Chapter 96 Eskwela

16 2 8
                                    

MALALIM ang gabi at malaki ang buwan.

"Ipagpapalit mo talaga ang iyong magandang kinabukasan at ang pagmamahal mo para kay Maria Clara para lang sa isang eskwelahan?" Ani Fidel.

"Hindi iyan ang ibig kung sabihin. Natural ay handa akong ipaglaban si Maria ngunit syempre ganoon din ang eskwela." Ani Ibarra na inilukot pa ang guhit ng enhinyero na eskwelahan.

"Ha! Crisostomo. ¿Puedes usar tu mente? At sa pagkakataong ito maaari kang umatras."
Translation: (Maaari bang gamitin mo ang iyong isip?)

"Ha! Hindi ko na kayang umatras sa hangong ito amigo. At hindi ko kayang biguin ang aking ama."

"Kaya handa ka ng kasuklaman ng prayle at ituring na kaaway."

"Hindi kaaway Fidel ngunit kakampi sa pagpapaunlad nito. Nais kung patunayan sa kanila na kapag nakapag-aral ang sinasabi nilang Indio mas madami ang katuwang ng gobyerno sa pagpapalakas at pagpapayaman sa San Diego. Makikita mo Fidel balang araw ay mawawari nila ang magandang layunin nito."

"Amigo, natatakot ako na ang magandang planong ito ang siyang magpapabagsak sayo." Ani Fidel na itinuro pa sa dibdib si Crisostomo Ibarra.

-ssiella

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now