Chapter 50

1 0 0
                                    

TATLONG ARAW NANG pinaglalamayan si Tatay Abel at tatlong araw na ding hindi nagpapahinga si Samantha. Alalang-alala na si Pierre dito dahil sa kinikilos nito, hindi umiiyak, bihirang makipag-usap, hindi natutulog, at bihira ding kumain.

Nang dumating siya sa ospital pagkatapos ng meeting niya ay naabutan niya si Samantha na nakatulala sa sofa habang kinukuha ang bangkay ni Tatay Abel. Kitang kitang niya ang pamamaga ng mata nito dahil sa pag-iyak, dahil alam niyang hindi niya pa ito makakausap ng maayos ay nagpasya siyang kausapin ang doktor para malaman kung ano ang nangyari habang wala siya.

Nalaman niya na malala na pala si Tatay Abel at inatake uli ito ng hika noong mag-isa lang ito sa ospital, iyon yung araw na inutusan nito si Samantha na kunin ang bag. Huli na ng nalaman ng doktor ang pag-atake ng hika ni Tatay Abel hanggang sa hindi na nito kinaya ang paghinga kahit may aparatus ito.

Pagbalik niya sa silid ay inayos niya ang mga gamit, inayos na din niya ang bayarin sa ospital, inalalayan niya si Samantha tumayo para makauwi sila ng bahay, hindi naman ito tumanggi at nagpatianod na lang sa kanya.

Siya na din ang nag-asikaso sa morge at mga papel na kailangan asikasuhin dahil alam niyang hindi maasahan ngayon si Samantha. Iniwan niya ito sa bahay para makapagpahinga pero ganoon na lang ang gulat niya nang makita ito na nasa ganoong posisyon pa din nang iwan niya ito.

Hanggang ngayon ay wala pa din itong lakas na magkikilos kaya siya ang abala sa mga bisita nila, buti na lang ay nandoon si Loisa, Rebecca, at Andres para tulungan siya.

Mas pinili ni Samantha na sa bahay ang lamay pero ililibing ito sa katabi ng puntod ng ina nito, siya na din ang nag-asikaso ng mga dokumento para sa pagpapalibing.

"Hindi pa din ba kumakain si Sam?" tanong ni Loisa sa kanya nang tumabi ito sa kanya na kasama si Rebecca.

Si Loisa at Rebecca ang nagbibigay ng mga pagkain sa mga nakikiburol at si Andres naman ang sumasalubong sa mga dumadating dahil pinipigilan nila na may lumapit kay Samantha dahil baka bigla itong magwala.

Umiling iling siya. "Hindi pa din, ako na bahalang magyaya sa kanya"

"Ikaw lang ang maasahan namin ngayon Pierre" sabi ni Rebecca na ikinagulat niya dahil alam niyang hindi pa siya nito napapatawad sa mga nagawa niya dati.

Sa ngayon ay walang pinapakinggan si Samantha kundi siya, kahit na mga piling tanong lang ang sinasagot nito. Hinihintay nila si Tito Tonny, nagbabakasali na makinig ito dito pero dahil out of town ay ngayong gabi pa lang ito darating.

"Naaawa na ako sa kanya" malungkot na sabi ni Loisa habang nakatingin kay Samantha.

Mula nang dumating ang bangkay ni Tatay Abel sa bahay ay nakaupo lang si Samantha sa unahan at nakatitig lang ito sa kabaong ni Tatay ni Abel. Paminsan minsan lang umaalis kapag kailangan nitong magbanyo.

"Pipilitin ko siyang kumain mamaya" sabi niya. "Hindi ba pupunta si Alex?" baling niya kay Loisa.

Labag man sa loob niya na nandoon si Alex ay tila iyon ang kailangan para sa ikabubuti ni Samantha, nagbabakasakali na makinig ito kay Alex.

Umiling iling si Loisa. "Hindi ko alam Pierre, ayaw atang payagan ni Angela"

Napabuntong hininga siya. "Nagseselos pa din ba siya kay Sam?"

Tumango tango ito. "Yeah, naiintindihan ko naman si Angela dahil kitang kita pa din kay Alex na may nararamdaman pa siya kay Samantha"

"I know, kahit ako nakikita ko iyon kay Alex..." muli niyang binalingan si Samantha. "...buti na lang si Sam ay nilalabanan ang nararamdaman niya para kay Alex"

"Ginagawa niya ang lahat para tulungan si Tito Tonny"

Magsasalita pa sana siya nang biglang dumating si Tito Tonny at agad namang nagpaalam sa kanila si Loisa at Rebecca.

"Pierre" bati nito sa kanya.

"Tito" maikling sagot niya.

"How is she?"

Tinuro niya si Samantha. "She's so devestated Tito, ayaw kumain, ayaw matulog, andyan lang siya, paminsan minsan lang siya nakikipag-usap"

"Tatlong araw na siyang walang tulog?" gulat na tanong nito.

"4 days Tito, mula pa nang nasa ospital siya" malungkot na sagot niya.

Hinawakan siya ni Tito Tonny sa kanyang balikat at dahan dahan na lumapit kay Samantha, sumunod naman siya dito pero nasa likod lang siya nito.

"Sam, anak..." malumanay na tawag ni Tito Tonny kay Samantha, tumabi ito dito. "...pwede mo ba akong sabayan kumain?"

"Hindi po ako nagugutom" walang emosyon na sagot nito. Hindi man lang nito nilingon ang ama nito.

"Pero hindi ka pa kumakain"

"Hindi ako nagugutom" sagot uli nito na walang kabuhay buhay sa pagsasalita.

"Okay, pero mamaya kakain ka ha?" mahinanong sabi ni Tito Tonny.

"Kapag nagutom ako"

"Sam, wag mong pabayaan ang sarili mo, please? Para sa akin" nakikiusap na sabi nito.

"Hindi ko pinababayaan ang sarili ko Dad, I just want to be alone"

"But we are worried..."

"No reason to be worried Dad" putol ni Samantha sa sasabihin ng ama nito.

Nakita niya ang pagbuntong hininga ni Tito Tonny.

Nagkatinginan silang dalawa tanda na wala din itong magawa. Hinawakan nito sa balikat si Samantha tsaka tumayo at lumapit sa kabaong para silipin ang labi ni Tatay Abel.

Tumayo na din siya para salubingin si Tito Tonny nang makita niyang tapos na ito sa pagsilip sa labi ni Tatay Abel.

"Hindi ba makakapunta si Alex? Baka sakaling makinig si Samantha sa kanya" tanong niya dito.

"Hindi ako sigurado dahil laging nag-aaway ang dalawa, masyadong selosa si Angela kay Samantha kahit na alam niyang magkapatid ang dalawa" nakita niya na para itong problemado dahil sa dalawa.

"Hindi pwedeng laging ganyan si Sam, dahil kalusugan niya ang magsa-suffer"

"Don't worry I'll talk to them" bahagya itong ngumiti sa kanya

"Thank you Tito, hindi ko kayang makitang ganyan si Samantha, ako ang nasasaktan" seryosong sabi niya habang nakatingin kay Samantha.

Naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang balikat. "Thank you for being with her Pierre"

Bahagya siyang ngumiti. "It's nothing Tito, alam mo po na importante siya sa akin"

Nakita niya ang pagtango tango nito. "I know Pierre, I know" sabi nito.

Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala kung gaano siya pagkatiwalaan ni Tito Tonny pagdating kay Samantha hindi tulad dati na kahit anong gawin niya ay parang wala lang siya para dito. 

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now