Chapter 32

1 0 0
                                    

"TATAY, PWEDE BA tayong mag-usap?"

"Ngayon na ba anak?"

"Kung okay lang sa'yo Tatay para wala pa si Pierre"

Dalawang araw na ang nakakaraan mula nang mangyari ang paghabol niya sa kanyang ama at ang aksidenteng nangyari sa kanya, pero hindi pa niya kinakausap ang kanyang ama tungkol doon. Itinago niya ang sugat niya sa braso niya sa pamamagitan ng pagsuot ng mahahabang sleeve kahit na init na init siya.

Nang tumayo ang kanyang ama mula sa pagtatahi nito ay pumasok sila sa kanilang bahay at naupo sa kanilang maliit na sala.

"Ano yun anak?" may kung anong emosyon siyang nakita sa mga mata nito.

Napabuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Tatay, ilang araw ko na kasing napapansin ang pag-alis mo ng alanganing oras, meron po ba kayong pinagkakaabalahan na ibang bagay?"

Napakunot noo siya dahil sa pagngiti nito dahil ang inaasahan niya at maguguglat ito.

"Sabi na nga ba at napapansin mo ako e" nakangiting sabi nito. "Ang totoo Sam, meron lang akong hinahanap" maikling sagot nito.

"Ano ang hinahanap mo Tay?" kunot noong tanong niya.

"May hinahanap akong kamag-anak natin, kailangan ko agad siyang mahanap para pag nawala ako panatag ako na meron kang malalapitan pa bukod sa Daddy Tonny mo" malungkot na sagot nito.

"Anong ibig mong sabihin Tay?"

Bumuntong hininga ito. "Alam naman natin na hindi na ako magtatagal diba? Malala na ang kondisyon ko anak..."

"Tatay, matagal pa ang 6 months at ginagawa natin ang lahat para maging malakas ka uli diba?" putol niya sa sasabihin ng kanyang ama.

Muli itong bumuntong hininga. "Sam, nakikita ko kung paano ka nahihirapan sa paglimot kay Alex, alam kong mahihirapan kang tumira uli sa mansyon kaya gusto kong mahanap ang kapatid ko para pwede kang tumira sa kanya kung sakaling wala na ako" sabi nito sa halip na sagutin ang kanyang tanong.

"Tay, hindi yan..."

"Anak, hindi totoong anim na buwan pa ang ilalagi ko sa mundong 'to dahil ang totoo ay 3 buwan na lang ang meron ako" sabi nito na ikinagulat niya.

"Pero Tay, bakit ka nagsinungaling?" mahina pero may diin niyang tanong sa kanyang ama.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ngayon.

"I'm sorry Sam, hindi ko alam na sasama ka sa akin. Sinabi ko ang anim na buwan para mapanatag ang loob mo na matagal pa ang ilalagi ko sa mundong 'to" malungkot na sabi nito

"Tay, ngayon pa lang tayo bumabawi sa isa't isa, ngayon pa lang tayo nagba-bonding pero ito ang sasabihin mo sa akin?" naiiyak na sabi niya.

"I am sorry Sam, hindi ko lang talaga inaasahan na sasama ka sa akin"

"Tulungan kitang hanapin ang kapatid mo Tay para hindi mo na kailanganin pang mag-isa sa paghahanap" may diin na sabi niya.

Umiling iling naman ang kanyang ama. "Hindi na anak" mahinang sabi niya.

Kumunot noo siya dahil sa pagtanggi nito at nakitaan niya ito ng lungkot sa mga mata nito. "Bakit ayaw mong magpatulong Tay?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi dahil sa ayaw kong magpatulong anak, pero nalaman ko na wala na ang kapatid ko" malungkot na sabi nito.

"Paanong wala Tay?"

"Patay na ang nag-iisa kong kapatid" sabi nito na ikinagulat niya.

Agad siyang tumabi sa kanyang ama at niyakap ito. "I'm sorry Tatay, sorry kung nagdududa ako sa'yo"

Wala siyang narinig na ano mang sagot dito, naramdaman na lang niya ang pagganti ng yakap nito sa kanya.

——————

DALAWANG ARAW NA ang nakakalipas mula nang mag-usap si Samantha at ang kanyang ama at hanggang ngayon ay hindi pa din siya mapakali dahil pakiramdam niya ay meron pa din itong tinatago sa kanya. Dalawang araw na din silang hindi nag-uusap, hindi niya alam kung sino ang umiiwas at bakit kailangan umiwas o siguro dahil ramdam nila sa isa't isa na meron pang sekretong nakaharang sa pagitan nilang dalawa.

Gusto niyang mag-usisa pero nagdadalawang isip siya dahil baka masaktan ang kanyang ama sa pagdududa niya o kaya naman ay baka masaktan siya kung sakaling malaman niyang meron pa nga itong tinatago sa kanya.

"Sam, are you okay?"

"Ow..." gulat na sabi niya. "...yeah, I'm okay" nakangiting sagot niya.

Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Pierre. "Kanina ka pa tulala diyan at kanina pa ako nagkukwento dito" natatawang sabi nito.

Ngumiti siya dito "Sorry Pierre, may iniisip lang ako"

"May problema ba?" tanong nito habang patuloy pa din sa pananahi.

Minsan ay iniisip niya kung paano na-aasikaso ni Pierre ang negosyo nito dahil lagi itong nasa kanila, samantalang dati ay halos doon na ito tumira para lang maayos ang mga kailangan ayusin.

Bumuntong hininga muna siya bago hinarap si Pierre. "Pierre, how's your company?" seryosong tanong niya.

Natigilan ito sa pananahi at binalingan din siya ng tingin. "Okay naman Sam..." nakakunot noong sagot nito na tila nagtataka kung bakit niya iyon tinatanong. "...why?"

"Nagtataka lang ako kung paano mo nama-manage yung business mo while staying here"

Tuluyan na nitong itinigil ang pananahi at hinarap din siya nito. "Like I told you, bago pa ako pumunta dito inayos ko na muna ang lahat para kahit virtual lang ako, I can manage the team"

"Pero yung dati bang gusot sa company mo, naayos mo na?"

"Yes Sam, kasama yun sa mga inayos ko bago ako bumalik dito. Meron ba tayong problema Sam?" nagtatakang tanong nito.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. "Wala naman Pierre, feeling ko lang masyado mo ng nauubos ang oras mo sa amin, sa pagtulong mo sa amin ni Tatay"

"Sam, I told you, hindi mo dapat iniisip yun. Andito ako kasi..."

"Kasi gusto mong bumawi..." putol niya sa sasasbihin nito. "Napatawad na kita Pierre at nakita ko naman ang pagiging sincere mo na gusto mong makabawi sa akin, I think it's enough. Huwag mong masyadong gugulin ang oras mo dito, may sarili ka ding buhay" seryosong sabi niya.

Nakita niya uli ang pagkunot noo nito "Are you making me leave?"

Bahagya siyang ngumiti "Hindi naman sa ganun, gusto ko lang din isipin mo na hindi lang dito umiikot ang buhay mo, baka kasi sa kagustuhan mong makabawi sa akin, makalimutan mo na ang sarili mo"

"Sam, handa akong kalimutan ang sarili ko para sa'yo"

Umiling iling siya dahil sa kanyang narinig. "No Pierre, don't do that"

"Please Sam, let me do it. Alam ko namang si Alex pa din ang laman ng puso mo pero gusto kong mapalapit sa'yo, gusto kong maging okay ulit tayo"

Napabuntong hininga uli siya. "Okay, you can stay for a month then after that you will go back to your life again, deal?"

"Make it 2 months Sam, kailangan nating tapusin ang mga tahi natin"

"Okay fine, 2 months, deal?" tanong niya uli dito.

"Deal" nakangiting sagot ni Pierre. 

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now