Chapter 33

1 0 0
                                    

HALOS ARAW-ARAW NA ang nagiging sagutan ni Alex at Angela dahil sa pagdududa nito na pinupuntahan niya si Samantha kahit hindi naman. Halos buong oras niya ay nasa opisina na uli at doon nanatili para lang hindi sila mag pang-abot ni Angela at kung minsan naman ay pumupunta siya sa Bar para lang magpalipas ng oras kapag wala na siyang gagawin sa opisina. Gusto niya na pag uwi niya ay tulog na si Angela at maaga siyang aalis kinabukasan para hindi siya maabutan pag-gising nito.

Hindi na uli siya pumunta sa Laguna para kamustahin si Samantha dahil nasasaktan siya sa tuwing naalala niya ang mga sinabi nito sa kanya, pakiramdam niya ang bilis lang para dito na kalimutan siya at ipagtulakan sa ibang babae. Pero hindi din niya ito masisi dahil sa sakit na naparamdam niya dito noong nasa mansyon pa ito, at ngayon ay tila wala ng dereksyon ang buhay niya, hindi niya na alam kung ano ang gusto niya, hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya para lang matanggap ang sitwasyon nila ni Samantha.

"You're drinking again Alex"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita niya ang kanyang ama na papalapit sa kanya. Nang matapos siya sa kanyang trabaho sa opisina ay nagpasya na siyang umuwi pero sa halip na dumeretso sa kanyang silid at dumerestso siya sa kanilang beranda at doon uminom ng alak.

"Dad" bati lang niya dito.

"What is happening to you Alex?" umupo ito sa katapat ng upuan niya. "You always drink"

"I'm sorry Dad"

Wala siyang mahanap na sagot sa tanong nito dahil kahit siya ay hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya, basta ang alam niya lang ay ang alak ang kaibigan niya ngayon.

"Lagi na lang kayong nag-aaway ni Angela, akala ko ba you will take good care of her?" tanong nito na kinuha ang basong hawak niya at ininum ang alak.

"I want to take care of her Dad, pero nagiging demanding na siya, she wants all my time, gusto niya kapag tinawagan niya ako darating agad ako, she's controlling me Dad and I don't want to be controlled by anyone" malumanay pero may galit na sagot niya.

Mula nang malaman ni Angela ang tungkol sa pagiging magkapatid nila ni Samantha ay umasta na ito na parang kasintahan niya, napansin din niya ang pagiging clingy nito sa kanya, gusto nito na laging nakadikit siya dito, at napapansin niya na gumagawa din ito ng paraan na may mangyari uli sa kanila.

Tama na ang pagkakamali na nangyari noong nalasing siya dahil hanggang ngayon ay hindi niya makalimutan ang mukha ni Samantha noong maabutan sila nito.

"To be honest, she's different from your mom when I get her pregnant"

Napakunot noo siya. "What do you mean Dad?"

"Sobrang tahimik ng pagbubuntis ng mom mo, wala siyang hinihingi sa akin na kahit na ano kahit na alam kong dapat ibigay ang lahat ng gusto niya, minsan ako na ang nagtatanong sa mom mo kung may kailangan ba siya pero wala daw"

Tumigil sa pagsasalita ang kanyang ama para uminom ng alak.

"Your mom make sure na she's not taking advantage of me dahil nasa tabi niya ako, she make sure na kung ano lang ang hindi niya kayang gawin ay doon lang din siya hihingi ng tulong. Kahit na magkahiwalay kami ng kwarto, lagi ko siyang sinisilip to make sure na nakakatulog siya ng maayos, na walang siyang nararamdamang masakit, na wala siyang kailangan, at kumportable siya"

Muling uminom ng alak ang kanyang ama.

"Kahit na alam kung wala kaming feelings sa isa't isa, gusto ko siyang alagaan dahil iniisip ko ang magiging anak ko, ano na lang ang iisipin niya kapag nalaman niya na hindi ko siya inaalagan, na hindi ko binibigyan ng importansya ang kanyang ina noong nagdadalang tao ito. Kahit na alam kong hindi namin mahal ang isa't isa at kahit na alam ko kung sino ang laman ng puso ko ay sinubukan ko pa ding maging mabuting ama sa pamamagitan ng pag-alaga sa kanya"

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Where stories live. Discover now