Chapter 6

1 0 0
                                    

KINABUKASAN AY MAAGANG umalis si Samantha at Alex dahil pupunta sila sa bahay ampunan para magtanong tanong tungkol sa Tatay niya. Sinabi niya na kay Alex ang balak niyang paghahanap sa kanyang tunay na ama at suportado din naman ang kanyang kasintahan sa gusto niya.

Kasabay nilang nag-agahan si Angela, napagkasunduan na sa mansyon muna ito titira hanggang sa makapanganak ito at tsaka na lang paguusapan ang mangyayari pagkapanganak nito. Wala namang problema sa kanya ang napag-usapan ng mga ito dahil iniisip pa din niya ang bata.

Medyo naiilang man siya kay Angela ay hindi niya iyon pinapahalata dahil ayaw niyang maapektuhan si Alex. Ayaw niyang mahirap ito sa kanilang dalawa.

"Are you sure ayaw mo munang matulog Baby Girl?" tanong ni Alex habang nagmamaneho.

Umiling iling naman siya. "No, hindi naman ako inaantok"

"You are not sleepy pero ang halatang puyat na puyat ka na. Did you dream again?" nag-aalalang tanong nito.

"Yes, same dream na naman".

Palaisipan pa din sa kanya kung bakit paulit-ulit niyang napapanaginipan na mayroong humahabol at tumatawag sa kanya, pero hindi niya alam kung sino iyon at saang lugar iyon. At lalong hindi niya alam kung makakatulong ba ang paghahanap niya sa kanyang tunay na ama para maliwanagan siya sa panaginip na iyon.

Magtatanghali na nang makarating sila sa bahay ampunan at tulad ng dati ay may dala din silang pagkain hindi nga lang marami dahil biglaan lang din naman ang punta nila dito at sa isang linggo pa talaga ang feeding program nila. Malapit sa kanya ang bahay ampunan na ito dahil ang ina niya ang nagpatayo dito at halos dito na din siya lumaki kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Hi Ate Samantha" salubong ng mga bata sa kanya pagbaba niya ng sasakyan.

"Napaaga ata ang punta niyo dito Samantha, hindi ba next week pa ang schedule niyo?" tanong sa kanya ni Manang Mely ang kasalukuyang namumuno sa bahay ampunan.

"Babalik po kami next week Manang Mely, meron lang po akong sadya pero bago po yun bigay po muna namin yung dala naming pagkain" nakangiting sagot niya.

"Oh siya sige, tulungan ko na kayo diyan, tamang tama din dahil naghahanda na din kami ng pananghalian" sabi ni Manang Mely.

Sumabay na sila sa tanghalian ng mga bata dahil niyaya na din sila ni Manang Mely at nakausap muli niya ang mga bata dahil halos isa't kalahating buwan siyang hindi nakadalaw sa bahay ampunan.

"Kamusta ka Abbie?" tanong niya sa batang sobrang malapit sa kanya.

"Okay lang po Ate Samantha, akala ko po hindi mo na ako dadalawin e" nahihiyang sabi ng bata.

"Of course not, naging busy lang si Ate kaya ngayon na lang uli ako nakadalaw"

"Naku Ate Samantha, ilang gabing nag-iiyak yan dahil akala niya iniwan mo na din siya. Sabi ko sa kanya na may ginagawa ka lang e" sabat naman ni Angelo, ang nakakatandang kapatid ni Abbie.

"Sorry Abbie, sige dadalasan ko na ang pagdalaw ko dito, okay ba yun?" nakangiting sabi niya dito.

"Talaga Ate?"

"Yes Abbie, basta ipangako mo sa akin na magiging brave ka na"

"Yes po Ate, magiging brave na po ako" masiglang sabi nito.

——————

"MANAG MELY, HINDI po ba kilala niyo ang Nanay ko?" tanong ni Samantha nang makapagsarili na sila ni Manang Mely.

Nang bumalik ang alaala niya ay nalaman niya na malaki ang bahagi ng buhay niya ay dito sa bahay ampunan dahil parang dito na din siya lumaki dahil lagi siyang sinasama ng kanyang ina dito lalo na noong ginagawa pa ang bahay ampunan.

"Si Susan? Kilalang kilala ko siya. Napakabait ng Nanay mo" nakangiting sagot nito.

Napangiti siya dahil sa narinig niya at totoo ang sinabi nito na mabait ang kanyang ina. "Kilala niyo din po ba ang Tatay ko?" kasunod na tanong niya.

Bumuntong hininga ito at halata ang pagkabigla dahil sa tanong niya. "Alam ko lang ang pangalan niya pero hindi ko alam kung taga-saan siya. Ayaw magkwento ni Susan ng kahit ano tungkol sa kanya, nadulas lang ito nang mabanggit niya ang pangalan ng Tatay mo"

"Ano pong pangalan niya?"

"Abel ang pangalan niya. Walang nakakaalam sa amin kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa dahil noong pinapatayo niya na ang bahay ampunan na 'to ay dalawa na lang kayong magkasama noon" mahabang sagot nito.

Napabuntong hininga siya.

"I'm sorry Samantha kung hindi kita natulungan sa sadya mo dito, hindi talaga makwento ang Nanay Susan mo kaya walang nakakaalam tungkol sa Tatay mo" sabi ni Manang Mely nang mapansin nito na hindi siya magsasalita.

"Okay lang po Manang Mely, nagbabakasakali lang po ako" nakangiting sabi niya dito kahit na ang totoo ay para siyang nawalan ng pag-asa.

"Hayaan mo subukan kong magtanong sa mga dati naming kasamahan dito baka merong nasabi sa kanila si Susan at ipapaalam ko agad sa'yo"

Ngumiti siya dahil sa sinabi ni Mang Mely. "Thank you po"

——————

GABI NA NANG makabalik sila sa mansyon dahil nanatili pa sila doon ng ilang oras para makipaglaro sa mga bata.

"Kamusta ang lakad niyo?" tanong ng kanilang ama na naabutan nila sa sala.

Tumabi siya sa kanyang ama at bumuntong hininga. "Nalaman ko ang pangalan ni Tatay pero wala na akong nalaman na iba pa" malungkot na sagot niya.

Tumabi din si Alex sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Don't worry hindi tayo hihinto hangga't hindi natin nahahanap ang Tatay mo" sabi nito sa kanya at hinalikan ang kanyang kamay, nginitian naman niya ito.

"Dad, wala bang nabanggit si Nanay sa'yo?"

Sasagot na sana ang ito nang bigla silang nakarinig ng sigaw.

"Ahh!"

Nakita nila si Angela na lumabas ng silid na kasalukuyang tinutuluyan nito.

"Alex, I'm bleeding" sabi nito.

Nagulat siya nang bigla siyang bitawan ni Alex at patakbong lumapit kay Angela. Inalalayan niya ito at nagtawag ng kasamahan nila para ipahanda ang sasakyan. Agad ding lumapit ang kanilang ama sa dalawa at kitang kita niya ang pag-aalala nito kay Angela.

Bigla siyang nakaramdam ng lungkot nang nawala sa paningin niya si Alex ng hindi man lang siya nilingon. Alam niyang dapat niyang intindihin si Alex dahil bata ang nakasalalay sa nangyari kay Angela pero natatakot siya na araw-araw niyang maramdaman ang pag-iwan sa kanyang ni Alex. At nasasaktan siya nang makita niya ang paghawak ni Alex kay Angela.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now