Chapter 10

1 0 0
                                    

"SAM, I KNOW your not okay. Kitang kita ko iyon sa mga mata mo"

Kasalukuyan silang nasa beranda ng mansyon, naghanda ng kape at tinapay si Alex para sa kanilang dalawa.

"I'm okay Alex, medyo stress lang ako these past few days kasi wala akong makuhang impormasyon tungkol sa Tatay ko" wala pa din emosyon na sagot niya.

Ayaw sana niyang pagbigyan si Alex dahil parang wala siyang ganang kausapin ito pero pumayag pa din siya para makamusta niya din ito.

Narinig niya ang pag buntong hininga nito. "Matapos ko lang ang lahat ng presentation ko, promise na ako ang gagawa ng paraan para mahanap natin ang Tatay mo"

Bahagya siyang ngumiti. "Okay Alex, hintayin ko yung araw na iyon"

Mula sa gilid ng mata niya ay napansin niyang tumayo ito at pumwesto sa harap niya. "Sam, hindi mo na ako tinitingnan sa mata ngayon. May problema ba?" nakita niya ang pag-aalala nito sa kanya.

Umiling iling siya. "Asan pala si Angela?" pagbabagong paksa niya.

"Tulog na, maaga na siyang nakakatulog ngayon"

"Kamusta ang pagbubuntis niya?"

"Sabi ng OB niya maselan daw ang pagbubuntis niya, bawal siyang ma-stress at kung pwede na bed rest lang muna siya"

"Naalagaan mo ba siya?"

"Inaalagaan ko siya para maging maayos ang anak namin"

Anak namin may kung ano namang sakit ang naramdaman niya.

"Mabuti naman, dapat siya muna ang priority mo para maging maayos ang anak niyo"

"No Sam, mas priority kita"

Umiling iling siya. "Okay lang ako Alex, okay lang ako"

"Sam..."

"Kamusta ka sa work mo?" putol niya sa anumang sasabihin nito.

Ayaw niyang kamustahin siya nito dahil ayaw niyang maging emosyonal sa harap nito, ayaw niyang mahirapan ito dahil sa nararamdaman niya. Alam niyang hindi nito gusto ang nangyari kay Angela kaya ayaw niya itong maipit dahil sa selos na nararamdaman niya.

"Okay naman medyo busy pa, pero malapit naman ng matapos ang buwan kaya malapit na akong makahinga"

"Inaalagaan mo ba sarili mo? Nakakainom ka pa ba ng vitamins mo? Kumakain ka ba ng maayos?"

Ngumiti ito sa kanya. "Yes Baby Girl..." kinuha nito ang kanyang mga kamay. "...don't worry about me, naalagaan ko ang sarili ko"

"Good" maikling sagot niya. "I think I need to go Alex, lalong sumasama ang pakiramdam ko sa lamig"

"Okay, sige let's go. Hatid kita sa room mo" sabi nito at inalalayan pa siyang tumayo.

Hindi na siya tumutol pa sa gusto nito pero pagdating sa sala ay saktong palabas si Angela sa silid nito.

"Alex, gusto kong kumain ng mais" sabi nito na nagpupunas pa ng mata, halata na bagong gising lang ito.

"I will ask Mang Letty, hahatid ko muna si Samantha sa kwarto niya"

"No need Alex, kaya ko na ang sarili ko. Alagaan mo muna si Angela"

"Pero Baby Gi..."

"I'm okay" maikling sabi niya at tuluuyan na siyang umakyat.

——————

KAHIT MASAMA ANG pakiramdam ay pinilit pa ding pumasok ni Samantha dahil ayaw niyang manatili sa mansyon.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon