Chapter 24

1 0 0
                                    

NATAPOS SILA NG ala-una y medya ng hapon at dahil hindi na sila nakapagluto ay bumili na lang sila ng makakain nila sa tindahan. Si Pierre na ang nag-prisinta na bumili ng pagkain para daw makapagpahinga sila ng kanyang ama. Aminado naman siya na ramdam niya ang pagod sa maghapong pagtatahi pero ano na lang ang pagod ni Pierre dahil ito din ang unang nanahi sa kanilang tatlo.

Habang hinihintay si Pierre ay nag-ayos na din siya ng lamesa para kakain nalang sila pagdating nito, dahil meron silang rice cooker ay nakapagluto pa din sila ng kanin.

Agad silang kumain pagdating ni Pierre.

Nagpahinga lang din sila ng ilang minuto bago sila umalis, gusto sanang sumama ng kanyang ama pero hindi na sila pumayag para makapagpahinga ito.

"Matulog ka na kaya muna Samantha para makabawi ka ng pahinga" sabi ni Pierre habang nagmamaneho.

Umiling iling siya. "I'm okay Pierre, sa ating dalawa ikaw ang mas pagod no"

"Wala ang pagod ko basta matulungan lang kayo" nakangiting sabi nito.

Nginitian niya din ito "Baka sa sobrang bait mo sa akin baka mahiya na akong gumawa ng kasalanan sa'yo" pang-aasar niya dito.

"E di mas okay yun para bawing bawi na ako sa mga pinaggagawa ko sa'yo" seryosong sabi nito.

Napabuntong hininga na lang siya at binalingan ito ng tingin.

"What?" kunot noong tanong nito.

"May tatanong ako pero hindi ko alam kung tamang itanong ko" nag-aalangan niyang sagot.

"Just ask me" nakangiting sabi nito.

Muli siyang bumuntong hininga. "Bakit mo ako sinasaktan dati?" naiilang na tanong niya.

Nakita niya ang gulat dito at napalunok pa ito.

Nakita niya ang pagbuntong hininga nito bago sumagot. "Mahal na mahal kita Samantha at alam kong nararamdaman mo iyon" seryosong sabi nito. "Totoong ayaw kong may lumapit sa'yo, kahit lamok..." natatawang sabi nito. "...pero nang malaman ko ang tungkol kay Tito Tonny parang na brainwash ako ni Mommy at sa tuwing nakikita kita parang si Tita Renalyn na ang nakikita ko, kaya nasasaktan kita"

Ang kanyang Daddy Tonny ang tinuturong dahilan ng ina ni Pierre kung bakit namatay ang Tita Renalyn nito, pero itinatanggi naman iyon ng kanyang Daddy Tonny.

"Bakit mo naman ako niloko at yung tungkol kay Aivee?" isa pang tanong na matagal na niyang gustong malaman.

Nakita niya ang lungkot sa mukha nito. "Totoo ang sinabi ni Aivee na naging mapaghanap ako dahil hindi mo ako pinagbibigyan..." bahagya itong napangiti. "...ang tanga ko lang na hindi man lang ako naghintay sa'yo" nararamdaman niya na ang pagiging emosyonal nito.

Hinawakan niya ang braso nito na ikinagulat nito. "Curious lang ako sa sagot mo..." nakangiting sabi niya. "...pero wala ng ibig sabihin sa akin iyon"

"Pero gusto kong makalimutan mo lahat ng sakit..."

Pinaningkitan niya ito ng mata. "Pierre, from now on pwede bang kalimutan na natin ang nangyari? Hindi tayo makaka-move on niyan kapag nasa past pa din tayo" seryosong sabi niya.

"Okay fine, gusto ko lang naman talagang makabawi e. Gusto ko lang isipin mismo ng sarili ko na nakabawi na ako sa'yo"

"Basta, hindi na natin pag-uusapan yun ha?" paniniguradong tanong niya dito.

"Yes po Ma'am" pang-aasar nito sa kanya.

Ala-singko na ng hapon nang makarating sila sa Poblacion dahil hindi din biro ang trapik na nadaanan nila. Agad nilang hinanap ang address na binigay sa kanila ng kanyang ama at tumawag din siya sa kausap nito para lang makasigurado na tama ang pinuntahan nila.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora