Chapter 90 Manyak

30 2 6
                                    

NANDOON pa rin si Crisostomo Ibarra sa ilalim ng tubig at kulay dugo na ang tubig.

"Hesus Maria Joseph! Ano ba't nagkukulay dugo ang tubig? Crisostomo!" Ani Maria Clara.

"Tutulungan siya ng panginoon." Ani Neneng.

"Huwag naman sanang tulutan ng panginoon pero parang iyong isa sa kanila kinagat na." Ani Tiya Isabel at hinubad ni Klay ang kaniyang palda at mayroon pa naman siyang short at ang iba pang nakatakip sa kaniyang pag itaas na damit ay hinubad niya rin ang kaniyang tsinelas.

"Binibini mag hunos dili ka. Ba't ka naghuhubo?" Ani Fidel.

"Anong ginagawa niya?"

"Binibining Klay!"

"Klay!" Ani Maria Clara at tumakbo na nga si Klay papunta kung nasaan si Elias at Crisostomo Ibarra.

"Anong ginagawa mo?" Ani Tiya Isabel.

"Klay!"

"Binibining Klay!" Ani Fidel at lumundag si Klay sa tubig at lumangoy at nagkukulay dugo na nga iyong tubig dulot ng pagksaksak sa buwaya.

"Ba't ba kasi patalon talon pa eh?" Ani Tiya Isabel.

"Crisostomo umahon ka na diyan! Jusmeyo! Ano ba't kay tagal nila ba't hindi pa sila umaahon?" Ani Maria Clara na umiiyak at nagkita na nga sa ilalim ng tubig sina Klay at Crisostomo Ibarra ngunit napulupot ang paa ni Crisostomo Ibarra sa lambat na nasa ilalim ng tubig at hihiwain niya sana ito sa dala niyang itak ngunit hindi niya ito nahiwa kaya nawalan siya ng malay at nabitawan ang itak at binalikan ito ni Klay ngunit hindi niya matanggal ang lambat na nakapulupot sa paa nito kaya umahon siya at humingi ng tulong.

"Binibining Klay!" Ani Fidel.

"Tulong bilisan niyo si sir. Tulong!" Ani Klay.

"Hala tulungun niyo sila." Ani Kapitan Basilio at lumangoy na rin ang dalawang lalaki at si Elias na aahon na sana ay bumalik sa paglangoy.

"Diyos ko panginoon ko! Panginoon ko iligtas niyo po sila." Ani Maria Clara at napa sign of the cross pa at nasagip na nga si Crisostomo Ibarra ng isang lalaki ng tinanggal niya ang lambat na nakapalibot sa paa ni Crisostomo Ibarra.

"DIYOS ko! Lumayo muna kayo! Pakiusap!" Ani Tiya Isabel ng maahon si Crisostomo Ibarra sa tubig ng dalawang lalaki at ito'y wala na malay at marami ang nakikitingin dito.

"Crisostomo! Crisostomo mahal ko! Kapitan anong nangyayari? Diyos ko! Diyos ko!" Ani Maria Clara na lumapit kay Crisostomo Ibarra na nakalatag sa lupa at siya'y umiyak.

"Wala akong marinig sa kaniyang paghinga. Nalunod na yata si Don Crisostomo." Ani Kapitan Basilio na lumapit rin kay Crisostomo Ibarra at pinakinggan ang paghinga ni Crisostomo Ibarra.

"Crisostomo! Crisostomo gumising ka magkamalay ka utang na loob." Ani Maria Clara na nakahawak sa mukha ni Crisostomo Ibarra.

"Sandali tabi tabi! Sir Ibarra! Senyorita! Senyorita!" Ani Klay na kakadating lang at nakabihis na sa suot na hinubad niya sa paglangoy sa tubig at pinatayo niya si Maria Clara.

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now