Chapter 79

1 0 0
                                    

PAGKATAPOS NILANG MAGUSAP ay naghati hati sila ng mga gagawin. Bago siya makasama sa pagiimbestiga tungkol sa kapatid ni Samantha at sa usapan ni Andres at ng kausap nito ay kailangan niya munang ayusin ang relasyon niya kay Angela.

Halos naikot niya na ang mansyon pero hindi niya ito makita, kahit ang mga kasamahan nila sa mansyon ay hindi alam kung nasaan ito. Sinubukan niya din itong tawagan pero nakapatay ang selpon nito.

Mula nang magkasagutan si Angela at Samantha dahil sa mga kapatid nito ay humingi ng oras si Angela para makalabas ng mag isa dahil pakiramdam nito ay hindi na ito makahinga sa mansyon kaya ibinigay niya ang oras na gusto nito.

Sigurado ka bang kilala mo talaga yan?

Asan ang utak mo at parang hindi mo alam kung ano pinaggagawa ng babaeng yan?

Naalala niya ang sinabi ni Samantha noong araw na iyon.

Ano ba kailangan kong malaman sayo Angela?

Agad siyang lumabas ng bahay para pumunta sa Ospital.

Habang nagmamaneho ay agad niyang tinawagan ang OB ni Angela para tanungin kung nasa Ospital pa ito dahil may kailangan siyang tanungin dito, halos pauwi na ito pero buti na lang ay napapayag niya itong hintayin siya.

"Thank you Doc for waiting for me" hinihingal na sabi niya dito dahil halos patakbo na siyang pumunta sa opisina ng doktor.

"No worries..." nakangiting sagot nito. "May problema ba? Don't tell me buntis uli si Angela?" napansin nito ang pangaasar nito.

Umiling iling siya dito. "No Doc, actually I am here para tanungin kung ano ba ang totoong kalagayan ni Angela noong buhay pa ang anak namin?"

Nakita niya ang gulat sa mukha ng doktor. "Wala bang sinabi sayo si Angela?" pagtatakang tanong nito.

Muli siyang umiling iling.

Nakita niya ang pagbuntong hininga nito. "Unang check up ko pa lang kay Angela ay 50/50 na ang buhay ng bata dahil mahina lang ang kapit nito kay Angela. Ilang beses kong sinabi sa kanya na ihanda niya ang sarili niya dahil baka biglang bumigay ang bata"

Napakunot noo siya sa kanyang nalaman. "Pero bakit kapag may check up kami lagi mong sinasabi na maayos ang baby?"

"Dahil iyon ang pakiusap ni Angela, gusto niyang malaman mo na maayos ang baby dahil matagal mo na daw gustong magkaanak at hindi niya kayang mawala ang kaligayahan mo kaya nakiusap siya sa akin na itago muna ang totoong kalagayan niya at siya na lang daw ang magsasabi sa'yo. Hahanap daw siya ng tamang pagkakataon na sabihin sa'yo ang lahat"

"Pero wala siyang sinasabi sa akin, ang buong akala ko ay totoong maselan lang ang pagbubuntis niya, na bawal siyang ma-stress" kunot noong sabi niya.

"Yes Alex, masilan ang pagbubuntis niya at bawal talaga siyang ma-stress. Noong sinugod mo siya dito dahil sa bleeding ay sinabihan ko na siya na bumibitaw na ang bata pero nakiusap siya, nakiusap na baka pwedeng magawan pa ng paraan, na baka pwede pang isalba ang bata kaya gumawa ako ng paraang na bigyan siya ng mas malakas na pampakapit na gamot. Pero yung 50/50 na mabubuhay ang anak niyo ay naging 30% chance na lang dahil sa pagdudugo niya"

Halos hindi siya makapaniwala dahil sa kanyang nalaman. "Wala siyang sinabi sa akin na kahit ano, ang buong akala ko ay maayos ang anak ko. Naninisi pa siya ng ibang tao dahil nalaglag ang anak ko"

"To tell you honestly, bago mo pa sinugod si Angela dito noong araw na nalaman niyong nalaglag ang anak niyo ay napagalaman ko na 1 week ng walang buhay ang anak niyo. Hindi ko alam kung bakit hindi agad nagpatakbo sa ospital si Angela dahil delikado din sa kanya iyon kung nagkataon"

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now