Chapter 48

1 0 0
                                    

"HELLO PIERRE"

"Hi Sam, extended yung meeting namin pero feeling ko mabilis na lang 'to"

"Don't worry, medyo okay naman na si Tatay, iniwan ko muna siya kasi may pinapakuha sa akin e"

"Bakit hindi niyo na lang ako hinintay para hindi maiwan mag-isa si Tatay Abel?"

"Nagpupumilit si Tatay e, gusto niyang makuha agad yung bag niya"

"Okay, sige, you take care okay, babalik agad ako promise"

"No need to hurry Pierre, unahin mo na muna ang mga kailangan mo"

Pagkatapos niyang magsalita ay ibinaba niya na agad ang tawag, kasalukuyan siyang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay dahil inutusan siya ng kanyang ama na kunin ang isang bag dahil mayroon daw na mahalagang bagay na nasa loob ng bag na iyon.

Ayaw man niyang maiwan ang kanyang Tatay Abel sa ospital ay wala siyang nagawa dahil nagpupumilit ito, hindi niya alam kung bakit tila natatakot ang kanyang ama kaya nagpasya siyang sundin ito.

"O Sam, kamusta na si Abel?" tanong ng isa nilang kapitbahay na hindi niya maalala ang pangalan.

"Okay naman po, kailangan niya pang magpahinga sa ospital" nakangiting sagot niya.

"Buti naman, sana ay makalabas na siya ng ospital" nakangiting sabi ng babae.

Ngumiti din siya dito at akmang aalis na nang bigla uling nagsalita ang babae.

"Oo nga pala Sam, may naghahanap sa Tatay mo noong isang araw, baka magpapagawa ng damit sa kanya kasi dalawang beses bumalik dito e"

"Dalawang araw bumalik?" nagtatakang tanong niya.

"Oo"

"Sige po, sabihin ko na lang kay Tatay" sabi niya at nagsimula na uling maglakad papunta sa bahay nila.

Habang naglalakad ay hindi niya maiwasan na isipin ang sinabi ng babae dahil mula ng tumira siya sa kanyang Tatay Abel ay wala pang pumunta sa kanila para magpatahi maliban sa mga kapitbahay na paisa-isang may pinapaayos pero madalas ay ang Tatay Abel niya ang naghahanap ng mga maramihang patahi.

Nagtataka man ay hindi na lang din na niya pinansin ang tungkol doon, tsaka na lang niya iyon babanggitin sa kanyang ama kapag talagang maayos na ito.

Pagdating niya sa kanilang bahay ay doon lang niya napansin na medyo magulo pala ang bahay noong sinugod nila ang kanyang Tatay Abel kaya naisipan niyang maglinis muna bago hanapin ang bag at muling bumalik sa ospital.

Matapos siyang maglinis sa sala at kusina ay agad naman niyang nilinis ang silid niya at silid ng kanyang ama, sinigurado niya na walang alikabok na matitira, kung meron man ay kaunti lang.

Nang tuluyan siyang matapos sa paglilinis ay nagdesisyon siyang magpahinga sandali bago hanapin ang bag at maligo, nagulat na lamang siya sa pagtunog ng kanyang selpon.

"Hello Dad"

"Hi Sam, bakit ngayon ka lang sumagot sa mga tawag ko?" ramdam niya ang pag-aalala ng kanyang ama.

"Sorry Dad, naging busy lang these past few days, nasa ospital po si Tatay, 3 days na siyang nandun"

"What? Bakit di mo sinabi? How is he?"

"Sabi ng doctor his stable pero kailangan pang imonitor sa ospital"

"Okay, I will go there when I got home, currently out of town ako ngayon, pero magpapaalam agad ako sa ka-meeting ko para madamayan kita"

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now