Chapter 1

9 0 0
                                    

TAKBO. TAKBO. TAKBO.

Hindi na malaman ni Samantha kung nasaan siya, ang alam lang niya ay takbo lang siya ng takbo dahil may humahabol sa kanya, hindi niya alam kung sino, tinatawag ang pangalan niya pero hindi niya kilala kung kaninong boses iyon, may tumatawag sa paligid niya pero hindi niya alam kung sino ito at kung nasaan ito, wala siyang makitang tao, wala siyang makitang humahabol sa kanya.

Takbo. Takbo. Takbo.

Ilang oras na ba siyang tumatakbo? Gaano na ba kalayo ang narating niya? Bakit pakiramdam niya ay hindi siya umaalis sa lugar kung saan siya tumatakbo. Tumigil siya sa kanyang pagtakbo, tiningnan niya ang paligid, hindi siya pamilyar sa lugar, hindi niya pa nararating ang lugar na'to.

Puno, puno, puro puno, nagtataasang puno lang ang nakikita niya, wala siyang makitang bahay, wala siyang makitang ilaw.

Asan ako?

"Tulong! Daddy!??"

Kahit ang sarili niyang sigaw ay hindi niya marinig, natatakot na siya, parang gusto niya ng umiyak, pero kapag umiyak siya, wala din siyang magagawa.

Naririnig na naman niya ang humahabol sa kanya, tumingin-tingin siya sa likod, pero wala siyang makita, walang tao, pero meron, meron...

Takbo. Takbo. Takbo.

Nang bigla siyang nadapa

——————

NAGISING SI SAMANTHA na hinihingal dahil sa napanaginipan niya, kunuha niya ang lagayan ng tubig na nasa lamesang katabi ng higaan niya para uminom pero wala na pala iyong laman. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang bumaba ng kanyang higaan.

Mula sa silid niya na nasa ikalawang palapag ng mansyon ay dumeretso siya sa kanilang kusina para kumuha ng tubig. Ilang beses na siyang sinabihan ng kanyang ama na maglagay ng refregirator sa kanyang silid dahil lagi siyang nanaginip at para hindi na siya mahirapang kumuha ng tubig pero hindi siya pumayag dahil mas gusto pa din niyang maglakad kung sakaling hindi maganda ang mapanaginipan niya tulad ngayon.

Pagdating niya sa kusina ay agad siyang kumuha ng tubig at uminom, nang maubos ang tubig ay muli siyang kumuha ng tubig para dalhin sa kanyang silid.

Pagbalik niya sa silid, sa halip na humiga ay umupo muna siya sa gilid ng kanyang higaan.

Isang linggo na mula nang bumalik siya sa mansyon. Ang paalam niya sa kanyang ama ay isang taon muna siyang mananatili sa ibang bansa dahil gusto muna niyang mapag-isa pero isang buwan lang ang nilagi niya sa ibang bansa at sinundo pa siya ni Alex na hanggang ngayong ay hindi pa din nila napaguusapan kung ano ang namamagitan sa kanila.

Mula nang bumalik siya sa mansyon ay paulit-ulit na naman niyang napapanaginipan ang pagtakbo niya sa hindi pamilyar na lugar. Ang alam niya ay naalala niya na ang lahat ng nakaraan niya pero hindi niya alam kung bakit niya napapanaginipan ang paulit-ulit na pagtakbo niya.

Ilang minuto pa siyang umupo bago muling bumalik sa kanyang pagtulog.

——————

KINABUKASAN AY MAAGA pa din siyang nagising dahil kailangan niyang pumunta sa kanyang restaurant. Pagdating niya sa kanilang kainan ay nandoon na ang kanyang ama.

"Good morning Dad" nakangiting bati niya at hinalikan pa ito sa pisngi.

"Good morning Hija" balik bati nito sa kanya na abala sa pagbabasa ng magazine.

"Good morning Samantha" bati naman sa kanya ni Manang Letty, ang mayordoma ng kanilang mansyon.

"Good morning Manag Letty" nakangiting bati din niya dito.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now