ating amigo. Binibining Klay halika na't ah...magtungo na tayo ng kwartel upang malaman natin ang lagay ni Crisostomo."

"Mr. Torres! Wait! Time pers! Mabilis lang ako." Ani Klay ng makita ang kaniyang professor na papasok sa simbahan naka damit magsasaka at tumakbo siya para sundan ito.

"Ha! Time pers? Binibining Klay!"

"Mr. Torres! Mr. Torres!" Ani Klay at nakapasok na nga siya sa simbahan sa pagsunod ni Mr. Torres.

"Ms. Infantes?" Ani Mr. Torres at tinanggal ang kaniyang sumbrero.

"Ang dami na pong nagaganap. Pa ending na po ba? Dito? Anong mangyayari dito? Sorry hindi ko naman kasi inabot 'to eh!"

"Ako rin."

"Anong kayo rin? Eh diba alam niyo ang buong kwento?"

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now