Chapter 144 Karakter

5 1 0
                                    

"KLAY mamaya ka na ba tutungo sa bayan?" Ani Fidel at nagpalakad lakad.

"Fidel samahan mo ako ha. Kailangan kong puntahan si Basilio. Kailangan kong mabawi sa kaniya ang libro." Ani Klay.

"Tingin mo ba ay matutulungan ba talaga tayo ng 'El Filibusterismo' na libro na 'yan."

"Oo at kung susundan natin ang kwento ng libro gagawin pa rin kaya ni sir ang naonsyaming plano niya do'n sa kabesa. Pasensiya ka na kung kinakausap ko na naman ang sarili ko." Ani Klay at napahawak sa kaniyang noo.

"Ha! Klay nais kong malaman ano ang mangyayari sa akin sa kwento?" Ani Fidel na tumabi sa inuupuan ni Klay at nagtitigan sila.

"Ha?"

"SINILIP namin ni Elias 'yong libro no'ng isang gabi. Bakit tila hindi ko nakita ang aking pangalan. Sandali lamang namin ito tiningnan ngunit hindi ko talaga nakita." Ani Fidel.

"'Yan din ang pinagtataka ko." Ani Klay.

"Ibig sabihin ba no'n ay para akong si Elias. Na sa unang libro lang lumabas. Pero nabago mo kaya naririto kami ngayon sa pangalawang libro."

"Wala ka din sa unang libro."

"Hindi ko maintindihan. Kung gayon paano ako? Ano ang... ano ang papel ko?"

"Eh! Hindi ko rin alam Fidel. Pilit kong hinanap ang Fidel no'ng binabasa ko 'yong 'Noli'. Nakailang kontrol F na rin ako sa online versions ng Fidel hindi ko talaga nahanap. Marami din akong tanong tulad mo. Sa totoo lang mayro'n naman akong theories kung sino ka talaga, kung saan ka galing pero hindi ako sigurado. Gusto mo bang ibahagi ko sayo."

"Hay! Hindi na. Tsaka na lang siguro natin pag-usapan ito muli. Mas mainam kung tugunan mo na muna ang mga masasamang nangyari sa libro." Ani Fidel at tumayo.

"Sige. Ha! Kung gayon puntahan na natin sina Elias. Para makahanda na tayo sa pagbaba sa bayan." Ani Klay at tumayo din.

"Ikaw na lang siguro muna... tumungo kina Basilio. Sasamahan ko rin muna ang pangkat." Ani Fidel at kinuha ang kaniyang armas at umalis at naiwan si Klay na naguguluhan.

NATUTULALA si Fidel habang tumitingin sa kapaligiran at paparating naman si Klay sa kinaroroonan niya.

"Fidel." Ani Klay at hinubad pa ang sumbrero niya na tulad sa sumbrero ng magsasaka.

"Ahm diba't ah... bababa ka sa bayan." Ani Fidel na humarap kay Klay.

"Wala ka kasi sa kuta eh. Hinanap kita do'n. Magpapaalam sana ako. Hindi ka ba talaga sasama sa'kin."

"At bakit mo pa kasi ako hinahanap?"

"Fidel may problema ba? May problema ka ba sa'kin? O may issue ka do'n sa libro? Gusto mo ipakita ko sayo 'yong mga theories ko sa karakter mo. Marami ako niyan. Sinave ko nga dito sa phone ko eh. Bubuksan ko kahit nagtitipid ako ng battery. Ano 'yon? Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Hmmp! Diyos ko! Ha! Ha! Sinong mga 'yan? Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!" Ani Klay na may hinahalungkay sa kaniyang bag ngunit hindi niya ito tuluyang nakuha dahil nakarinig siya ng tunog ng uwak sa 'di kalayuan at isinukbit niya ang kaniyang bag at pumunta roon sumunod rin si Fidel at napatakip sa bibig si Klay ng makakita sila ni Fidel ng mga bangkay ng tao habang hinihingal siya.

"MATANGLAWIN." Ani Fidel ng basahin ang sulat na nasa ibabaw ng mga bangkay.

"Ha!"

"Sino si Matanglawin."

"Ha! Umuusad na nga ang kwento. Nangyayari na ang nakasulat. Ibig sabihin... si Basilio. Ha! Tama ka Fidel puntahan mo si Elias ipaalam mo sa kaniya 'to at ako kailangan kong puntahan si Basilio." Ani Klay at inilagay ulit ni Fidel ang sulat kung saan niya ito pinulot.

"Mag-ingat ka." Ani Fidel at isinuot naman ni Klay ang kaniyang sumbrero.

"Ikaw din." Ani Klay at umalis at umalis na rin si Fidel doon ngunit may nagmamanman pala sa 'di kalayuan ito ay si Kabesang Tales na nakasuot ng sumbrerong pangmagsasaka.

-ssiella

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now