Chapter 111 Harana

8 1 0
                                    

MALALIM ang gabi sa labas ng tahanan ni Crisostomo Ibarra na nagbibilang ng kaniyang barya at inilagay sa kahon.

"Sir! Ah! Sorry po. Kanina ko pa po kasi hinahanap si Mang Adong kaya lang hindi ko siya makita eh wala po ba siya?" Ani Klay na kadadating lang.

"Ah... inutusan ko siyang asikasuhin ang mga ihahanda sa pamamanhikan ko kina Maria Clara." Ani Ibarra na nakaupo sa silya.

"Hmmm... mukhang event po ba?"

"Isang salo-salo na may musika ang hatid ko sa pamamanhikan at bukod pa riyan ang mga ah... inihanda kong handog na regalo para sa pamilya ng aking minamahal."

"Ay sir papaano po kung hindi pa rin po papayag si Kapitan Tiago lalo na kung magpapaapekto siya doon kay Padre Damaso." Ani Klay na napangiti at napawi rin.

"Hangga't karamay ko si Maria Clara sa pakikipaglaban sa pag-ibig na ito handa kong itaya lahat mapa oo ko lang si Don Tiago." Ani Ibarra na napatayo pa.

"Ha! Alam mo sir hanga ako sa inyo ni Maria Clara dahil pinaglalaban niyo iyong pag-ibig niyo para sa isa't isa. Kung natapos ko lang basahin... ang wish ko po ay sana happy ending kayo ni Maria Clara." Ani Klay ng nakangiti at napamwestra pa sa hintuturo.

"Sana nga. Sana nga. At sana'y matagpuan mo rin ang lalaking tunay na iibig sayo at iibigin mo." Ani Ibarra na tumatango tango at nakita pa nga pala silang dalawa ni Klay sa repleksyon ng salamin na nandodoon.

"Binibining Klay! Binibining Klay!" Harana ni Fidel sa labas ng tahanan ni Crisostomo Ibarra at mahihimigan ang hindi nito magaling na boses.

"Tila may umaawit ata sa labas." Ani Ibarra.

"Tinatanging ikaw."

"Ah umaawit ba siya? Oo nga noh. Parang may something po sa boses niya ano? Tingnan natin." Ani Klay at lumabas na nga sina Klay at Crisostomo Ibarra.

"Ako'y humihingi ng patawad sa aking inasta
Mula noong una tayong nagkita
Batid ko ay pag-uunawa" Kanta ni Fidel na parang wala sa tono pero pormal siyang ng haharana kay Klay na napa nganga sa nangyayari at si Fidel na may hawak pa ng pongpong ng bulaklak na rosas at mayroon rin dalawang lalaking nagsisiyesta sa likod nito.

"Binibining Klay tila ikaw ay hinaharana ng aking amigo. At natupad na yata ang aking kahilingan. Nariyan na ang umiibig sayo." Ani Ibarra at inilahad pa ang kamay patungo sa ni Fidel na naghaharana.

"Alam mo bang mahal kita
At ng tayo ay nagkita
At ang una nating binahagi
Kaya nawa'y ang awitin kong ito'y mapalitan ng tatay...tabang
Ang ating samahan at ang tamis ng pag-ibig ko sayo
Binibining Klay!
Ako'y..." Kanta ni Fidel na wala na nga sa tono at napalasap pa siya sa kaniyang dila at lumapit at hinarap naman siya ni Klay na naririndi sa kaniyang pagkanta na wala talaga sa tono.

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now