Chapter 12. Dinner

Start from the beginning
                                    

"That's right...she asked for you personally." dagdag pa ni King

"Eh sina Dove? Si Cheese?"

"Nasa Paris pa si Dove. Pumunta naman ng Tagaytay si Cheese, hindi siya sigurado kung kailan siya makakauwi."

Oo nga pala...

Bakit ba nawala sa isip ko na busy pala ang dalawang 'yon?

"Don't tell me, ayaw mong pumunta? Wala ka namang gagawin na mamaya at saka lagi ka na lang nagi-stay dito. Aagawin mo pa yata ang trabaho ni Kuya Lando." sabi ni Twix na ang tinutukoy ay ang security guard ng Escapade.

"Oo na...ako na lang lagi ang pinagdidiskitahan niyong dalawa."

Natatawang nagkatinginan ang dalawang kaharap ko.

"Alright, mamayang 7pm, papasundo ka na lang namin." si King

"Bakit? Hindi pa ba tayo magsabay-sabay? Malapit naman na ang time-out."

"Uhm... May dadaanan pa kasi kami kaya baka matagalan. Papasundo ka na lang namin para siguradong pupunta ka."

Napataas ang kilay ko. Bakit kaya may pakiramdam akong may hidden agenda ang dalawang 'to?

Tss...

Paranoid lang siguro ako.

Lintik kasing tsismis yan...palabas lang naman eh tinotoo na nila. Ganoon ba talaga ang mga kilalang tao? Kaunting kibot lang nila eh buong mundo na ang nakinabang.

Ano naman kaya ang reaksiyon ng lalaking 'yon sa tsismis na 'yon? Noong Lunes ko pa siya huling nakita...nakausap...naka---argh!

Sa tuwing naaalala ko na lang ang tagpong 'yon, bumibilis ang pintig ng pulso ko. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako makatulug-tulog ng maayos sa gabi. Parang tukso kasing bumabalik sa isipan ko ang eksenang 'yon na parang ramdam ko pa at ni hindi nawala ang pakiramdam.

I told myself to forget him but here I am...sinasariwa ang namagitan sa aming dalawa.

Why did I ever let him kiss me in the first place?

"Hoy! Natahimik ka na diyan." untag sakin ni Twix

"H-hah?"

"Ang sabi ko, mauuna na kami. Magbibilin na lang ako sa staff na magsara ng maaga para naman makapaghanda ka mamaya."

"Ah... Sige..." sang-ayon ko na lang.

King raised his brows na para bang sinusuri kung may kakaiba sakin.

"By any chance, were you thinking about someone?" may kasamang pilyong ngiti ang tanong niya

Naningkit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung dahil parang may gusto siyang palabasin o dahil sa isang banda, may katotohanan ang hinala niya.

"Iniisip ko lang kung anong isusuot ko mamaya." pagsisinungaling ko na lang

Nagdududa parin siyang tumingin sakin.

"Just be yourself..." nakangiting sabi ni Twix

Napangiti na rin ako.

"Alright, we'll go ahead. See you tonight!" paalam ni King at inalalayan si Twix palabas ng office.


Two hours later...


Hmmm...

Dress...or jeans?

"Dress..."

Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin at nagpapasya kung anong susuutin.

"Just be myself...? Red...or blue?"

Inilabas ko mula sa closet ang isang floral red na bestida.

"Okay... Knee-length is fine, sleeveless is fine... I just need something to top it."

Nag-browse pa ako ng laman ng closet at nakakita ako ng grey sweaters na halos umabot na rin sa laylayan ng bestida. Isinuot ko ang dress at saka ipinatong ang sweaters.

Voila!

"Now this is me!" bulalas ko nang magustuhan ko ang resulta ng wardrobe experiment ko.

Simple lang, hindi masyadong maarte at hindi naman masyadong conservative. Sakto lang.

Inilugay ko ang mahaba at alun-alon kong buhok. Nagsuot na lang ako ng sandals dahil gustung-gusto ko 'yong magaan ang lakad, walang takung-takong.

Kaunting lip gloss lang ang ipinahid ko sa mga labi ko at pagkatapos ay pinagmasdan ko ang hitsura ko sa salamin.

"Yep! This is me..." nakangiting sabi ko sa sarili ko.

Tinignan ko ang wrist watch ko, saktong alas-siyete na.

Parang may narinig akong pumaradang sasakyan sa baba.

Bumaba na ako at lumabas ng cafe. Nakaupo si Kuya Lando sa kanyang pwesto.

"Ingat po kayo, Ma'am. Nandiyan na po ang sundo niyo." nakangiting sabi niya

"Sige kuya, ikaw na ang bahala rito." paalam ko sa kanya.

Tinungo ko ang nakaparadang Mercedes Benz sa harap ng cafe.

Tinted ang bintana kaya hindi ko makita ang nasa loob. Nang makita siguro ako ng driver ay lumabas ito ng sasakyan at ipinagbukas ako ng pintuan ng kotse.

Napatigil ako sa paglapit dahil ang inasahan kong susundo sakin ay si Mang Dindo.


"You look beautiful..." nakangiting sabi niya.

Damn his navy blue shirt, I can still remember how it felt to be pinned inside his arms.

Shit!

Anong ginagawa niya dito? Bakit siya ang sumundo sakin?

"S-salamat." sagot ko na lang at pumasok na sa loob ng sasakyan.

I can smell his perfume inside the car...and his scent reminds me of that night.

Isinara na niya ang pintuan sa side ko saka siya umikot at sumakay sa tabi ko.

Crap!

Now we're inside his car and we're just inches away from each other!

Parang nakikinita ko nang may kinalaman ang mag-asawang 'yon dito.

Oh God!

Please give me the power to resist this man!

The Elite Men Empire Series: Singing Zeus a Love SongWhere stories live. Discover now