Chapter 106 Tinatangi

13 2 0
                                    

"BINIBINING Klay!" Ani Fidel at may binigay kay Klay na isang malaking supot.

"Ay hmmm... salamat naman sa pa cheese ayuda ulit. Naku sana kasing sarap ito ng dati hehe. Demanding hahaha! Pero huwag kang mag-alala makakarating ito kay sir. Hihingi lang ako hehehe." Ani Klay na tumawa pa at ngumiti at napahampas pa sa hangin.

"Ah... bakit nga pala hindi ka sumama kay Crisostomo sa pagtungo niya kay Kapitan Heneral?"

"Mas mainam raw na kaniyang tahakin ang mga plano niya sa kapitan heneral ng mag-isa." Ani Klay na nagpaikot ng mata.

"Hmmm... well mabuti kung ganoon ng mabawasan ang iyong pagbubuntot kahit papaano kay Crisostomo."

"Hmmm... bakit? Ikaw rin naman diba? Buntot ka rin ng buntot sa iyong amigo. Wala naman na mga problema natin kasi nga iisa lang naman ang gusto natin ang mabantayan at matulungan siya diba? Iyon lang. Wala naman na akong dahilan pa. Diba nilinaw ko na ito sayo noon?"

"Oo nilinaw mo sa akin pero Binibining Klay bukod sa pagtulong mo kay Crisostomo ano naman ang pangangailangan ng isang dalagang kagaya mo? Ah mga iyong hinahangad or iyong ibig sa buhay?"

"Hmmm... heh ang lalim naman noon. Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw ba tinanong kita kung anong papel mo sa kwentong ito bukod sa pagtulong kay Ibarra?"

"Kwento?"

"Wala. Hmmm... tss... ah salamat ulit sa pa cheese mo pero wala dito ang iyong amigo na siyang dahilan naman kung bakit ka nagpunta diba? Kaya babu!" Ani Klay at inimwestra ang hawak na supot at inimwestra din niya ang kaniyang kamay para magbigay daan para paalisin na si Fidel.

"Siya nga ba talaga ang dahilan kung bakit ako tumutungo rito?"

"Aba malay ko sayo. Bakit pa ba? Hmmm...." Ani Klay ng may na realize kung ano ang eksena nila ngayon.

"Oh bakit ka biglang natahimik?"

"Hmmm... ahm... sige na babu!" Ani Klay at naglakad agad paalis.

"Binibining Klay ah... sandali. Nag uusap pa tayo hindi ba?" Ani Fidel at napahinto naman si Klay sa paglalakad ng hindi lumilingon.

"Ah... a...ano eh naalala ko kasi mayroon pa pala akong ano... mga gawaing bahay na kailangang tapusin. Oo eh nauubusan na ako ng oras eh kaya sige na." Ani Klay na lumingon lang ng bahagya at natataranta na at napapikit pa sa mata.

"Sandali Binibining Klay kung ganoon ay hindi na ako mag aaksaya pa ng oras. Binibining Klay bulag ka ba hindi mo nakikita o sadyang manhid ka lang na hindi mo nararamdaman?"

"Hmmm... ang alin ba?"

"Sa kabila ng iyong bangis..." Ani Fidel.

FLASHBACK...

...ngunit pinigilan ni Crisostomo Ibarra ang kaniyang braso at naunahan na siya ng sampal kay Klay. (siya, niya/Fidel)

...

...Ani Klay at tumalon papunta kay Crisostomo Ibarra na nasa hukay at tinulak ito palayo sa tapat ng malaking rektanggulong bato...

...

"Tama na Padre..." Ani Klay at pinigilan si Padre Salvi sa paghahampas kay Neneng...

END OF FLASHBACK...

"At nagmimistulang bruha at ang iyong paglalamyerda sa buong San Diego na madalas ay bastos at walang modo." Ani Fidel at tuluyan ng tumingin si Klay sa kaniya.

FLASHBACK...

"...Babu!" Ani Klay.

...

...Ani Klay at pinatabi si Fidel para siya sumuka at sumuka nga siya...

...

"...Now this bardagulan is over! Tick! Mic drop!" Ani Klay na nag gesture na may hinulog (trend ngayong 2023) at umalis.

END OF FLASHBACK...

"Na hindi gaya ng mga babaeng de klasi diyan." Ani Fidel.

"May point ka ba o recap lang ito ng judgement sa akin ng bayang ito? Nahiya ka pa isama mo na rin kaya ang pagbuntot ko sa amigo mo na parang kerida." Ani Klay.

"Isa pa iyon. At sa kabila ng pagiging ekstranghera mo na hindi namin alam kung sino kang tunay o kung saan ka man nanggaling. Binibining Klay tinanggap kita ng buong buo. At kung ano man ang kaibahan mo..."

"Tinanggap mo ako? Ano raw?"

"Binibining Klay tinatangi kita. Iniibig kita Binibining Klay." Ani Fidel ng lumapit siya kay Klay at napadilat na lang sa mata si Klay dahil sa gulat.

-ssiella

Mestiza de SangleyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt