Chapter 37

1 0 0
                                    

"SAM, PWEDE BA tayong mag-usap?"

Nagulat na lamang si Samantha nang bigla siyang lapitan ng kanyang Tatay Abel habang inaayos ang mga natapos na nilang tahi.

"Yes Tay, ano po ba yun?" tinigil niya ang kanyang ginagawa.

"Doon na lang tayo sa loob total ay gabi naman na" sabi ng kanyang ama sa halip na sagutin siya nito.

Pumayag naman agad siya, ilang araw na niya din itong hindi nakakausap at hindi niya alam kung bakit tila wala siyang lakas ng loob para kausapin ang kanyang ama o siguro dahil natatakot siyang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan lalo na't magkasama sila sa bahay.

Agad niyang inayos ang mga ginagawa niya at sumunod dito na nakaupo na sa sala.

"Ano po yun Tatay?" tanong niya uli nang makaupo na din siya sa tapat ng upuan nito.

Nakita niya ang pagbuntong hininga nito bago sumagot. "Alam kong kahit hindi natin sabihin sa isa't isa ay merong pader na nakaharang sa pagitan natin"

Ganoon na lang ang gulat niya nang marinig ang sinabi ng kanyang ama dahil napagtanto niya na pareho pala sila ng nararamdaman sa isa't isa.

"Hinihintay kitang lumapit sa akin para kausapin ako pero hindi ko na kayang matiis na ganito tayong dalawa. Kailan lang uli tayo nagkita at kailan lang tayo nagkaroon ng oras sa isa't isa kaya gusto kong maging maayos tayong dalawa lalo na't hindi natin alam kung hanggang kailan..."

"Tatay" putol niya sa sasabihin nito. "Huwag mo ng ituloy ang sasabihin mo dahil hindi ko gustong marinig ang anumang sasabihin mo"

"Sam, alam naman nating hindi natin maiiwasan ang..."

"Tatay, please, kung ano man ang gusto mong pag-usapan natin, yun na lang"

Alam niyang hindi naman talaga nila maiiwasan ang mga ganoong usapan lalo na't nakikita niya na tila lumalala ang sakit ng kanyang ama, pero hindi pa siya handa para harapin ang isang katotohanan na hindi niya kayang takasan.

Tumango tango ang kanyang ama. "Okay, okay" napabuntong hininga ito bago muling nagsalita. "Alam kong marami kang gustong itanong sa akin, pero natatakot kang magtanong dahil baka hindi mo magustuhan ang sagot ko. Marami kang gustong malaman pero hindi ka sigurado kung ano ang gusto mong malaman. Wala kang lakas ng loob na komprontahin ako dahil natatakot ka na baka masira ang samahan natin"

Bahagya siyang natawa. "Kilalang kilala mo talaga ako Tatay" mahina niyang sabi.

"Anak kita kaya kilalang kilala kita" may pait sa ngiti ng kanyang ama.

Alam niyang masakit para sa kanyang ama na sabihin niyang anak kita kahit na ang totoo ay iba ang kanyang tunay na ama.

"Sorry Sam, pero nagsinungaling ako sayo noong nagtanong ka sa akin kung bakit ako lumalabas tuwing madaling araw"

Napakunot noo siya sa kanyang narinig, hindi iyon ang inaasahan niyang maririnig, dahil ang nasa isip niya ay magsasabi ang kanyang ama tungkol sa kung bakit ayaw niyang magpagamot sa ibang bansa dahil matagal niya na itong inaalok na pumunta sila sa ibang bansa.

"Totoo na may hinahanap ako Sam, pero hindi totoo na kapatid ko ang hinahanap ko" tila nag-aalangang sabi nito dahilan para mas lalong kumunot ang kanyang noo.

"Sino hinahanap mo Tay?" may pagtatakang tanong niya.

Alam niyang nag-aalinlangan ang kanyang ama kung sasabihin nito ang totoo, hindi man niya maintindihan kung bakit naguguluhan ang kanyang ama ay hinayaan niya na lang muna ito hanggang sa maging labag sa loob nito ang mga sasabihin nito.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now