Chapter 30

1 0 0
                                    

KINABUKASAN AY NAGPAALAM muna si Pierre para kumuha ng damit sa kanilang bahay, hindi pa din nila alam ang sasabihin nila sa kanyang Tatay Abel pag-uwi niya dahil siguradong magtataka ito sa mga benda niya sa braso at binti.

"Pierre, ang bilis mo naman" sabi niya nang bumukas ang pinto ng kanyang silid pero abala siya sa kanyang selpon kaya hindi na niya ito binalingan ng tingin.

"Sam" mahinang sambit ng lalaki.

Natigil siya sa pagseselpon nang marinig ang isang pamilyar na boses na agad niyang nilingon.

"A...alex?" nauutal na sabi niya.

"Sam, don't make me worry" sabi nito na pinagtataka niya pero kitang kita ang pag-aalala sa mga mata nito.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang naguguluhan sa pag-aalalang pinapakita nito sa kanya samantalang kahapon ay parang hindi nito maiwan iwan si Angela.

"Okay lang ako Alex" iniwas niya ang tingin dito.

"Sa ngayon okay ka, paano na lang kung marami sila at nag-iisa ka" ramdam niya ang pagpipigil ni Alex sa galit nito.

Napabuntong hininga siya bago sumagot. "Hindi na mauulit" mahinang sagot niya.

Hangga't maaari ay gusto niyang maging normal na magkapatid ang turingan nila para mawala ang ilang nila sa isa't isa.

"Sam, wag kang masyadong matapang..." unti-unti itong lumalapit sa kanya. "...malayo ka na sa akin kaya hindi na kita mapo-protektahan agad" malungkot nitong sabi.

May kung anong saya siyang naramdaman sa sinabi nito gusto niyang isipin na nag-aalala ito sa kanya bilang kapatid pero hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay higit pa sa isang kapatid ang pag-aalalang pinapakita nito.

"I can take care of myself Alex" habang papalapit ito ng papalapit ay nakakaramdam siya ng kaba dahil pakiramdam niya ay manunumbalik ang damdamin niya para dito dahil sa pag-aalalang pinapakita nito.

Hangga't maaari ay iniiwasan na niyang maalala kung paano sila nagmamahalan ni Alex dati pero alam niyang hindi ganoon kadali kaya sa tuwing nakikita niya ito ay mabilis na tumitibok ang kanyang puso.

"Sam!..." halos pasigaw nitong sabi kaya bumuntong hininga ito bago nagpatuloy ng sasabihin para siguro pakalmahin ang sarili. "I want to take good care of you as your brother" mahinang sabi nito.

Masakit pa din palang marinig na magkapatid sila lalo na't kay Alex nanggaling ang mga katagang iyon.

Tumikhim siya. "Thank you, pero mas kailangan ka ni Angela at kaya ko ang sarili ko" may diin na sabi niya para hindi mahalata ni Alex ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Because you have Pierre?" agad na tanong nito.

Inaasahan niya ng mapupunta ang usapan kay Pierre pero hindi niya inaasahan na parang ikukumpara nito ang pagkakaroon nito ng Angela sa pagkakaroon niya ng Pierre dahil magkaiba ang dalawa. Si Pierre ay nasa tabi niya bilang isang kaibigan pero si Angela ay nasa tabi ni Alex bilang ina ng magiging anak nito. Muli na namang bumalik sa alaala niya ang nakita niya sa silid ni Alex.

Sinalubong niya ang tingin nito. "Yes, because Pierre is with me, he can protect me" nakita niya ang pagtangis ng panga nito.

"He can protect you, e diba siya din ang reason kung bakit ka napahamak dati?" may galit sa tanong nito.

"He changed Alex"

"How sure are you na nagbago siya? What if kung may balak na naman siya kaya nakikipagmabutihan na naman siya sa'yo" pilit man nitong itago ang galit sa mga salita ay nararamdaman pa din niya iyon.

"Nararamdaman ko ang pagiging totoo ni Pierre this time"

"Nararamdaman mo o may nararamdaman ka pa sa kanya?"

Napakunot noo siya dahil sa sinabi nito at pakiramdam niya ay alam niya na ang patutunguhan ng usapan nila.

"So what kung meron, single siya at single ako, wala namang masama doon" nakangising sabi niya.

Gusto niyang magalit sa kanya si Alex, gusto niyang umiwas si Alex sa kanya para kay Angela, para sa bata. Ayaw niyang maging kumplikado ang lahat.

"Sam, pag-isipan mo naman ang sinasabi mo at ang ginagawa mo" naiinis na sabi nito.

Bahagya siyang tumawa, isang tawa na pinarinig niya talaga kay Alex. "Ano bang problema mo Alex?..." muli niyang sinalubong ang tingin nito. "...nakita mo lang na magkasama kami ni Pierre feeling mo hindi na ako nag-iisip, feeling mo hindi ko na ginagamit ang utak ko. Akala mo ba ginagamit ko si Pierre para makalimutan ka lang? Paano kung sabihin ko sa'yong mahal ko pa din si Pierre!?" sinikap niyang hindi tumaas ang boses niya pero dahil sa galit na nararamdaman niya sa sinabi nito ay tumaas na ang kanyang boses.

Nakita niya ang pagbabago ng emosyon ni Alex.

"No, Sam..." malumanay na sabi nito.

"...may narinig ka ba sa akin noong nalaman kong nakabuntis ka? May narinig ka ba sa akin noong mas inuuna mo si Angela kesa sa akin, may narinig ka ba noong nakalimutan mo ang usapan natin, may narinig ka ba noong nakalimutan mo ang birthday ko. Wala naman diba? Wala akong sinasabi sa'yo dahil ayokong mapahamak ang mag-ina mo kapag binalewala mo sila, sinarili ko ang sakit dahil ayokong maging selfish" tumigil siya sa pagsasalita para bumuntong hininga dahil hindi na niya ma-kontrol ang nararamdaman niya. "...kaya wag mong sabihin sa akin na hindi ako nag-iisip kasi bago ako magdesisyon iniisip ko muna ang mga tao sa paligid ko. Hindi mo alam kasi hindi na ako ang priority mo"

Ayaw niya itong sumbatan, ayaw niyang ibalik ang nakaraan nila bilang magkarelasyon pero hindi niya napigilan ang sarili niya, pakiramdam niya ay mas gagaan ang nararamdaman niya kapag siya mismo ang nagsabi kay Alex ng totoong nararamdaman niya.

"Sam, hindi naman..."

"Tama na Alex, siguro kaya tayo naging magkapatid para hindi na natin masaktan pa ang isa't isa, siguro para mas madali nating matanggap ang sitwasyon natin"

"Sam, please..."

Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito kaya ayaw niya itong bigyan ng pagkakataon na magsalita dahil baka bumigay na naman ang puso niya sa mga sasabihin nito.

"I think let's be formal starting today na magkapatid tayo at bilang magkapatid, we should support each other, I will support you sa relationship niyo ni Angela and please support me sa relationship namin ni Pierre" nakayukong sabi niya.

Hindi niya ito kayang tingnan habang pinapaubaya niya ito sa ibang babae.

Narinig niya ang pagtawa nito. "So, ganoon na lang kadali sa'yo ang lahat Sam, ganoon na lang kadali sa'yo ngayon ang ipamigay ako sa iba? Mas napatunayan ko na mas mahal mo talaga si Pierre kesa sa akin. Siguro tama ka, tama ka na mula ngayon ay magturingan na lang tayo bilang magkapatid. Don't worry aalagaan ko ng husto si Angela, ipaparamdam ko sa kanya kung paano ako magmahal ng totoo and yes..." nakita niya ang pag ngisi nito ang balingan niya ito. "...yes my dear sister, susuportahan ko kayo ni Pierre kung yan ang gusto mo" sabi nito at agad na lumabas ng kanyang silid.

Hindi na niya napigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala, mabuti na lang at nakisama ang mga luha niya na hintayin munang makaalis si Alex. 

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now