Chapter 70

1 0 0
                                    

"HALOS ISANG LINGGO ko hinanap si Lilibeth, ilang beses akong pumunta sa bahay ni Mang Abel, nagbabakasakali na alam niya kung nasaan ang anak niya pero wala. Pinuntahan ko din ang pamilya ni Lily sa Novaliches pero wala din akong nakitang Lilibeth doon, halos ilang araw akong nagmasid doon para lang malaman kung sakaling tinatago lang nila si Lilibeth pero wala pa din. Nang bumalik ako sa warehouse kung nasaan si Lily ay naabutan ko itong umiiyak at yakap ang sarili. Wala pa din itong saplot. Dahan dahan akong lumapit sa kanya para pakalmahin siya at doon ko lang nakita na may mga pasa siya sa buong katawan niya, nakakaawa ang kalagayan ni Lily. Tinawag ko siya sa pangalan niya pero parang lalo siyang natakot, lalo siyang umiyak. Ang alam ko kaming dalawa lang ni Lily ang nasa warehouse dahil umalis din ang lalaki para hanapin si Lilibeth dahil dalawa kaming naghahanap"

Napabuntong hininga ito bago muling itinuloy ang kwento. "Sinabi ko sa kanya na kilala ko si Mang Abel at si Lilibeth, kinuwento ko kung paano ko sila nakilala at sinabi ko din sa kanya kung ano ang pinapagawa ng lalaki sa akin. Doon lang siya tumingin sa akin, tinitingnan niya ako na parang sinusugarado kung mapagkakatiwalaan ba ako. Nakita ko na daw ba si Lilibeth, ano daw ang gagawin ko sa anak niya, sunod sunod na tanong niya. Sinabi kong hindi ko alam kung ano ang gagawin nila kay Lilibeth pero pinapahanap siya ng lalaki. Muli na naman siyang umiyak. Niyakap ko siya para iparadam sa kanya na hindi ako masamang tao. Humagulgol siya ng iyak, hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap dahil hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak para mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman niya. Hanggang sa nagsimula siyang magsalita uli. Sinabi niya sa akin kung nasaan ang anak niya at kailangan niya ng tulong ko"

"Siya ang nagsabi sa'yo?" nagtatakang tanong niya.

Bahagya siyang ngumiti. "Naramdaman niya daw na mabuti akong tao kaya sa akin niya pinapaubaya ang anak niya. Dinala daw niya sa isang bahay ampunan ang anak niya at nakiusap siya sa akin kung pwede na ako ang magbantay sa anak niya habang nasa bahay ampunan sila, binago niya ang pangalan ng anak niya para hindi sila mahanap. Gagawin niya daw ang lahat para maging ligtas ang anak niya pero kailangan niya daw na may mabilinan kung nasaan sila para mapanatag siya lalo na't hindi niya alam kung hanggang kailan siya sa lugar na iyon. Kung kailangan niya magpanggap na nababaliw ay gagawin niya..."

"What? Nagpapanggap lang na baliw si Lily?" gulat na tanong niya.

Tumango tango ito. "Iyon daw ang gagawin niya para lang maprotektahan ang anak niya"

"Pinadala namin siya sa isang center para ipagamot"

Nakita niya ang pagkunot noo ni Elma na parang naguguluhan sa nangyayari. "Ibig sabihin nagpapanggap pa din siya o baka natuluyan na siya" hindi niya alam kung tanong ba iyon para sa kanya o sadyang napalakas ang iniisip nito.

"What do you mean?"

"Bago kami magkahiwalay ay nakita ko pa kung paano siya bugbugin at pahirapan ng lalaki, may mga dugo na akong nakita dahil sa mga sugat niya lalo sa likod dahil sa pag latigo ng lalaki at kahit hirap na hirap na ang katawan niya ay pinagsasamantalahan pa din siya ng lalaki" nakita niya ang galit sa mata nito. "Nagpanggap ako na walang pakiilam sa kanya dahil iyon ang gusto ni Lily, sa tuwing nagtatangka akong tumayo mula sa upuan ko ay tinitingnan niya ako ng masama kaya wala akong magawa kundi tingnan ang paghihirap niya" hindi na nito napigilan ang luha kaya hinayaan niya lang itong lumuha muna.

Nang mahimasmasan ay muli itong nagsalita. "Halos dalawang buwan pa akong naghanap kay Lilibeth at dalawang buwan ko pang nakita ang paghihirap ni Lily, hindi ko pa din pinupuntahan ang ampunan na sinabi niya dahil alam kong sinusundan ako ng lalaki para alamin kung may ginagawa akong iba, kaya tulad ng sinabi ni Lily ay sinusunod ko lang ang gusto ng lalaki. Kung saan saan ako naghanap, kung saan saan ako nagtanong. Hanggang sa ika-tatlong buwan ko sa warehouse ay kinausap ako ng lalaki at sinabing ihinto na ang paghahanap. Nakaramdam ako ng kaba nang marinig ko iyon dahil akala ko ay nahanap na nila si Lilibeth, pero sinabi lang ng lalaki na iba na ang maghahanap. Mas nakaramdam din ako ng kaba dahil pakiramdam ko ay maaari na nila akong patayin dahil wala na akong gagawin. Pero pinaalis niya ako, sinabi niya na kakailanganin niya pa din ako sa takdang oras at wag na wag daw akong magsusumbong dahil si Lily ang mapapahamak, kahit daw hindi ko kaano ano si Lily ay papatayin daw nila ito kapag may ginawa akong hindi maganda at ako ang ituturo nilang killer. Tinanong ko sila kung ano ang gagawin ko, sinabi lang nila na mamuhay ako ng tulad ng dati"

Muling bumuntong hininga si Elma. "Isang buwan muna akong namasukan bilang tindera para lang ipakita sa kanya na normal lahat ng galaw ko dahil alam kong nakasunod pa din siya sa akin. Alam niya kung saan ako nakatira, alam niya kung sino ang pamilya ko kaya kailangan kong mag ingat dahil dalawa na lang kami ng kapatid ko sa buhay at ayokong pati siya ay mapahamak. Pagkalipas ng isang buwan ay doon na ako nagdesisyon na pumasok sa bahay ampunan bilang Admin para gawin ang hiling ni Lily, madali naman akong nakapasok dahil naghahanap din talaga sila ng staff. Doon ko muling nakita si Lilibeth kasama ang kapatid niya..." ngumiti ito, isang magandang ngiti. "...masigla siya, masayang nakikipagkwentuhan sa mga bata pero naging iyakin ito, hindi niya ata makalimutan ang kanyang ina kaya madalas na umiiyak"

Gustong gusto na niyang malaman kung sino ang kapatid niya pero nakikita niya na marami pang gustong sabihin si Elma.

"Halos isang taon akong nag stay sa ampunan para mabantayan si Lilibeth, hanggang sa makita ko na naman ang lalaking lumapit sa akin dati, nakamasid sa bahay kung saan ako umuuwi, sa tuwing lumalapit ako sa kanya ay bigla siyang umaalis hindi ko alam kung may ipapagawa na ba uli siya sa akin o baka alam niya na kung nasaan si Lilibeth, halos isang linggo kong pinagmasdan ang galaw niya hanggang sa nakita ko din siya sa labas ng bahay ampunan kaya bigla akong nag resign dahil ayokong makita niya si Lilibeth.

Isang buwan pagkatapos kong magresign ay hindi pa din ako nilalapitan ng lalaki, madalas ko pa din siyang nakikita sa labas ng bahay pero wala naman siyang ginagawa kaya nagpasya akong mag probinsya muna. Tumira ako sa Bohol para malayo kay Lilibeth, halos dalawang taon ako doon at naging maayos ang buhay ko. Pero hindi pa din ako tahimik dahil nakakatanggap pa din ako ng mga litrato ni Lily, isang paalala na hawak pa din nila ako. Hanggang nakatanggap ako ng mensahe noong isang buwan mula sa lalaki na kailangan ko ng bumalik sa Manila. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ako pinababalik" nakangiting sabi niya na pinagtakahan niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ibig sabihin hindi pa din nila nahahanap si Lilibeth at kailangan na nilang magmadali dahil may naghahanap na sa bata at ikaw iyon"

"Nila? Hindi ba't yung lalaki lang ang kausap mo?"

Umiling iling ito. "Siya lang ang nakikita ko pero madalas siyang may kausap sa phone niya. Hindi ko naririnig kung sino ang kausap niya pero isang beses narinig ko na parang pinapagalitan siya ng kausap niya" sumingkit ang mata nito na parang nag iisip. "Ang pinagtataka ko lang ay yung tungkol kay Lily dahil sabi mo dinala niyo siya sa center pero nakakatanggap pa din ako ng picture sa cellphone ko" sabi nito na pinagtaka niya din.

"Pwede patingin ng pinapadala sa iyo?"

Agad nitong inilabas ang selpon at pinakita ang mga larawan ni Lily. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang mga larawan noong nasa Novaliches pa ito, nakakadena ang mga kamay pero ang paligid ay tila gawa gawa lang para mag mukhang nasa ibang lugar.

Magsasalita na sana siya nang may mapansin silang anino sa bintana at malakas na katok sa pintuan ng bahay ni Elma.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now