Chapter 13

1 0 0
                                    

HINDI MAKAPANIWALA SI Alex sa surpresang hinanda ni Angela para sa kanya, sa sobrang pagiging abala niya nitong buwan ay minsan parang gusto na lang niyang matulog para makabawi ng lakas at ngayong tapos na siya sa mga presentasyon niya ay masaya siya sa surprisang ginawa ni Angela.

Maya't maya ang tingin niya sa kanyang orasan dahil hinihintay niya ang pagdating ni Samantha, hindi niya maalala kung saan nagpunta si Samantha pero ang alam niya ay nagpaalam ito sa kanya kanina.

"Are you okay son?" tanong ng kanyang ama.

"Wala pa kasi si Samantha e, halos mauubos na natin yung handa pero hindi pa din siya dumadating"

"Umalis ba siya? E diba may sakit pa siya?" singit sa kanila ni Loisa.

"Sabi mo pinayagan mo siyang umalis kanina?" tanong din sa kanya ng kanyang ama.

Napakunot-noo siya dahil pakiramdam niya ay may mali. Agad niyang hinanap sa bulsa ang kanyang selpon. "Where the hell is my phone?" naiinis na sabi nito.

"Here..." abot sa kanya ni Angela. "...binigay mo sa akin 'to kanina nung umalis tayo"

Nakita niya ang maraming missed call galing kay Samantha. Sinubukan niya itong tawagan pero nakapatay ang selpon nito. Muli niyang tiningnan ang kanyang selpon para padalhan ito ng mensahe pero nakita niyang may mensahe pala si Samantha. Napakunot-noo siya dahil bakit parang hindi niya iyon nakita kanina, agad niyang binuksan ang mensahe.

From: My Baby Girl

Where are you? Andito na ako sa rooftop.

"Shit" bulalas niya.

Agad siyang na tumakbo palabas ng mansyon, naririnig niya ang pagtawag ng mga tao sa kanya pero hindi niya ito pinansin.

Habang nasa sasakyan ay sinusubukan pa din niyang tawagan si Samantha pero nakapatay pa din ang selpon nito, nagmamadali siyang magmaneho para agad makarating sa condo.

------

ALAS-NUEBE NA ng gabi nang makarating siya sa kanilang condo at dahil pamilya nila ang nagmamay-ari ng condo na iyon ay dere-deretso siyang umakyat sa rooftop.

Nang makarating sa rooftop ay agad niyang nakita ang ayos doon, may mga bulaklak na nakaayos sa paligid. Unti-unti siyang lumapit sa mini living area at ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang mga paboritong niyang pagkain, nakita din niya ang cake na may nakasulat na...

Congratulations Baby, I am so proud of you!

"Shit! I'm so stupid!" mahinang sabi niya at napaupo na lang sa sofa.

Pagkaupo niya ay mayroon siyang napansin na paper bag kaya kinuha niya iyon, mayroong maliit na box. Kinuha niya ang box at may nakasulat doon na...

For you Baby!

Binuksan niya iyon at nakita niya na dalawang bracelet ang nakalagay doon, tingin niya ay isa para sa kanya at isa para kay Samantha. Couple Bracelet.

Bahagya siyang ngumiti at kinuha ang isang bracelet, doon niya lang napansin na nakaburda ang pangalan ni Samantha, kinuha niya ang isa na pangalan niya naman ang nakaburda.

Nagulat siya nang biglang bumukas ang elevator at nabuhayan siya ng loob na bumalik si Samantha.

Pero hindi.

"Sir Alex, andito na pala kayo. Kanina pa ako pabalik balik dito baka kasi magulo ang ginawa ni Ma'am Samantha" sabi ni Rodel, ang tagapaglinis sa rooftop.

Mula noong naging pabortiong lugar ito ni Samantha ay hindi na na niya binuksan ang rooftop sa ibang tenant ng condo dahil gusto niya na kay Samantha na lang ang lugar na ito maliban kay Rodel para mapanatiling maganda ang lugar.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now