Chapter 125 Kain

7 1 0
                                    

NAGSILIPARAN ang mga alitaptap sa paligid at mayroong lalaki ang naglalakad na may dalang sulo o apoy na nilagay sa kawayan.

"Pablito?" Ani Klay ng makilala ang lalaking naglalakad.

"Ibaba mo 'yan. Kilala ko sila. Anong ginagawa niyo rito?" Ani Pablito sa kasamahan niya na nakatutuk ang baril kina Klay at Fidel.

"Pablito si Elias."

"Ikaw ba 'yan Pablito." Ani Elias.

"Oo Elias. Malala ang tama mo. Halika't ibabalik ka na namin sa kabundukan." Ani Pablito at lumapit kay Elias at umupo at hinawakan ang tela na nakadiin sa sugat ni Elias.

"Hindi! Hindi pa tapos ang aking gawain rito."

"'Di ka namin iiwan dito."

"Kaysa lahat tayo mamatay rito."

"Hindi ka mamamatay Elias." Ani Klay.

"Binibini, oras ka na. Kaibigan hihingi ako sayo ng pabor."

FLASHBACK...

Nagyakapan sina Elias at Salome sa kagubatan.

...

Naghalikan at nagyakapan si Elias at Salome sa kanilang higaan.

END OF FLASHBACK...

"Ikaw ng bahala kay Salome." Ani Elias.

"Bakit ka ba nagbibilin?" Ani Klay na umiiyak.

"May paparating." Ani ng lalaki na may dala ng sulo at tumakbo papunta kina Klay.

"Kailangan na nating umalis." Ani Pablito.

"Umalis na kayo. Iwan niyo na ako. Iligtas niyo na ang sarili niyo." Ani Elias.

"Hindi gagamutin ko pa 'yang sugat mo. Sige na buhatin na natin siya. Pablito! Pablito!" Ani Klay at tumayo.

"Binibini tama na. Magiging pabigat lang ako sa pagtakas ninyo. Ms. Klay kailangan ko silang pigilan. Ah! Mamamatay akong ng hindi nakitang sumilay ang bukang liwayway sa ating bayan."

FLASHBACK...

Pinalo ng latigo ang lalaki na ama ni Elias ng mga guwardiya sibil at nakatayo roon ang isang lalaking Kastila.

...

"Tay!" Ani Elias noong kabataan pa niya at nahulog ang dala niyang panggatong ng makita ang ama na nakabitay sa may puno at wala ng buhay kasama niyang nakasaksi ang kaniyang pamilya.

END OF FLASHBACK...

"Kayo makakakita pa salubungin ninyo. Huwag limutin ang nagbuwal sa dilim ng gabi. Sige na humayo na kayo. Humayo na kayo." Ani Elias at nagtanguan lang sila ni Klay at tumayo na rin si Pablito at kinuha rin ni Fidel ang kaniya armas at umalis na sila at si Elias ay napaiyak at ikinuyom ang kamao na mayroong rosaryo.

SINA Klay at Fidel ay nasa kagubatan kasama ang ibang taong taga doon. Kumuha si Fidel ng pagkain at pumunta kay Klay.

"Hmmm! Klay kumain ka. Para magkalaman 'yong sikmura mo." Ani Fidel na may dalang dalawang saging at manggang hilaw na binalatan na at siya'y nakasuot ng sumbrero ng magsasaka.

"Wala akong gana. At hindi ako makakakain hangga't hindi ko nalalaman kung nasaan si sir Ibarra. Anong oras na tayong walang balita sa kaniya." Ani Klay.

"Antayin na lang muna natin sina Pablito."

"Ate Lucia! Pablito! Ano may balita na ba?"

"Bumalik kami sa libingan hindi maganda ang aming natuklasan. May natagpuang dalawang sunog na katawan." Ani Lucia na kakarating lang kasama si Pablito at isa pang lalaki.

"Hinihinalang baka sina Sisa at Elias 'yon." Ani Pablito.

"Ano?"

"Mukhang sinunog ni Elias ang kaniyang sarili." Ani Lucia at napatakip sa Klay sa kaniyang bibig at napaiyak.

"Ano? Bakit naman niya gagawin 'yon?" Ani Fidel.

"Marahil para iligaw ang mga awtoridad. Para isipin nila na sina Ibarra at Elias ang mga sunog na bangkay."

"Ibig sabihin hindi pa natatagpuan si Ibarra." Ani Klay na napahinto sa pag-iyak at hinawakan naman siya ni Fidel sa balikat na nasa likuran niya.

"Wala pang nakakita sa kaniya." Ani Pablito.

"Posibleng buhay pa siya."

"Hindi tayo makatitiyak Klay. Masukal ang gubat. Kung buhay pa siya mahihirapan tayong suyurin ang gubat para lamang makita siya." Ani Lucia.

"Pero may posibilidad na buhay siya. Eh magpaparamdam 'yon. Magpapakita 'yon." Ani Klay na pinipigilan maiyak at napatango naman si Fidel.

"Klay kung hanggang ngayon hindi pa nagpaparamdam ha tanggapin niyo na rin na maaaring ituring na patay si Crisostomo Ibarra." Ani Lucia at nagtinginan na lang sina Klay at Fidel.

-ssiella

Mestiza de SangleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon