Chapter 31

2 0 0
                                    

SA HALIP NA dumeretso sa mansyon ay sa bar pumunta si Alex pagkatapos niyang dalawin si Samantha. Hindi niya matanggap ang mga sinabi nito sa kanya.

Yes, because Pierre is with me, he can protect me.

Nararamdaman ko ang pagiging totoo ni Pierre this time.

Paano kung sabihin ko sa'yong mahal ko pa din si Pierre.

Muli na naman siyang tumagay ng alak. Gusto niyang tingnan sa mata si Samantha habang nagsasalita ito dahil gusto niyang malaman kung totoo ba lahat ng sinabi nito pero kahit anong tingin niya sa mata nito ay wala siyang makuhang sagot, wala siyang makuhang sagot dahil hindi niya mabasa ang emosyong meron sa mata nito. Totoo kayang hindi niya na alam kung paano ito basahin, di tulad noong bodyguard pa lang siya nito na alam niya ang bawat naiisip ni Samantha.

Napabuntong hininga na naman siya at muling tumagay ng alak.

"Brad, ang aga mo atang umiinom ngayon ha"

Napatingin siya sa lalaking nagsalita kahit na alam niya kung sino iyon. Umupo ito sa kanyang tabi.

"May problema ba?" tanong ni Spencer.

Bumuntong hininga siya bago nagsalita. "Malas ata ako sa babae Brad"

Narinig niya ang pagtawa ng kanyang kaibigan. "Malas? Paano ka naging malas?" hindi makapaniwalang tanong nito. "E kahit saan ngang lugar meron kang natitisod na babae diba?" natatawang sabi nito.

"Brad, nakita ko na ang babaeng gusto kong seryosohin, nakita ko na ang babaeng gusto kong alayan ng pagmamahal ko..." ngumisi siya. "...pero ang damot ng tadhana dahil hindi pala kami pwede, dahil napaka-kumplikado ng sitwasyon namin"

"Wooo! So inlove ka talaga?" sabi nito na may pagtapik pa sa kanyang balikat. "Ngayon lang kitang nakitang ganyan dahil sa babae, dati naman wala lang sa'yo ang mga babae, ano nakarma ka na ba?" nang-aasaar na tanong nito.

"Hindi ko alam kung karma ba ang tawag sa nangyari sa amin, pero ang sakit sakit na hindi ko na siya kayang ipaglaban dahil mali na" seryosong sabi niya.

"Dahil may mahal na siyang iba?"

Umiling iling siya bilang sagot.

"Dahil ayaw niya na sa'yo?'

Napangisi uli siya. "Mas madali pa nga kung may iba na siyang mahal o ayaw niya na sa akin kasi pwede kong gawin ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Pero brad, hindi e, nalaman namin na magkapatid kami"

"What? Brad, what the heck, anong kasalanan mo at yan ang nangyari sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Natawa din siya dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. "Ayan din ang tinanong ko sa sarili ko, bakit ganitong parusa ang binigay sa akin, sa amin"

"Brad, ngayon na lang kita nakitang na-inlove ng husto tapos nagka-ganyan ka pa"

"And remember Angela?"

"Hmmm.. Angela?..." nag-iisip na sabi ng kanyang kaibigan. "...the girl in the US?" paniniguradong tanong nito.

Tumango tango siya dito. "Brad, I got her pregnant"

"What? Dude, ano ba pinaggagawa mo? Where is she?" sunod sunod na tanong nito.

"Nasa mansyon"

"And where is the woman you love?"

"Nasa Laguna together with her ex"

"Oh shit brad, sobrang complicated"

"Sobrang complicated Brad, as in" muli siyang uminom ng alak.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ