Chapter 18 Takbo

71 3 10
                                    

"PAUMANHIN po ginoo ngunit alam niyo po ba kung saan ang tahanan ng alperes o ng kapitan may idudulog sana akong reklamo sa kaniya." Ani Ibarra.

"Sa dulo po ng kalyeng ito ang alperes senyor. Malapit rin dito ang kapitan." Ani ng isang lalaki at lumisan din.

"Salamat po." Ani Ibarra at nakita niya si Padre Salvi na kausap ang dalawang babae at naglakad siya patungo dito.

"Bueno!" Ani Padre Salvi sa dalawang kausap na babae na nagmano siya kaniya at lumisan may isa ring babae ang nagmano din at umalis din.

"Anong biro ito ng tadhana? At tayo pang dalawa ang pinagtagpo." Ani Ibarra sa nakatalikod na si Padre Salvi.

"¿Soy yo con quien estás hablando?" Ani Padre Salvi na humarap na kay Crisostomo Ibarra na nakadaop ang mga kamay.
Translation: (Ako ba ang kinakausap mo?)

"Kayo nga po fraile. Mayroon sana akong mga itatanong sa inyo. Ngunit hayaan niyong ipakilala ko muna ang aking sarili. Ako nga pala si..."

"Crisostomo Ibarra! Anak ng erehe at filibustero." Ani Padre Salvi at dumating rin sina Klay at Fidel papatakbo sa kanila na hinihingal pa, nasa malayo pa rin naman sila.

"Mawalang galang na po Padre! Ngunit hindi po masamang tao ang aking ama."

"Sinasabi mo bang kasinungalingan ang mga nagawa niya."

"Ayun!" Ani Klay at napaturo pa at tumakbo ulit sila ni Fidel.

"¿Estás haciendo que las personas que se quejan de él sean mentirosas?"
Translation: (Pinalalabas mo ba sinungaling ang mga taong nagrereklamo sa kanya?)

"Wala po ako dito kaya hindi ko alam kung sino ang mga tinutukoy ninyo. Kaya't hindi ko rin batid kung ano ba talagang pagkakasala ang nagawa ng aking ama. Upang maging ang kaniyang libingan at bangkay ay hindi binigyan ng paggalang at sinalaula pa. Kaya't uulitin ko ang aking tinatanong Padre! Anong nagawang kasalanan ng aking ama upang maging ang kaniyang karapatan sa pagkakaroon ng disenteng libing ay pinagkait niyo pa sa kaniya." Ani Ibarra at naitulak niya si Padre Salvi at tuluyan na itong bumagsak sa lupa at kinwelyuhan niya pa ito at nakarating na rin roon sina Klay at Fidel.

-ssiella

Mestiza de SangleyWhere stories live. Discover now