Chapter 75

1 0 0
                                    

AGAD NA ITINIGIL ni Samantha ang kanyang sasakyan nang makatanggap ng mensahe mula kay Elma. Noong nakipagkamay siya dito noong nasa bahay ampunan sila ay iniipit niya ang isang maliit na papel at nakalagay ang kanyang numero.

Sa halip na sumagot sa pamamagitan ng mensahe ay agad niyang itong tinawagan.

"How are you Elma?" agad na tanong niya nang sumagot ito.

"Sam, sorry ngayon lang ako nakapag-text sa'yo, ngayon lang ako nakauwi ng bahay. Dinala uli nila ako sa warehouse"

"Pinahirapan ka ba nila? May ginawa ba sila sa'yo?" sunod sunod na tanong niya.

Habang kausap niya si Elma ay kinuha niya ang kanyang laptop para buksan ang access sa CCTV ng bahay ni Elma, gusto niyang malaman kung totoong nasa bahay na ito, kailangan niyang masigurado na hindi ginagamit ng mga ito si Elma.

Bago siyang tuluyang umalis noon sa bahay ni Elma ay tumawag siya ng kakilala niya para palagyan ng CCTV ang bahay at ang paligid nito.

"Hindi Sam, maayos ako, pero kailangan ko daw gumawa ng paraan na mahanap ang dalawang bata. Bumalik balik ako sa bahay ampunan para makausap si Manang Mely, nagmamakaawa na baka pwedeng makausap ang taong umampon sa dalawa pero wala ding magawa si Manang Mely"

Nagulat siya nang makita niya ang CCTV, nandoon si Elma habang kasama ang pamilyar na lalaki at may nakatutok na baril kay Elma.

Shit!

"Sam?"

"Sinusubukan ko din pakiuusapan si Manang pero kahit sa akin ayaw niyang sabihin kaya wala din akong magawa pero pupunta uli ako dun bukas, kung gusto mo dalawa tayong pumunta?"

Mula sa CCTV ay nakita niyang tumingin ito sa lalaki at tumango naman ang lalaki dito. "Sige Sam, sama ako sayo pero hindi dapat nila mahalata na magkasama tayo"

"Pwede akong mauna tapos sabihan kita kapag malapit na ako para magmukang magkasunuran lang tayo"

"Okay Sam, sabihan mo na lang ako"

"Mga 3PM siguro ako pupunta doon"

"Okay, asahan ko ang message mo"

Tumango tango siya kahit hindi naman siya nakikita nito. "Mag iingat ka Elma" makahulugang sabi niya dito.

"Thank you Sam"

Ibinaba na agad niya ang tawag pero nakatingin pa din siya sa CCTV at ganoon na lang ang gulat niya nang makita niya kung paano ito sinampal ng lalaki. Halos manginig ang buong katawan niya dahil sa nakita niya, nagtatangis ang kanyang panga dahil sa galit.

Agad niyang kinuha ang isa niyang selpon at may tinawagan na isang kaibigan. "Hanapin niyo ang taong yan ngayon din at siguraduhin niyo na aalisin niyo siya sa lugar na iyan. Tsaka niyo na ipaliwanag kong ano ang nangyayari, sabihin niyo na nasa panganib ang buhay niya. Kunin niyo ang phone niya at patayin"

Napabuntong hininga na lang siya pagkababa ng tawag.

"Ano ba itong pinasok ko" natatawang sabi niya sa sarili niya. "Dahil ba hindi ko na alam kung ano ang magpapasaya sa akin kaya naghahanap na lang ako ng ikakapahamak ko?" muli siyang bumuntong hininga.

I need you Pierre.

Napasandal siya sa kanyang upuan at nagpahinga ng ilang minuto bago tuluyang magmaneho.



RAMDAM NIYA ANG pagod dahil sa byahe niya at sa kakaisip kong paano maililigtas si Elma. Pagdating niya sa mansyon ay nagpahinga muna siya ng ilang minuto sa kanyang sasakyan bago tuluyang bumaba dahil baka madala niya ang pagod niya sa loob ng mansyon.

Nang maramdaman niyang maayos na siya ay umakyat na siya ng mansyon. Sa labas pa lang ay naririnig niya na ang ingay sa loob ng mansyon kaya nagmadali siyang pumasok.

At ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Angela na sinasaktan ang dalawang bata, sakto din na pababa ng hagdan ang kanyang ama, Alex, at si Loisa. Ganoon din si Manang Letty at ilang kasamahan sa bahay mula sa kusina.

Agad siyang tumakbo sa dalawang bata, hinila ang mga ito at iniharang ang katawan niya mula kay Angela.

"Anong ginagawa mo?" galit na tanong niya kay Angela.

"Yang mga batang yan, sa sobrang kulit nadulas ako sa hagdan. Paano kung napahamak ako"

Naramdaman niya na ang paglapit ng mga tao sa kanila at nakita niya ang paghawak ni Alex kay Angela.

"Ate Sam, hindi po totoo yun" naiiyak na sabi ni Abbie mula sa likuran niya.

Hinarap niya ang mga ito at lumuhod para pumantay sa dalawa. "Ano ba ang nangyari?" malumanay na tanong niya.

"Naglalaro kami dito ni Abbie sa sala, tapos nakita namin siya na pababa ng hagdan, may kausap siya sa phone niya tapos bigla siyang nadulas, nilapitan namin siya para tulungan pero nagalit siya sa amin at sinabi na kasalanan daw namin hanggang sa pinagpapalo palo kami" si Angelo ang sumagot.

"Aba! Napakasinungaling niyong mga bata. Ayan ba ang tinuturo mo sa kanila ha" pagalit na sabi ni Angela.

Akmang hahablutin nito si Angelo nang hawakan niya ang kamay nito at pabatong hinawi. Tumayo siya at hinarap si Angela. "Kung nasaktan mo ako dati, hinding hindi ako papayag na saktan mo ang mga kapatid ko" may diin na sabi niya.

"Kaya dinala mo yung dalawang yan dito para may pagkaguluhan uli ang mga tao dito dahil lahat sila nasa akin ang atensyon, naiingit ka dahil wala na sayo ang atensyon nila kaya gumagawa ka ng paraan para maagaw mo uli ang atensyon nila"

Napakunot noo siya dahil sa sinabi nito. "Alam mo baliw ka na, wala akong pakiilam kung wala ang atensyon nilang lahat sa akin, dahil hindi ako katulad mo na nagpapanggap para lang mabigyan ng atensyon and for your information..." tumingin siya ng deretso kay Alex. "...matagal na akong sanay na wala ang atensyon ng mga taong mahalaga sa akin..." nakita niya ang pagtangis ng panga ni Alex at muli siyang tumingin kay Angela. "...sayong sayo na ang atensyon ng lahat dahil kaya kong mag isa" pagtatapos niya at akmang tatalikod na nang bigla siyang hawakan ni Angela sa kaliwang braso niya dahilan na pagharap niya muli dito.

"Wag na wag mo akong tatalikuran dahil hindi pa tayo tapos..."

Akmang sasampalin siya nito pero napigilan niya ito at sa halip ay ito ang sumampal niya, isang malakas na sampal na ikinagulat ng lahat.

"Hindi na ako papayag na saktan mo uli ako lalong lalo na ang mga kapatid ko, may CCTV dito kaya oras na marevirew ko iyon at malamang nagsisinungaling ka makikilala mo kung sino talaga ako..."

"SAM!" nagulat siya sa pagsigaw ni Alex.

"WHAT ALEX?" sinabayan niya ang lakas ng boses ni Alex na ikinagulat nito.

"Enough, your too much" mas malumanay na sabi nito dahil siguro hindi nito inaasahan ang pagsigaw niya.

Ngumisi siya dito. "Really Alex?" nakataas kilay na tanong niya. "Hanggang diyan ka na lang ba? Maging sunod sunuran sa babaeng yan? Sigurado ka bang kilala mo talaga yan? Kilala kita Alex, marunong kang gumamit ng utak mo. Pero ngayon, asan ang utak mo at parang hindi mo alam kung ano ang pinaggagawa ng babaeng yan at halata namang nagsisinungaling lang yan"

"Walang hiya ka..."

Muli niyang sinampal si Angela. "I told you, hindi na ako papayag na saktan mo ako"

Agad siyang tumalikod at inalalayana ang dalawang bata papunta sa kanyang silid. Narinig niya pa ang pagsigaw ni Angela pero hindi niya na ito hinarap pa.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now